March 30, 2009
“takte naman dre’ ang torpe mo, kausapin mo na kasi” sabay batok sa akin ni Jake “kaya wala ka pang kasintahan eh”
“there’s no harm in trying Andrei” sabi naman ni Nikki, girlfriend ni Jake, best buds kaming tatlo simula gradeschool at itong dalawa tinamaan na pala sa isa’t isa.
“diskarte ko ‘to wag kayong mangialam” sabi ko sabay lagok ng juice na may halong gin, loko talaga ng SC nakapagpasok pa ng alak dito sa graduation ball namin.
“wag daw mangialam sus ikaw nga tong nangialam samin, di ba orange?” sabay tingin kay Nikki
“Yes lime” naka-ngiting sagot ni Nikki, ano ba to mauubos na ata lahat ng magkakapartner na bagay sa mundo pati pagkain hindi pinatawad tsk kaya aalis na muna ako dito.
“o san ka dre?” tanong ni Jake
“magpapahangin, masyadong mainit dito” tugon ko
“mainit ang ulo kamo” ngising bulong ni Jake
Hindi ko na lang pinansin pero bago ako makaalis natigilan ako nang saglit sa sinabi ni Nikki
“Do it bago ka pa magsisi, next time might not come Andrei”
Bwisit! Nagtuloy na lang ako sa may veranda ng event hall para makapag-isip isip. Bakit ba kasi nagkakaganito ako? Pwede ko namang sabihin nang diretso na gusto ko siya tulad nang iba. Pero bwisit lang, inuunahan ako ng kaba sa ‘twing maiisip ko yun. At isa pang nagpabadtrip sakin ay ang madami pa niyang taga-suyo na nagtatapat ng pagmamahal daw kuno o paghanga. Kasi pagkatapos nito aalis na siya…
Aalis na siya papuntang Canada upang mag-aral and who the hell knows she might stay there for good.
Natatakot ako, natatakot akong maging tama si Nikki, next time might not come…
Tinuon ko ang aking paningin sa mapunong hardin, gabi na malapit na ring matapos ito, malapit na ring mawala ang pag-asa ko.
Pumikit ako upang pakiramdaman ang buong paligid, isusuko ko na ba siya ng ganto-ganto na lang? wala na ba talaga akong magagawa?
Biglang tumunog ang isang pamilyar na kanta, it’s time for the last dance at ito na rin ang huli kong chance
/What if I never knew, what if I never found you
I never have this feeling in my heart/
Kapag nakita ko siyang naka-tingin sakin I’ll ask her to dance. Pwe~ ano ba to imposible nam—
/How did this come to be, I don’t know how you found me
But from the moment I saw you, deep inside my heart I knew/
Is it me dreaming? Nakatingin sya sa akin habang naka-ngiti at tila may iniintay na gawin ko, siguro ito nay un, ito na yung sign na hinihintay ko…
/Baby you’re my destiny, you and I were meant to be
With all my heart and soul, I give my love to have and hold
And as far as I can see, you were always meant to be
My Destiny/
“Can I have a dance?” inabot ko ang kamay ko sa kanya na tinanggap naman niya ng may ngiti sa labi. Pumunta kami sa gitna at nagsimula na kaming magsayaw, pakiramdam ko kaming dalwa lang ang nandito
/I wanted someone like you, someone that I could hold on to
And give my love until the end of time/
Nakakapit siya sa balikat ko, ako naman sa beywang niya. Parang hindi mapakali ang puso ko ngayon.
/But forever was just a word, something I’d only heard about
But now you’re always there for me, when you say forever I’ll believe/
Nakatingin siya sa akin na parang may iniintay. Napasinghap muna ako bago magsalita.
“Hm, tuloy na ba talaga ang pagmigrate mo?”
“Yeah, I don’t have a reason to stay here, do i?” natatawa niyang sabi. I’ll miss her smile for sure.
Mas lalo pa siyang lumapit and nabigla na lang ako nang yakapin niya ako pero without a second thought I hugged her back as we sway in the dance… in the final dance we’ll share.
Sana hindi na matapos to, sana dito na lang siya, bwisit kasi ‘tong bibig ko ayaw pang umamin, umuurong pati dila ko pagdating sa kanya. Basta pagdating sa kanya… mahina ako.
“Maybe all we need is just a little faith, cause baby I believe that love will find a way” nakisabay siya sa kanta at parang binulong niya ito sa akin, mala-anghel pa rin talaga ang boses niya kaya napangiti naman ako, I’ll miss her voice too.
“Drei’ naniniwala ka ba sa destiny?” bulong niya sakin without breaking our hug.
“Hindi?” halos patanong ko ring sagot
Nag-giggle naman siya “silly you, trust me that one day maniniwala ka din dun” hindi ko siya sinagot, niyapos ko na lang siya nang mas mahigpit.
Naramdaman ko ang pagtapik niya sa likod ko at lumayo na siya sa akin “pano ba yan I’m leaving na?” pilit ang ngiti niya at nagtutubig na rin ang mga mata niya.
Nginitian ko siya at ginulo ang buhok niya “tandaan mo maraming nagmamahal sayo dito”
Niyapos niya ulit ako at ngayon parang ayaw ko na siyang pakawalan pa “mahal ko” bulong niya sa akin na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko “mahal ko rin kayong lahat” pagpapatuloy niya
Bakit ba ayaw ko pa ring magtapat sa kanya? Dahil ba to sa takot ng rejection? O dahil sa pangambang malalayo kami sa isa’t isa? Marahil dahil sa dalawang rason na ito.
“I’ll miss you Andrei” humiwalay na siya sa akin
“I’ll miss you too, Ella” she flashed a smile I’ll remember forever, the sweetest smile I’ve known. Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad paalis at nang nasa pinto na siya saka lang lumabas ang mga salitang pinipilit kong itago.
“mahal kita Ella” bulong ko habang nakatingin sa likod nya
May tumapik sa balikat ko, si Jake “Next time I’ll see her, I’ll confess” sabi ko sa kanya pero umiling lang ito. Tumingin ako sa pinaglabasan ni Ella, I’ll try to have faith na tama yung kanta na love will find a way Ella.
![](https://img.wattpad.com/cover/6112620-288-k555494.jpg)
BINABASA MO ANG
Do You Believe in Signs? (short story)
Romantik“Next time I’ll see her I’ll confess” four years ago yan ang pinanghawakan mo as you watch her leave on your graduation ball. That next time came four years after…