ix

4.5K 81 0
                                    

LARRY' POV


Dahil sa nangyari kahapon ay si na namin hinahayaang lumabas si Lorise na walang kasama.

Nag hire na rin ako ng mga Bodyguards para sa kanya. At kumuha na rin ako ng isang private investigator para malaman kung sino ang nag abot ng sulat kay Lorise at nananakot sa amin ni Eliana. As far as I remember, wala akong kagalit na iniwan dito sa Pilipinas noong umalis ako 5 taon na ang nakakakalipas at ganun din si Eliana.



Heto ako ngayon sa kitchen, nagluluto para sa meryenda ng mag Ina ko na naglalaro sa labas. Kahit na delikado at natatakot kami ni Eliana para kay Lorise ay hinahayaan na lang namin siya na mag laro sa labas. Bata eh, di talaga mawawala yun. Spoiled pa naman yung batang yun, kapag di nasunod ang gusto, umiiyak.


"Manang, pwede bang pakitawag yung mag-ina ko sa labas? Sabihin mong mag memeryenda lang." sabi ko kay Manang na nililigpit ang mga ginamit ko kanina sa pagluluto

"Sige ho Sir." tugon niya at iniwan muna ang ginagawa niya


"Salamat."


Habang hinahanda ko ang meryenda ay nakita kong patakbo papunta sa akin si Lorise.

"Dadddddddddddddddddddddddddddy!" sigaw niya habang papalapit sa akin at sabay yakap

"Oh Anak, pinagpapawisan ka na oh, Halika nga punasan natin yang likod mo." sabi ko sabay talikod naman ni Lorise sa akin na pinahihiwatig niya na pupunasan ko na yung likod niya

"Hay nako, yang anak mo na yan Bee, ang likot likot yan tuloy nadapa." sabi ni Eliana sabay upo sa harap ng mesa at halatang pagod na pagod na. Mamassage nga mamaya. Haha. Para paraan! XD


"Baby, patingin nga ng sugat mo. Masakit ba? Tara gamitin natin." pag alalang tanong ko sa kanya

"No Daddy. 'coz Mommy told me that I am a big girl na. Hehe." pagdadahilan naman niya pero ginagamot ko parin yung gasgas niya sa tuhod niya


"O-ooouch." sabi namn ni Lorise habang dinadampian ko ng cotton na may betadine yung tuhod niya

"See? Baby Girl ka parin. Haha." sabi ni Eliana sabay yakap sa aming dalawa ni Lorise


Namiss ko to. Namiss ko si Eliana. Sana ganito nalang kami palagi, yung walang prinoproblema. Yung parang kami lang nina Lorise at Eliana yung nagEexist sa mundo.


ELIANA DANE's POV

Habang nagmomoment kami ng mag Ama ko ay biglang sumulpot nalang si Kuya Rex. Tch, Panira ng moment. XD


"Larry. Baby Sis. May sasabihin ako sa inyo." seryoso niyang sabi habang nakapamulsa na papalapit sa amin.

"Anu yun Kuya? Dapat importante yan ha? Sinira mo kaya moment namin. Haha." natatawa kong sabi. Pero bago pa siya sumagot, ay binusog niya muna ag bunganga niya ng Muffins at Chocolate shake na ginawa ni Larry. PG talaga tong lalaking to. XD

"Hoooy~! Anu ba yan? Inuubusan mo na ang mag-ina ko oh! Para sa kanila lang yan!" bulyaw sa kanya ni Bee ko pero kain parin siya ng kain. Minsan talaga, iniisip ko, bakit naging kuya ko tong PG na to? Haha.

My Hot Professor is My Husband [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon