VIII

12 2 4
                                    

Menard POV.

Isang lingo na halos nakalipas pero di parin nagsasabi sakin tong si Xell. Buti nga lagi na shang nakangiti haha, di na sha yung dating kala mo galit sa mundo. Speaking of Xell eto na haha.

"Oh Nard? Bat nakatunganga ka jan? Siguro iniisip mo si Kate no?" Ngising ngis namn ang pagkakasabi ni Xell -_-

"Hindi no. Asa ka namang iisipin ko yun." sagot ko namn.

"Hahaha sabi mo e. Sige Nard. Punta lang ako sa labas." Oh tingnan nyo. Dati pag lumabas yan himala na ngayon namn napapadalas ang paglabas ng room. Hahaha nga namn.

Xell POV

Hindi ko na inantay sagot ni Nard haha. Shempre pupunta na ko kay Ann my love. Alam ko namang miss na miss na ko ni Ann e hahaha. Yun pa? E inlove na inlove nga sakin yun. Eto na yung maganda ❤.

"Uy Ann! Grabe Ann. Ang ganda ganda mo talaga." Grabe talaga ang ganda nya. Para siyang dyosa ❤.

"Agang aga Xell, nangbobola ka na agad diyan." Sagot nya namn.

"Hay nako Ann. Di ako nangbobola no. Totoo kaya yung sinasabi ko. Tara na nga taas na tayo sa room mo haha." Niyaya ko na siya pataas sa room nya. Aba shempre namn kinuha ko yung bag nya kaso ayaw nya e haha. Siguro iniisip nito na mashado akong pogi para magdala ng pangbabaeng bag xD.

Tahimik lang kami habang naglalakad sa hagdan ng biglang...

"Wow! HHWW ang peg! Hahahaha." Anak ng tinola namn oo. Ganun na ba kami kagwapo't ka ganda at bigla bigla nalang nasigaw na ganun? Teka nga ano daw? HHWW?

"Ha??" Xell

"Hmm?" Ann

Halos sabay na yung reaksyon namn sabay tingin sa kamay namin. Oo nga! Mag ka holding hands kami! ❤❤❤. Tiningnan ko namn si Ann.

"Ann? May sakit ka ba? Bat ang pula ng pisngi mo?" Hala? May lagnat ata si Ann O.o?

"Ha-a? Wa-wala, tara na tumaas." Ngayon namn nabubulul sha? Ano kayang nangyayari kay Ann?

"Hay nako kuya. Kinikilig yan HAHA!" Tukso namn nina Kate at iba pa classmate ni Ann. Siya yung bigla bigla na lang nasigaw hahaha.

"Oo nga haha. Tingnan mo pulang pula na sa kilig haha. " Ika namn ni Evan.

"Hay nako! Di kaya ako kinikilig no! Tara na nga sa taas Xell iwanan na natin yang dalwang yan!" At hinatak na ko ni Ann my loves. Di man lang nga ko nakasagot e haha. Grabe kung kinikilig nga si Ann ang cute nya kiligin. Lalong nakakainlove! ❤

*room*

Sawakas nakarating din sa room. Grabe talaga. Bago ka pa makarating sa room hingal na hingal ka na ulit. Pero sulit namn kasi kasama ko si Ann e.

"Uy Ann. May lagnat ka ba?" Tanong ko. pano ba namn kanina pa tahimik at nakahalumbaba lang sa upuan nya.

.....

"Ann?" Kinaway kaway ko pa yung kamay ko sa harap nya.

.....

Dedma nanamn? Teka nga lapitan ko nga. Hahaha di parin ako pinapansin. Nakatunganga parin siya.

Kiniss ko sa may ilong hahaha.

"Ano di mo parin ako papansinin ah?" Tanong ko. Siya namn ayun pulang pula ang pisngi hahahaha. Ang cute talaga ni Ann.

"Ha? Anong di pinapansin? Kinakausap namn kita ah?" Tanong niya na nagtataka pa haha.

"Oo ngayon hahaha. Kanina hindi. Nakilang tawag na nga ako sayo e."

"Hehe sorry. Bakit ba kasi tinatawag mo ko?"

"Pano kanina ka pa namumula diyan. Kala ko nga kung napaano ka na e haha. Papasok ka ba bukas?" Tanong ko. May naisip akong maganda wahahaha.

"Malamang may pasok e. Bakit ikaw ba?" Tanong namn ni Ann.

"Hindi. Nakakatamad kaya." Sagot ko.

"Ah tinatamad ka pala ah?" Biglang naging seryoso yung mukha ni Ann. Hala mali ata nasabi ko. Pero sige. Isusurprise ko namn siya bukas e. Kaya ok lang yun.

"Oo e, bakit?" Tanong ko namn.

"Wala. Ge lakad na sa room mo late ka na." Tinulak ako palabas ng room nila at saka sinarhan ang pinto. Bali naandun na rin kasi yung classmate niya e.

Hay nako nagtampo pa. Bukas sisiguraduhin kong mawawala ang tampo niyan hahaha.

Ann POV

Di na ko papasok bukas. Tinatamad pala siya kahit kasama niya ako ah. Hmm! Bahala siya sa buhay niya bukas!

*after class*

"ANN!!" Tawag ni Xell. Di ko papansinin bahala siya sasakay na ko ng sasakyan.

Agad agad ako nagpaalam sa mga classmate ko para makasakay na agad. At ok namn kasi di na ko nahabol ni Xell haha.

---

Hi hahaha!

The story of us.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon