Chapter 4: Storm

5 1 0
                                    


KAI's POV

"Ano ba yan Clarrence...wala ka man lang foods na dala?" Naiinis kong tanong sa kanya. Eh pano ba naman...halos limang minuto na kong naghahalughog sa mga gamit niya pero wala akong makitang matinong pagkain. Puro chichirya lang at cup noodles. Ang talino talaga ng isang to. Nagdala ng cup noodles eh wala namang dalang heater o kahit hot water man lang.

Kung nagtataka kayo kung asan kami...ito pauwi na. Two weeks ang mabilis na lumipas at pabalik na nga kami ngayon ni Clarrence sa reyalidad. Kasalukuyan akong naghahalughog sa mga bags na dala namin at naghahanap ng pagkain pero ang walanghiya hindi man lang ako pinansin.

"Hoy!!!" sigaw ko sa kanya.

"Wag ka nga...may chichirya naman. Yun na lang ang kainin mo." Sagot niya na parang wala lang.

"Eh I want real food eh. Yung nakakabusog." Ungot ko pa.

"Hay nako Kai...nakakabusog rin naman yan. Pagtyagaan mo na. Sina Alaina nga yan lang ang binabaon sa tuwing may outing tayo eh." Sabi niya pa. I just roll my eyes. Ang tigas talaga ng ulo ng mamang to. Ang sarap kutusan.

"Eh sina Alaina yun. Gusto ko ng carbs...yung nakakabusog nga!"

"Magdiet ka rin naman paminsan-minsan. Stress eating ka na eh. Kung carbs lang rin naman ang hanap mo, tingnan mo sa likod kung magkano ang carbs content niyang hawak mo." Pilosopo niyang sagot.

"Ang sama mo! Jobee na lang kasi...o di kaya mini stop or 7 eleven...gusto ko ng chicken..." Ungot ko ulit.

"Ano ka bata? Kung makajobee ka naman...mcdo ayaw mo?" Nakangising sagot niya. Arghhh!!! Naiinis na talaga ako sa isang to. Anong problema nito at parang trip na trip ata akong inisin ngayon?

"Nang-aasar ka ba? Kasi effective much eh. Gusto mo mapingot ng wala sa oras? Chicken nga ang gusto ko! Kahit wala dun sa mga sinabi ko basta may chicken na binibinta go!" Inis ko ng sagot sa kanya. Kapag may hirit pa talaga to makakatikim na talaga to sa akin. Isa na lang talaga! Quotang quota na siya sa akin ngayon!

"Sinabi mo yan ha?" Sabi pa niya. Hindi ko alam kung ako lang ba or parang may something talaga sa ngiti ng mokong na to. Tingin ko may iniisip tong kabalastugan eh. Ah ewan..subukan lang niya talaga kundi may mababaon talaga siyang black eye pag-uwi namin sa Manila.

"Oo nga."

"Sige. But for the mean time...kainin mo muna yang mga chichirya dyan para matigil na yang bunganga mo sa kakadakdak. Let me drive in peace alright?"-Clarrence.

"K." Sabi ko na lang.

Few moments later naubos ko na ang mga chichirya't lahat-lahat hindi pa rin kami humihinto para sa chicken ko. Argh! I'm becoming bugnutin na naman kasi nga hindi ko pa nakakain ang comfort food ko for now. Pero dahil nga sa may nakain na naman ako at kahit papano nagkalaman na naman ang tyan ko...I decided to sleep for a while para kahit papano...mabawasan ang pagkabugnutin ko. Mahirap na. Baka mabulyawan ko pa siya nang wala sa oras. And besides...baka mamaya pagkagising ko...andyan na ang pinakahihintay kong chicken.

CLARRENCE' POV

Ang hirap talaga kapag may kasama kang brokenhearted. Sobrang demanding! At ang mahirap pa...parang menopausal na babae kung makasigaw! Napakabugnutin! But well...who am I to complain? I can perfectly understand her. Alam ko naman kasi ang pinagdadaanan ng kaibigan ko kaya go lang sa gusto niyang trip sa buhay. Tulad na lang ngayon na ipinagpapatayan niya talaga ang pagbili namin ng chicken. I mean seriously? Chicken? Sa lahat naman ng pwedeng comfort food niya yun talaga ang pinili ng panlasa niya ngayon eh noh? Pwede namang ice cream or di kaya cake or other desserts or anything sweet na according to my other friends eh nakakalighten-up daw ng mood pero ito at ang babaeng nasa tabi ko...chicken talaga ang napili. Sometimes...woman are weird. No. They are weird. Period!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bridge Is The OwnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon