April 10, 2013
It’s been 4 years since that happened, hindi ko lubos maisip kung pano ko nagawang hindi siya malimutan. During those 4years may mga times na pilit ko siyang kalimutan kaya humanap ako ng rebound pero what the? Nagmukha akong tanga.
Iniwan ako nang 3 ex ko dahil sa iisang rason, ang pagtawag ko sa kanila nang Ella tuwing magkakasama kami. I’m pathetic, I know.
College graduation na namin in 5 days, Jake and I took up BS Bio, si Nikz naman BA Accountancy ang kinuha pero sabay pa rin ang grad day namin tutal isang university lang naman kami.
Going strong pa rin ang dalawa sa dami ba naman ng bangayan nila talagang tatatag sila, pero as of now magka-away sila …
“drei’ tara na?” tanong sakin ni Jake. Tumango naman ako at nagsimula na kaming maglakad papunta sa kotse niya, sinundo namin si Nikz sa dorm niya.
Bumyahe kami in silence dahil bukod sa may LQ ang dalawa wala ako sa mood, papunta kami ngayon sa isang Resort and Hotel, HS Class Reunion daw.
*RIIING* tumunog ang phone ni Nikz, napatingin naman ng masama si Jake.
“Hello Ayesa?” si Ayesa pala, class president namin “talaga? Yeah papunta na kami malapit na” dugtong pa niya “sige see you” tapos binaba na niya ang cp niya at lumingon sa akin, nasa backseat ako
“Andun na daw silang LAHAT” nakangising sabi nito sa akin
“pakialam ko?” walang emosyon kong tugon
“wala lang sinisigurado ko lang kung handa ka na” umayos na siya ng upo, kung alam mo lang hindi pa ako handang makita siya.
~Resort and Hotel~
Hindi ko alam kung may pag-asa pa ako kung panghawakan ko man yung mga sinabi ko 4 years ago. Pero wala na akong magagawa nandito na to eh.
Sinalubong kami ng mga sabik na ngiti at sapok ng pagka-miss. Parang wala namang pinagbago ang klase namin kahit papano, magulo at masaya pa rin tulad ng dati.
Napalingon naman ako sa babaeng may mahabang buhok na nakatingin din sa akin at binigyan niya ako ng ngiting sobrang tagal ko nang hindi nakita. Kung maganda siya dati, mas gumanda siya ngayon.
Tutugon sana ako pero biglang nag-akit ang mga kasama namin upang kumain na. Kumain, nagswimming at nagvideoke kami, halatang pinaghandaan talaga nila ito. Nang mapagod na ang karamihan may nag-akit namang maglaro. Wala talagang pagod itong mga ito.
“guys truth or dare tayo”
“oo nga tara”
![](https://img.wattpad.com/cover/6112620-288-k555494.jpg)
BINABASA MO ANG
Do You Believe in Signs? (short story)
Romance“Next time I’ll see her I’ll confess” four years ago yan ang pinanghawakan mo as you watch her leave on your graduation ball. That next time came four years after…