ID10T 1

34 1 0
                                    

"A good start"

DREO DEUTERONOMY's POV

"Alam mo ba Kaye yung mga kaklase ko na nainira nung lab experiment ko, ayun naguidance office sila. Wala naman kasi akong ginawa sa kanila pero sinira nila yun."

Kwento ko kay Kaye. Hmm. She's my pet actually.

Pusa siya so habang ako'y nagkukwento, hinihimas-himas ko siya.

"Mabuti ka pa, hindi ka gaya ng iba. Bakit kaya ganun sila? Purkit ba tingin nila sa akin ee--" 

"DD! Baba ka na dalii! Male-late ka na!"

Ayan na. Nakasigaw na naman si ate Solenn.

Naku naman. I lost track of my time. May pasok na nga pala ako.

Ansarap kasi makipagkwentuhan kay Kaye eh.

Bukod sa ate at bestfriend ko, siya lang yung napagsasabihan ko ng mga bagay-bagay na nangayayari sa akin.

Lalo na kapag may problema ako.

Tumakbo na ako sa hagdan dala-dala yung libro at bag ko.

Pero sa sobrang pagmamadali, yung mga hawak kong libro nagsipaglalagan sa hagdan.

A good day to start huh? -___-"

"Ano pa bang ginagawa mo DD? Malapit ka na malate!"

Hindi ako umimik.

Tinulungan lang ako ni ate na magligpit ng mga nagkalat kong libro.

Tumingin ako sa paligid.

No sign of mom and dad. Again.

Tumingin ako kay ate.

Alam naman na niya kung anong sagot ko.

Bigla akong niyakap ni ate.

"A-Ate?"

Mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap.

"Don't worry DD. Just be yourself. Kaya mo yan."

Pagko-comfort sa akin ni ate.

Haaay. Wala naman ako magagawa eh.

**At ASDFGHJKL High School**

Lakad-takbo na ang ginagawa ko.

Konti na lang talaga male-late na ak--

"Ouch! Sh*t!"

May nabangga ako. Bukod sa lakad-takbo kong ginagawa, nakayuko ako kaya hindi alam kung sino yung mga tao sa paligid ko.

Pag-angat ko ng ulo, babae pala.

"S-Sorry."

Nagulat ako dahil bigla akong kinwelyuhan ni Troy.

Ang bad-boy sa campus.

Ano na naman ba tong napasok ko.

"Pwede ba you idiot! Tumingin ka nga sa nilalakaran mo! Sa lahat ng babanggain mo, girlfriend ko pa!"

Akmang susuntukin na niya ako ng biglang..

*Riiiiiiiiiing*

Oh I must say "Save by the bell".

"Tsk. Sa susunod na mabangga mo pa si Ana, magtago ka na!"

Tinulak niya ako ng malakas dahilan para malaglag yung mga gamit ko.

Idagdag mo pa na tumalsik yung salamin ko.

Kinapa-kapa ko sa daan kaya lang hindi ko makita.

Ang malas ko naman. :(

Bigla na lang may nag-lagay sa mga mata ko ng salamin ko.

"H-Hi Gwynth."

Bestfriend ko since elementary.

Siya lang ang tanging nakakapagtanggol sa akin sa mga lalaki at babaeng walang ginawa kundi laitin at saktan ako dito sa school.

"May nang-away na naman ba sayo?"

"Dapat kasi sumagot ka man lang! Wala ka namang ginagawa ah! Nako talaga!"

Sunod-sunod na sabi niya sa akin na may halong inis.

"Okay lang naman."

Sabi ko.

"Dreo Deuteronomy, hindi dapat palaging ganyan!"

Protesta niya. Kahit kailan talaga napaka-protective niya.

Hindi ko siya sinagot.

Nginitian ko nalang siya.

"Ikaw talaga. Tara na nga. Nag bell na baka malate pa tayo"

Yes, that's me.

Dreo Deuteronomy Briones III is the name.

Graduating student sa ASDFGHJKL High School.

I don't want to elaborate any details regarding my appearance and personality.

What's the use?

Basta ang alam ko, everyone treats me like someone who doesn't belong in this world with an exeption sa family ko at sa bestfriend ko at syempre, kay Kaye.

And honestly, I think this school year for me is not as exiciting unlike ordinary student expects.

*ViA iAm_Ugly & ImMsYoo

Comments? Suggestions? Violent reactions? Hmm.. Vote? 

Feel free to do so. :)

MR. ID10TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon