"Nandito na po tayo." sabi ni Sean, my irritating new driver.
Hindi ko man lang namamalayang nakarating na pala kami sa bahay.
Am I that pre-occupied? Tss.
Bubuksan ko na sana 'yung pintuan when he speak, again.
Tss, Again.
"Mas maganda ka siguro kung palagi kang nakangiti." he said while grinning like an idiot.
"I didn't ask your opinion." I answer in a cold tone.
"It's not my opinion, it's my comment." sabi niya.
Hah! Really, he's getting to my nerve.
"I didn't know na close na pala tayo para magsalita at kausapin mo ako ng ganyan. Can you just keep your mouth shut, nakakarindi." prangkang sabi ko sa kanya at binuksan ng tuluyan ang pintuan, and went outside. Sumunod naman siya.
Pero hindi pa pala siya tapos sa pagsasalita niya.
"Sabi sa napanood ko.." habang lumalapit siya sa akin, seryoso ang mukha "..when you smile, everybody smiles, but when you cry, you cry alone" nakangiting sabi niya while looking straight to my eyes.
"..when you cry, you cry alone"
Paulit-ulit. Kagaya ng sirang plakang nagpaulit-ulit sa tenga ko ang sinabi niya.
Kaya naman pala. I was alone during that time.
Hindi ko na siya pinansin at naglakad na papunta sa pintuan ng bahay.
"Oh. Nandito ka na pala." sabi ni Yaya Mildred nang makapasok ako.
Siya ang pinakamatagal nang kasambahay namin, apat na taong gulang pa lang ako nung matanggap siya bilang kasambahay dito. Matanda na siya pero hindi halata sa kilos niya dahil malakas pa siya.
"State the obvious." tamad ngunit sarkastikong sagot ko sa kanya.
Napatungo naman siya. "O-oh sya, m-magpahinga ka na lang muna jan sa sala, t-tatawagin na lang kita kapag kakain na." malungkot na sagot niya.
Ganito ako. Pabalang sumagot, bastos magsalita, at minsan walang galang.
Nasanay na kasi ako eh. I become like this when people started to describe me as cold and heartless vicious bitch. Pinangatawanan ko lang baka mapahiya sila kung di ko ipakita ang ugaling sinasabi nila.
Hah! Just insert sarcasm there, folks.
Hindi ko kailanman pinapansin ang komento ng mga taong nakakasalamuha ko sa ugaling mayroon ako. Bahala sila sa buhay nila, paniwalaan nila ang gusto nilang paniwalaan.
Hindi naman sila yayaman o gaganda sa panghuhusga nila sa akin.
I have my own flaws and I'm proud of it. They have their own, but they can't accept it.
"Kain na." tawag sa akin ni Yaya Mildred kaya naman tumayo na ako at nagtungo sa dinning.
"Kumusta ang school?" she ask, ganyan siya parati sa akin laging nagtatanong kung anong nangyari sa maghapon ko. Minsan sinasagot ko naman siya pero hindi lahat. Minsan hindi kapag tinatamad akong sumagot, o di kaya ay wala ako sa mood.
Kahit nagsusungit ako sa kanya, kahit pakitaan ko siya ng kawalang respeto, parang wala lang sa kanya kahit alam kong nasasaktan ko din siya.
"School pa rin naman." tamad na sagot ko sa kanya at tsaka sumubo ulit ng kanin.
Pigil ang pagngiti naman siya habang umiiling.
"Ang ibig kong sabihin, kumusta ang araw mo sa eskwelahan?" pagkaklaro naman nito sa tanong niya kanina.
"The usual. Nothing's important."
"May kaibigan ka na ba?" natigilan ako sa tanong niya pero agad ko ring pinalitan ng blangkong tingin at binaba ang kutsara't tinidor bago tumitig sa kanya.
"You don't have to know."
At tumayo na ako bago pa siya makapagsalita, "I'm done." at pumunta na sa sala para kuhanin ang mga gamit na naiwan ko roon, bago ako umakyat papunta sa kwarto.
Tss. Hindi man lang ako nabusog.
Nilagay ko sa study table ko ang mga gamit ko at pumasok na sa banyo.
I need to take a bath to wash out the negative vibes all over my body. Tss.
Kaibigan? Isa ba 'yun sa requirements para makapasa?
After taking a bath, pinatuyo ko pa muna ang buhok ko bago nahiga.
Kasalukuyan akong nakatitig sa glow in the dark na stars sa kisame hanggang sa hilain na ako ng antok.
Too much for today.
BINABASA MO ANG
Facàde
Teen Fiction"Monsters are real, and ghost are real too. They live inside us and sometimes they win." -Stephen King