THIRD PERSON'S POV
Muling pinagmasdan ni Romeo ang sarili sa salamin. Napangiti siya sa ayos na nakikita. Ngayong gabi, hindi na siya yung matipunong lalakeng kinahuhumalingan ng lahat nang mga kababaihan.
Wala na si Romeo Dela Vega, ang nakikita niya ngayon sa salamin ay walang iba kundi si Romina Dela Vega.
"I'm beautiful talaga." Maarteng sabi niya saka isinuklay ang mga daliri sa mahabang wig. Tuwid na kulay Dark brown ito, ang haba ay aabot sa kanyang balikat. Bumagay sa mukhang maputi. Ang mga mahahabang fake na pilikmata niya'y parang nanghuhumaling kasama ang mga matang nagniningning dahil sa silver liquid eyeliner na inilagay.
He pout his lips. "Perfect." Muli niyang sabi, gandang ganda siya sa labing pulang pula ang kulay.
Umikot-ikot siya sa salamin. "I have a perfect body." Mas lalong lumaki ang ngiti niya.
Ang katawan niyang may walong pack ng abs, ngayon ay naging curvy na. "Sulit ang pawis ko kanina." Nakangiti parin siya. Kahit ang totoo'y medyo nahihirapan siyang huminga. Sobrang sikip ng pagkakaipit niyang sa bewang para lang lumiit ito.
Nakasuot siya ngayon ng mini dress na kulay yellow, aabot ito kayang tuhod. Maputi naman siya kaya ayos lang. Hindi masyadong maselan ang kanyang mga binti kaya hindi masasabing binti iyon ng lalake.
"And last but not the list." Kinuha niya ang isang box sa gilid ng kanyang aparador. Regalo ito ng kanyang ina One year ago.
"High heels." Pagkasuot niya sa kanyang sandal ay agad naglakad na para bang siya ang nanalong ms. World.
Patuloy lang siya sa lakad. Pabalik balik at inikot ang buong kwarto. Nang matapat siya sa salamin natigil siya. "Good evening ladies and gentleman, my name is Romina Dela Vega. Ang nag-iisang reyna ng karagatan, Rawr!!!"
At sa huling pagkakataon pinagsawa niya ang mga mata sa kanyang katawan bago lumabas ng bahay.
------------------------------------------------------
Tonight is the night para magsaya si Romina Dela Vega.Pero ang hindi niya alam ito na ang huling gabing magagandahan siya sa mismong sarili.
Dahil pagsapit ng araw bukas, aahon sa karagatan ang tunay na reyna ng kagandahan.
-----
Vote and comment
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Gay
RomanceSiya si Romeo Dela Vega. Matipuno at magandang lalake. Marami ang nag-aasam na mapangasawa siya. Ngunit ang di nila alam pagsapit pala ng gabi, nagtratransform si lolo at nagiging lola. Si Romeo naging Romina. Ang diyosa raw ng karagatan. Masaya na...