FRANCIS' POV
Ilang araw nalang at pasukan na, eto ako nakahiga habang nakasalpak ang earphones sa tenga ng biglang sumigaw si yaya, kakain na raw kami. Bumaba naman na ako
"Kain na Cis" sabi ni ate Julia habang nakatingin ako sa mga pagkain sa lamesa.
GUTOM NA AKO!
"Ok ate maghuhugas lang ako ng kamay."
Kumain na rin ako.
"KUYA!" sigaw ni Elligah
"Oh ano? kung makasigaw rin 'to, eh wala namang sunog ah. "pang-iinis ko
"Kuya naman eh, pwede pasama mamaya? Bibili ako ng mga gamit for School."
"Sige bunso para makabili narin ako ng mga gagamitin ko."
Pagkatapos naming kumain naligo na kami.
Pumunta na kami ni bunso sa Mall para makabili ng mga gamit.
lakad dito
lakad doon
pili dito
pili doon
pagkatapos naming bumili ng gamit ni Bunso, nagpasundo na kami kay Kuya Teng.
Nga pala nakalimutan kong magpakilala. Ako si Francis Adrian B. Magundayao, gwapo, matangakad at matalino at mag ti-3rd year High School na ako.
Tatlo kaming magkakapatid, Si ate Julia, ako at Si Elligah. Sila Mommy at Daddy naman busy sa trabaho kaya bihira namin sila makasama.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
PASUKAN NA
Gising
Ligo
Bihis
Kain
Tooth Brush
"Ate ready kana? "
"oo naman excited na nga ako eh, kaw ba?"
"Hindi ko alam eh, 2 years na simula nung umalis sya."
"Ok---" naputol ang sasabhin ni ate ng biglang sumigaw si Bunso
"YEY! Andito na tayo!"
JULIA'S POV
Andito na kami sa school, yes, you're right its the first day of class.
Akala ko naka move-on na si Francis, akala ko hindi na niya naaalala ang mga yon, akala ko rin excited siya ngayong pasukan.
Pero nagkamali pala ako.
"Cis, bunso room ko na to, dito nako ah, dumiretso nalang kayo sa mga designated rooms nyo, pakabait ha"sabi ko sa kanila habang nasa tapat na ng classroom ko.
"Sige Ate." sabay nilang sinabi.
FRANCIS' POV
Inihatid ko muna si bunso sa room nya at pumunta na rin sa room ko.