Xell POV
Hay nako. Di ata natuwa si Ann sa sinabi ko? Ayun umuwi agad. Sana pumasok siya bukas para namn makabawi ako. Makauwi na nga lang din wala na namng kwenta dito wala si Ann e.
"Kate, Nard. Una na ko." Pagpapaalam ko sa dalwa saka tuluyang umalis. Di na ko nagintay ng sagot nila. Laging magkasama yung dalwang yun. Bakit sakanila lang ako nagpaalam? Shempre sila lang nakita kong classmate ko hahaha.
Pag dating ko sa bahay agad akong nagbukas ng computer para tingnan kung online si Ann. Di namn ako nagkamali kasi online nga siya. Chinat ko siya agad.
*chat*
"Ann! Bat umuwi ka agad?" Tanong ko sana magreply.
Seen 4:30 PM
O.o sineen ako ni Ann. Di maganda to. Bahala na nga bukas. Basta dapat siya pumasok. Maka tulog na lang.
Ann POV
Chinat ako ni Xell kaso ayaw ko siya replyan. Bahala siya sa buhay niya. Makapagpaalam nga na di ako papasok.
"Nanay! Pwede po ba di ako pumasok bukas? Wala na rin namn kasing ginagawa sa school e." Tanong ko kay nanay. Sana pumayag.
"Sigurado ka bang wala na? Pag oo sige wag ka na pumasok." Sagot ni Nanay.
"Opo nay wala na." Haha di na ko papasok sasabihin ko na lang sa classmate ko.
"Evaan! Di ako papasok bukas haha. Paki sabi na lang sa iba. Nakakatamad din kasi wala din namng gagawin e, saka nag paalam na ko kay nanay haha." Chinat ko kay Evan. Ayan ok na di na talaga ako papasok bukas haha. Makapag out na nga agad. Baka makita pa ko ni Xell e mangungulit pa yun.
*kinabukasan*
Xell POV
Pagkagising na pagkagising ko ay binilisan ko agad ang kain at kung ano ano pa. Pumunta ako sa bayan para bumili ng flowers para kay Ann. :D. Sana pumasok siya. Matagal tagal din ako nagintay nun sa pagawaan ng bulaklak. Pagkadating ko sa school ay agad akong tumungo sa kanyang room at boom! Di nga pumasok si Ann :(. Sabi din ng classmate niya nagpaalam din daw siya sa nanay niya e.
Halos wala ding nangyari sa half day naming pasok. Zzzzz walang kwenta -_-.
"Oh? Bat para kang pinagsakluban ng langit at lupa ha?" Tanong sakin ni Nard. Shempre ano pa ba? Di magkasama nanamn sila ni Kate.
"At bakit magkasama nanamn kayo ha?" Pagbabalik ko ng tanong sakanila hahaha. Nakita ko namn si Kate na medyo namula hahaha. May iba talaga sakanila. Pero saka ko na proproblemahin yun. Ang problema ko ngayon si Ann. Haaaay.
"He. Tumigil ka nga jan. Ano? Bat nga para kang pinagsakluban ng langit at lupa ha?" Tanong uli sakin nina Kate at Nard.
"Secret. Hahaha." Umalis na ko agad. Mangungulit pa yun si Nard e.
Pumunta kaya ako kina Ann no? Oo tama! Pupuntahan ko si Ann sakanila kaso kailangan ko ng peace offering hehe. Balik uli tayo sa bayan.
Pagkadating ko ng bayan e agad kong tinungo ang bilihan ng cake. Bumili din agad ako at pinalagyan ko ng Sorry. Ika pa nga nung tindera 'Kuya ako na lang gagawa ng kasalanan sayo haha' nginitian ko na lang siya. tapos lumabas na ko ng shop.
Nung nasa pilahan na ko ng tricycle ay sakto namng nakita kong nakapila yung dating guwardiya ng school namin haha swerte talaga.
"Kuya Manny. Alam nyo ho ba kung saan nakatira si Ann?" Tanong ko kay kuya manny.
"Oo bakit?" Yes! Buti namn haha
"Buti namn haha. Hatin nyo nga ako dun kuya Manny. XD" Nahihiya kong sabi haha. Pero hinatid din namn ako ni kuya Manny.
Pagkahatid sakin ni kuya Manny e agad kong tinanong kung saan ang bahay ni Ann. Nung nalaman ko pumasok ako sa gate nila hahaha at nakita ko agad yung tita ni Ann.
"Hello po hehe. Si Ann po ba naanjan?" Tanong ko namn kay tita haha
"Oo teka tatawagin ko lang. Ann!" Sagot namn sakin ni tita.
Nung lumabas na si Ann tila tumigil ang oras ng mundo ko at napatunganga ako kay Ann. Grabe ang ganda niya kahit nakapangbahay lang. .
"Ann may bisita ka." Sabi nung tita ni Ann at agad na kong itinuro.
"Oh? Ano ginagawa mo dito?" Tanong sakin ni Ann.
"Bumibisita?" Sagot ko at agad ibinigay ko na ang Flowers at cake na dala ko.
"Para saan namn to?" Tanong ni Ann. Mejo napapangiti pa nga e hahaha. Halatang kinikilig.
"Hehe peace offering ^_^v" sagot ko namn.
Di na sumagot si Ann at pinaupo na ko sa may labas nila. Pumasok din ito sa luob upang ilagay ang cake na dinala ko.
Pag balik ni Ann ay kinain na namn ang cake na dala niya galing kusina. Bumili din siya ng soft drinks na maiinom namin tapos nanuod na kami ng TV.
After several hours.
Inabot na ko ng gabi hahaha. Ok lang sulit namn e haha. Bago ako umuwi ay nagkwentuhan muna kami ni Ann sa labas nila. At bigla siyang nagsalita.
"Xell." Tawag sakin ni Ann.
"Oh Ann?" Sagot ko namn habang nakatingin sakanya ng mataimtim.
"Sinasagot na kita." O.O hindi makapanilawalang tingin ko kay Ann.
"Ta-tayo na??" Pagkukumpirma ko sa sabi niya.
"Bakit ayaw mo ba?" Tanong niya sakin. Shet! Sinasagot na nga ako ni Ann .
"OY ANN WALA NG BAWIAN AH? SINAGOT MO NA AKO." Halos mapatalon ako sa tuwa sa sinabi ni Ann. Grabe di ko maipinta ang siyang nararamdaman ko. Di ako makapaniwala hahahaha. Sobrang saya ko.
March 20, 2014. 8:42 PM sa kanila sinagot na ko ni Ann. At kami na talaga! Wooooooh!
"Oy Xell! Wag ka nga tumalon para kang ewan e." Sabi niya sakin aba. Anong magagawa ko masaya ako xD.
Hinawakan ko ang kamay ni Ann at itoy hinagkan.
"Mahal na mahal kita Ann. :D" Sabi ko kay Ann.
"Oo na mahal na mahal din kita. Lakad na ginabi ka na oh." Grabe namn si Ann my loves. Gusto na kong umuwi haha.
"Sige sige. Papaalam na ko samahan mo ko haha." Sinamahan namn ako buti namn haha.
"Tito, Tita uuwi na po ako. Salamat po. Ingat din po kayo." Pagpapaalam ko.
At yun na nga! Woooh! Sarap tulog ko nito xD.
----
Hellooo!