KAI’s POV
♫ I'm scrolling through my cellphone for the 20th time today
I'm reading the text you sent me again
Though I memorized it anyway
It was an afternoon in December
When it reminded you of the day
When we bumped into each other
But you didn't say hi cos I looked away
And maybe that was the biggest mistake of my life
And maybe I haven't moved on since that night
Cause it's 12:51 and I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed thinking of you again
And the moon shines so bright but I gotta dry these tears tonight
Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on any longer ♫
Napatingin ako saglit sa stage kung saan nanggagaling ang kantang naririnig ko ngayon. Ang galling lang. Parang nanunudyo lang ang tadhana at pati kanta nakikiayon na ngayon sa nararamdaman ko. Pakshet lang! ang sakit! Napatingala na lang ako dahil sa batid kong unti-unti nang namumuo ang mga luha ko at anumang oras ay nagbabadya na itong pumatak. Ang buong akala ko, ubos na ang mga ito. Akala ko wala na ang sakit. Pero shit lang! Heto ngayon at hindi pa rin tumitigil sa pagpatak ang mga luha ko. pakshet lang talaga!
Parang kailan lang nang sinabi niyang…
“Ako ang bahala sa yo. Mapapansin ka rin niya makikita mo…”
Ang saya-saya ko pa nung sinabi niya yun. Kasi feeling ko talaga chance ko na. Sa wakas mapapansin na rin niya ako. Halos maglumundag ang puso ko sa tuwa nun. Pero ang inaakala kong magandang balita na bubungad sa kin, yun pala….masamang bangungot.
“Kai…andito ka lang pala. Halika na. Uwi na tayo.”
“Sige. Una ka na. Susunod na ko.”
“Sigurado ka?” tanong pa ng pinsan kong si Zachary.
Kahit pilit, pinilit kong bigyan siya ng ngiti just for reassurance. Alam ko nag-aalala siya.
“Okay lang ako pinsan….don’t worry.” Sabi ko pa.
“Sige. Sunod ka na lang ha?”
Tumango na lang ako ulit. Tsaka pa siya naglakad palayo.
I sigh. Alam ko worried na sila sa akin. Ilang araw na rin kasi akong ganito lang palagi ang routine. Gigising ng maaga,maglalakad-lakad sa dalampasigan at kapag napagod, magpapahinga muna sandal tsaka tutuloy sa isang mini café para magpalipas ng oras.
At makalimutan sandali ang sakit…
Nasa sa mga pinsan muna kasi ako ngayon. Mag-iisang linggo na.
Mag-iisang linggo na rin mula nung malaman ko ang napakasaklap na balita.
*flashback*
“Kai…M-May sasabihin ako sa yo .” uutal-utalna sabi ni Mish. Hindi ko alam ng mga panahon na yun kung bakit gusto niya kong makausap. Pauwi na ko nang bigla niya kong tinawag dahil may importante daw siyang sasabihin sa kin.
BINABASA MO ANG
Bridge Is The Owner
Teen FictionSabi nila, "Bridge is the Owner" daw Kung sino yung taong tumutulong para magkalapit pa kayo lalo ng taong mahal mo, siya pa pala ang magmamay-ari ng puso ng pinakamamahal mo. At first, ayokong maniwala dito... Sino ba namang tanga ang maniniwala di...