Dianne is sick

465K 7.3K 1.2K
                                    

Dianne's POV

"Lalalala .."

Pakanta kanta pa ako habang nagtutuyo ng aking hair, habang si Baby A ay nakahiga sa kama at lantad ang kanyang abses! Abses talaga? More than one eh! Ayan na naman nangangati na naman akong hawakan sila! Dianne! Magpapigil ka! Huhu sinisigawan ko na yung sarili ko sa utak!

Napapakagat labi na lang tuloy ako dahil sa nakikita ko, bahagyang nakaupo si Baby A at nakakumot ang lower part nya tapos may hawak syang book at nakadagdag pa sa appeal nya ang eyeglass nya! Omegad! Gagahasain ko na ba?

"Baby A!" tawag ko sa kanya at lumapit sa tabi nya, nasa bandang kaliwa kasi sya at may space para sa kanan, that's for me! Pero doon ako lumapit sa kaliwa saka naupo sa tabi nya.

Ang sama ng tingin ni Baby A sakin ng ipilit ko yung sarili ko sa tabi nya.

"Nakita mo ng ang lawak lawak dun! Dito ka pa talaga sisiksik?" naiinis na tanong nya sakin.

"Gusto ko katabi kita!" maktol ko saka tinaas yung paa ko at kinumutan, sa ilalim ng kumot ay nagkadikit ang paa kong malamig dahil bago lang akong ligo at ang paa nyang mainit!

"Dianneara ako tigilan mo sa kaartehan mo ah!' naiinis na umusod sya kaya napunta sya sa gawing kanan ng kama.

*pout*

"Gusto ko tabi tayo!"

"Wag kang magulo! Nagbabasa ako!"

Napa cross arms na lang ako at tiningnan sya habang nagbabasa. Umusod ako ng konti para mapalapit sa kanya tapos dahan dahan kunwari na sinilip ko yung binabasa nya.

"Anong book yan Baby A?" pero wag ka! Yung ulo ko unti unti ng nasa balikat nya hanggang sa boom! Succes! Yung ulo ko ay nasa balikat na nya! Galing!

"Baby A.." tumingin sya sakin saglit tapos binalik din nya yung tingin nya sa binabasa nya!

"Pwedeng yakapin mo ko? Ang lamig kasi eh!" puppy eyes pa ako.

"Madaming kumot jan, kumuha ka na lang!" hmp! Grabe ang sungit! Di nya ba alam na naglalambing lang ako?

Naiinis na tumalikod ako sa kanya at bumulong.

"Nakakainis! Nakakainis! Hmp!"

Bumaling ulit ako paharap sa kanya pero putek na yan! Bigla akong nagulat ng sumalubong sa akin ang walong abses ni Baby A! Nagkanda duling duling pa ako sa pagtingin! Deym! Anong ginagawa nila? Bakit nasa harapan ko sila?!

Bago pa ako makapag isip ay naramdaman ko na yung kamay ni Baby A na pumulupot sa likod ko, meaning niyakap nya ako! AaaHhh! Mas lalo kaming nagkalapit nila abses at nagtitigan! Huhu Bakit ba nakakatempt kayo?! Bakit ba ang daming babaeng naghihina sa inyo? Abses lang kayo! Pero kung magpakilig kayo wagas na wagas!

"Matulog ka na.." shete naman oh! Paano ako makakatulog nito kung sila abses eh chinichismis ako?!

Sabi ko na lang tuloy sa kanila, next time na lang ahh .. hihi ..

Kinaumagahan ay ginising ako ni Baby A para pumasok sa office, di na maganda yung pakiramdam ko parang ewan! Pero keri pa naman kaya nag ayos na ako at kinilig ako dahil hinatid pa ako ni Baby A hangang sa lobby ng condo nya.

Nagdrive ako pauwi samin at nag asikaso na. I go to office at unti unti akong nakaramdam ng pagsama ng lalamunan ko. Lunch when I knew na uubuhin ako, pagdating ng hapon ay sinamahan na ng hatching at sipon. Ahuhu siguro dahil nabasa kami ni Baby A kahapon!

Waaaahhh! May sakit ako! Yesss! Sa lahat ng may sakit ako yung pinakamasaya! Paano oras ko na ito para magpaalaga kay Baby A! Teka teka .. tatawagan ko na muna sya!

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon