Art, Art, Art ..

660K 10.8K 3.5K
                                    

Dianne's POV

"Baby A! Yoohoo! Baby A!" andito ako sa condo ni Art ngayon. Day off ko so it means, it's Art bonding day! Yipee! Miss ko na Baby A ko!

"Baby A? Where are you?" tawag ko pa sa kanya. Holo asan kaya yun?

"Baby A!" pagpasok ko sa kwarto nya sinalubong na ako ng Baby namin. "Hi Chichay! Where's your Dadi?"

"Arf! Arf! Arf!" yup! Aso po namin si Chichay.

"Ikaw talaga Chichay, nagbe baby talk ka na naman!" sabay tap kay Chichay.

"That's not Chichay! That's Chichi.. wag mong gawing cheap ang baby ko." i saw a god right next to my eyes.

Dahil nakatungo ako,magmula paa, tuhod, balikat, ulo .. errr! este nagsimula sa basang paa nya yung tingin ko sa kanya, pataas sa tuhod, hanggang sa- sayang! nakatuwalya eh! haha.. sige lagpasan na lang natin, ammpp.. ang flat tummy nya na may tumutulo pang tubig galing sa taas, sinundan ko ng tingin yung tulo ng tubig, water pleaaasseee... !! pwede bang yung galing na lang sa dibdib at abs nyang tumutulo ? haha .. Perfect abs.. ang sarap lang hawakan!

Di naman siguro masama eh no? Isa lang naman eh! Ok! Sandali lang talaga! Promise! Here I come Mr.Abs... amp..

"Tabi nga.. Aga aga andito ka?"

Hmp! Epal talaga to ni Baby A! Andun na e.. Hmm.. Don't worry Mr. Abs.. I shall return..

Dumiretso si Baby A sa dresser nya at naupo. Nagsuklay. Naglagay ng moisturizer, toner, cream at kung anik anik pang ka echosan. Mas malandi pa sa akin.. Ako nga polbo lang ayos na!

Tumutulo pa yung basang buhok nya. Ayy sarap punasan! *lingon* *lingon* Ayun! Tuwalya! Dahan dahan akong lumapit sa kanya at pinunasan yung likod nya pataas sa buhok. Ampp .. ang hirap mag pigil ng kilig.

"Ano yan! Pinupunasan mo lang, may pakagat kagat labi ka pa?" tanong nya.

"Hehe ang yummy yummy mo kasi!" I smile.

"Che! Ano ba talagang kelangan mo?" tanong pa nya.

Nilagay ko yung dalawang kamay ko sa magkabilang balikat nya, saka pinatong yung ulo ko sa ulo nya at tiningnan sya sa salamin.

"Baby A.. since saturday naman, can we go out? You know like a date .. please?" sana pumayag ka!

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon