CHAPTER 3- He’s still the same
===Friday-6:00 Am===
-Serenity Jade’s POV-
“JADE!” tawag ng bata sakin habang kumakaway at may malapad na ngiti
“Jade!”
‘Sino bang yumuyugyog sakin? Panira naman ehh’ sabi ko sa isip ko habang nakapikit pa rin
“Jade!”
“Hmm..Jhave? Bakit?” sabi ko. Akala ko nananaginip pa rin ako
“Jade, anak! Gumising ka na diya.” Yugyog ulit nito sakin pero wala pa rin nagulat ako nung bigla niya akong kiniliti sa tagiliran ko
“Ahahah..ta..haha..ta-tama na.” napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Nagkusot ako ng mata bago nagmulat. “Hoo..hoo..” habol ko pa rin ang hininga ko dahil sa pagtawa.
“Mom?!”
“Good morning din anak. Haha..” biro niya sakin. “Looks like you’re dreaming about him again huh?”
‘Aish nag-sleeptalk na naman ba ako? Tch bakit kasi madalas napapaginipan ko siya ngayon? Paano ko siya makakalimutan?’ sabi ko sa sarili ko
“Click!” nag-snap si mommy. “Psst..huy aba, sige na di ko na babanggitin ulit. Maghilamos ka na at mag-aalmusal na tayo sa baba. Inaantay ka na ni daddy, gusto niya sabay-sabay tayong mag-almusal bago siya pumasok sa office.”
“Oh, okay mom. Susunod na ako sa baba.” Nako naman nakakainis. Umagang-umaga magugulo ang buong sistema ko dahil sa kanya. Pumasok na ako sa C.R. as usual morning rituals, hilamos, toothbrush at kung anik-anik pa. Tumingin ako sa salamin tapos..
“Hay nako Serene, get over him, it’s not like you will see him again. Nasa kung saang ibayo na siya ng mundo. Tss bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?!”
Bumaba na ako at pumunta sa dining are ng bahay.
“Good morning Dad… Chup!” bati ko kay daddy sabay kiss sa pisngi niya. “Oh ayan Dad may kiss ka na ah,haha” biro ko sa kanya napakaseloso kasi
“Hehehe, Good morning din princess. Umupo ka na at kumain na tayo.”
At ayun nga nag-almusal kami, kwentuhan. Pagkatapos kumain ay niligpit na ni mommy ang kinainan namin. Kahit kalian talaga hands-on si mommy kaya wala kaming mga kasambahay. Nagpaalam na si dad samin kiniss niya si mommy (ang sweet pa rin nila kaya 20 years na sialng kasal) at siyempre ako din. Hinatid ko siya hanggang sa gate and I wave goodbye until di ko na tanaw yung kotse niya.
Pagpasok ko ay pinutahan ko si mommy sa kusina.
“Hey mom, need help?” tanong ko sa kanya siyempre medyo good girl, I’m so thankful that I have this kind of parents though minsan mas isip bata sila sakin hahaha
BINABASA MO ANG
FATE and HATE
RomanceMs. Ice meets Mr. Nice again...magtuloy na kaya ang naudlot nilang love story nung mga bata pa lamang sila? Mapapalambot ba niya ulit ang puso ng babaeng minsan na niyang natanggihan?