F E B R I A N
Kringggggggg............
Pagsikat ng araw isang nakaka binging tunog ang gumising sa akin,iyon ay ang alarm ng cellphone ko. Inalarm ko kasi ito sa 06:30 am kagabi dahil ngayon ay balik eskwela na naman kami matapos ang mahaba habang sembrek namin. Nakakatamad man bumangon sa ganoong oras pero pinilit ko parin dahil kailangan talaga. Nakakainis lang din kasi ngayong second sem kasi ay nabago ang sched. naging pang umaga ang pasok ko kaya ayon kailangang gumising ng maaga.
Nag kape lamang ako at tinapay bago naligo.pagkatapos naman ay agad na akong nagbihis upang pumasok. Ilang oras lamang ang lumipas nakarating narin ako sa university na aking pinapasukan. Pagkarating ko naman sa isang classroom na kung saan iyon ang nasa sched. ko.nakita ko naman dun ang mga pamilyar na mukha as usual yung mga booring kung ka blockmate. Tuloy tuloy lang ako sa pag pasok at naupo sa isang bakanteng upuan sa likod. May ibang bumati sa akin pero nginingitian ko lamang sila. Wala pa yung magiging instructor namin pero nanahimik lang ako sa kinauupuan ko sa mga oras na iyon. Bumaling ako nang tingin sa mga ibang estudyante na bago pero parang walang iba sa akin.wala man lang maganda..
Natapos naman ang boung araw ko sa eskwelahang iyon na walang nangyari kundi kabooringan lang..ngayon ay pauwi na ako ng bahay.medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil pauwi na ako. Sana kasi hindi pa ako pumasok ngayon dahil wala pa naman gaanong instructor at lesson.EXCITED KASI EH!
habang lulan na ako ng jeep pauwi sa amin nakatingin lang ako mula sa labas na animoy parang may malalim na iniisip hanggang sa isang dalawang babae ang natanaw ko sa di kalayuan ang pumapara dahilan para tumigil naman ang sinasakyan kong jeep. Unang pumasok sa jeep iyong matandang babae sunod ay iyong magandang babae.natisod pa nga ito habang papasok mabuti na nga lang ay nahawakan niya ang tuhod ko para hindi siya tuluyang sumubsob. Sa kabilang upuan siya naupo kaya magkaharap kami. Dahil naman dun hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa mukha niya. Doon ko rin napansin na napakaganda niya kahit kung minsan ay natatakpan ng buhok niya ang kanyang mukha.patuloy lang sa pag pagtakbo ang jeep na aming sinasakyan hanggang sa isang tugtog naman ang nag play mula sa radyo ng jeep. Patago akong natawa nung marinig ko ang kanta ng isang sikat na singer na si yeng constantino na. Naka relate ako bigla.parang ayoko na ngang pumara kahit saan pa ako mapunta..
Napatingin ulit ako sa kanya pero sa hindi inaasahang pagkakataon nagtama ang mga mata naming dalawa.kaya bigla akong palingon kung saan saan.nahiya ako bigla kasi nahalata niya ata na kanina pa ako tumitingin sa kagandahan niya. Tumingin ako sa driver seat pero kita ko sa gilid ng mata ko na nakatitig siya sa akin. Hindi ko na nga magawang ipihit pa ang ulo ko dahil nahiya talaga ako nung magtama ang mga mata naming dalawa. Ilang sandali pa isang lalake ang pumara sa tabi ko. Huminto ang jeep kaya hindi ko rin naiwasang lumingon sa habang sinusundan ng tingin iyong lalaking papaba. Nakahinga ako ng maluwag nang mapansin ko ring hindi na siya nakatingin sa akin.pero bigla siyang nagsalita.
"Ang init. Reklamo mo niya nung tumama ang mainit na sikat ng araw sa kinauupuan niya.
Tumingin siya sa kinauupuan ko at dun niya napansing wala akong katabi kaya laking gulat ko naman ng bigla siyang lumipat sa tabi ko dahilan para magkalapit kami ng braso. Naramdaman ko naman ang makinis niyang braso dahil dun umusog ako ng kaunti.. Nasan na ba ako tanong ko sa sarili ko at nagpalinga linga sa labas ng jeep. Sa di naman inaasahang pagkakataon bigla niya akong kinalabit kaya agad akong napalingon sa kanya,matagal din akong napapatitig sa mukha niya.
"kuya nalagpasan ko na ba yung barangay cabilocaan? Tanong niya.
Mabilis naman akong nakasagot nang mawari ko na nagtatanong pala siya. "a-ah h-hindi ko alam eh. Saad ko.