xi

4.6K 95 1
                                    

REX POV


Papunta ako ngayon sa condo ni Sapphire. Gusto ko siyang kausapin. Namimiss ko siya pero naiinis ako sa kanya! Bat sinampal niya yung maganda kong pamangkin? Di nga namin pinapadapuan sa langaw yun eh. Tsk.


*Ting*


Dito na pala ako sa floor kung saan ang Condo ni Sapphire. Hoooh. Bahala na to. Tutal dito na naman ako sa labas ng pintuan ng condo niya. Okay lang na masampal na ako. Basta wag lang yung pamangkin ko.

*Bzzt Bzzt*

This is it. Nag doorbell na ako. At tumambad sa akin ang magandang mukha ni Sapphire na nakangiti at napalitan na ng ibang emosyon

"Anung ginagawa mo dito?" Tanong niya

"Pwede ba akong pumasok? Kakausapin lang sana kita."

"Wala akong panahon sayo kaya umalis ka na bago ------------" di na niya natapos ang pagsasalita niya ng may biglang sumulpot na isang batang lalaki. Pero ang mas ikinagulat ko, ay ang tawagin niya akong...

"Daddy?"

"HA? Anong pinagsasabi mo? Wala------------" Di ko rin natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong niyakap


"Sabi ko na nga ba Daddy at babalik ka. Ayaw kasing maniwala ni Mommy. Halika Daddy, pasok." sabi nung batang lalaki at hinatak ako papasok

Di parin nagsasalita si Sapphire. Marami akong gustong itanong sa kanya. Pero, bat umuurong yung dila ko.


"Rexie, go upstairs baby." sabi ni Sapphire at sa di mapaliwanag na dahilan, umakyat ako.

"Pfffffft. Hahahahaha. May sira ka ba sa ulo Daddy? Bat ikaw ang aakyat? Sa pagkakatanda ko, Rex lang ang pangalan mo at di naman Baby ang tawag sayo ni Mommy." sabi nung batang lalaki na Rexie daw yung pangalan. Napagtawanan pa tuloy ako ng Minime ko. Haha. Kamukha ko siya eh.

Tsk. Oo nga pala. Di Baby yung tawag niya sa akin dati kasi Honey yun. Haha

"Tsk. Wala ka paring pinagbago. Tanga ka parin. Go upstairs na Rexie, mag-uusap lang kami ng Daddy mo." sabi ni Sapphire at tumango naman si Rexie at tuluyang umakyat na


"So, what broughts you here?" mataray na sabi niya

"Yu-yung ba-bata? A-anak ko ba t-talaga yun?" utal-utal na sabi ko

"Nagdududa ka ba? Minime mo yun eh." sabi niya ng nakangiti

"Hindi. Gusto ko lang masigurado. Nagbunga pala yun? Bat di mo sinabi? Sana umuwi ako dito sa pilipinas ng maalagaan ka." sabi ko

"Bakit pa? Eh kung masaya ka naman kay Eliana, bakit naman kita pipigilan, bakit ko naman ipapaalam sayo na buntis pala ako. Eh kung di mo kami tanggapin?"

"Nagseselos ka ba kay Eliana?"

"Natural! Ex mo yun na mahal na mahal mo pa. Bakit di ako magseselos?"

"Hahahahahaha." napatawa nalang ako. Sira talaga tong babae na to. Praning. Kaya nagustuhan ko to eh.

"Anung tinatawa tawa mo diyan? Bigwasan kita eh!" sabi niya na halatang naiiirita na


"Hahaha. Seriously? Nagseselos ka kay Eliana? Baby Sister ko yun eh."

"What? Sister? Seryoso? Patay!"

My Hot Professor is My Husband [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon