ang istoryang ito ay hango sa totoong buhay kung panu ako naggraduate sa college. ako nga pala si George isang I.T. graduate (to my readers: wag kang magalala kahit di ito ang course mu walang kinalaman ito dito sa istorya ang mga academics at majors subject, mga pointers and exprienceses, ups and downs at lesson you must learn lang ito na maaring maapply mu sa buhay college
Chapter 1 "Entering to College life"
Ep. 1: 1st sem Enrollment
Una sa lahat sympre nagtake ako ng exam at hinulaan ko lang ito dahil na brainwash ako sa pagenjoy ng summer vacation at kakaalis ko lang ng highschool natural at iba sa mga kaibigan ko ay iba ang course na pinili at sinulit namin yun buong bakasyon halos iba lang samin ang magkakasama sa college. Sa buong bakasyon inisip ko kung anu ang kukunin kong course inisip ko kung saan ako magling at kung saan ako mageenjoy. Mahilig ako sa computer alam ko ang basic ng hardware at software kaya I.T. ang kinuha ko. Nung tinitignan ko na ang resulta ng exam awa naman ng diyos at pumasa ako. Marami na ang nageenrol nung mga panahon na inyon dahil pagkalabas pa lang ng result ng exam ay pwde na magenrol. ako lang magisa ang naglalakad sinasanay ko na kasi ang sarili ko na ako ang kikilos at hindi umasa masyado sa mga magulang ko, karamihan kasi sa mga kasabayan ko kasama yung mga magulang nila. Meron naman instruction sa bawat sulok ng school kung saan pupunta at kung ang dapat na gawin. Medyo mahiyain ako sa umpisa kaya wala akong lakas ng loob makipagusap sa iba nang hindi ako ang unang kinakausap kaya kailangan kong gawin ito ng buong tapang kaya lang hindi ko kabisado ang school kaya kailangan kong magtanong kung saan ako pupunta. ang una kong pupuntahan ay ang registar kaynino kaya ako magtatanung nakakita ako ng isang matanda na bihis na bihis at my logo cya ng school sa kayang suot na polo shrt sinimulan kong mangtanung:
George: ah "sir" pwde po bang magtanong saan po ba ang registar
Matanda: ung registar ba diretchohin mu lang ung hallway nato saka ka tumingin sa gilid may sign doon na registar office
George: ah ok po "sir" salamat po
Pointer: lakas ng loob lang sa pagtatanung at galang at higit sa lahat piliin ang taong pagtatanungan
Sa pagmamasid ko halos nabasa ko lahat ng office na pupuntahan ko kaya lang kailangan kong sumunod sa instruction kung paano ang pagkasunod sunod nito
Nang nasa kalagitnaan na ako ng pageenrol nakasalubong ako ng isang kakilala ang kababata ko si John, elem. ko lang cya naging klasmate nun at magkaiba ang school namin nung highschool kaya nagkagulatan pa kami na parehas ang university ang napasukan namin kasama niya yung nanay niya at halos payari na silang magenrol kaya tanungan lang ang nagwa namin at di nakapagkwentuhan. Nadagdagan na ng isa ang kakilala ko kaya inisip ko na hindi ako masyadong maiinip magaral o gumik paminsan minsan dahil meron na akong maaya. Marami din chix sa paligid at siguradong busog ang mga mata ko nato hehehe. Meron din mga mukang goons sa penikula, mga wierdo, emo, rakista, fasionista, at baduy, parang mga tipikal na porma parin nila nung nasa highschool pa ung iba. Iniisip ko pano ako makikipagkaibigan sa mga ito at pano ko sila makakasalamuha. Kinakabahan na ako sa mga mangyayari pero inisip ko kailangan kong magsiryoso at ito ang susi ko sa hinaharap dahil ito ang pinili kong profesion. Mabilis ko lang nayari ang pageenrol ko at sa unang section ako ng I.T. napunta punuankasi muna ng section kaya hindi pa pwdeng mamili kung saan mu gusto. Maganda naman ang sked ko puro pang umaga koso gusto ko sa hapon o kaya sa gabi para nakakagala ako sa umaga o hindi maaga ang gising ko. 8am ang unang klase ko basic comp. 1, major subject kagad at siguradong mageenjoy ako. at yun kaagad ang 1st subject. pero bago yun meron flag cerem. at orientation, un ang magiging 1stday of school ko sa college.
Lesson you must learn: pumili ng course kung saan ka magaling at kung anu talaga ang gusto mu dahil sa panahon mahirap kumita ng pera maawa ka sa magulang mu, mahirap din ang paiba iba ng course baka mabaliw ka at maging taong grasa kaya hangat maaga pagisipan mung mabuti ang papasukin mung landas college ang unang steping stone sa buhay kaya paghusayan mu.
to be continue...
pls comment for more episode
"Ep. 2: 1st day of College life
BINABASA MO ANG
How did I Survive in "College"
Teen FictionPointers , Lesson you must learn, my expirience you might apply