Tuwing umaga sa aming paaralan, makikita ko siyang naghihintay sa labas ng aming silid. Nakangiti, may dalang bulaklak at sobre. Tuwing makikita niya ako ay aayos na siya ng tayo at maghahanda nang iabot ang mga regalo niya.
Kukunin ko ang mga ito, at siya naman ay ngingiti ng pagkatamis-tamis at aalis. Sanay na sanay na ako sa ganoon ngunit parang may kulang. Mayroon akong isang bagay na hinahanap hanap ngunit hindi ko mawari kung ano iyon.
Lilipas ang oras at magsisiuwian na kami. Pupunta kami ng mga kaibigan ko sa bahay namin at magkukwentuhan. Halos araw-araw ay ganito ang nangyayari pero ayos lang, sanay naman na ako.
Tatlong buwan na mula noong nagsimula ang panliligaw niya pero hanggang ngayon ay wala parin siyang nakukuhang sagot. Oras, pera, at pagsisikap na ang ginugol niya pero wala pa rin. Napag-isip-isip ko na hindi kaya naiinip 'to?
Baka sa katagalan ay magsawa na rin ito at maghanap nang iba. Pero wala naman kasi sa akin ang desisyon kundi nasa aking kaibigan na siyang nililigawan.
Isang araw, pagdating ko sa eskwelahan ay hindi ko siya naabutan. Nalaman ko na lang na sinagot na pala siya nito at lalong nagdilim ang buhay ko.
-Wakas-
![](https://img.wattpad.com/cover/54022162-288-k134848.jpg)