Uy magparamdam kayo parang AWA niyo na. Hahahaha! Magcomment kayo Pleaseeeeeee!
Danna’s POV~
“Danna! Danna! Danna wake up!” Pagbangon ko nakita ko agad si mama. Niyakap ko agad siya. “Shh, panaginip lang yun. Tahan na!” Mas lalo kong hinigpitan yung yakap ko sa kanya tapos umiyak lalo ako ng umiyak. Nilibot ko yung mata ko sa kwarto to see the people around me and I saw Maggie and Nathan crying.
“Ate ano bang napaginipan mo?” Worried na tanong ni Nathan. Di ko siya nasagot nagflashback nalang sakin yung napaginipan ko at mas lalong umiyak.
-----------------------------------------------
“Ate okay ka na ba?” Tanong sakin ni Nathan. Tinignan ko lang siya.
“Ate Danna-----“ Tinignan ko sa rear mirror si Maggie at ngumiti ako sa kanya.
“Wag niyo na kong alalahanin Im okay.” Tapos nagfocus na ko sa pagdidrive.
“Ate kalian ka pa natuto magdrive?” Tanong sakin ni Maggie nung pinark ko na yung kotse sa parking lot ng school nila.
“Ay yun ba? 2 years ago.” Sagot ko.
“Hahaha! Talaga? Ang galling mo naman ate. Remember dati ayaw mong matutong magdrive kasi may driver ka pa si-------“ Huminto na agad siya sa pagsasalita kasi sinenyasan siya ni Nathan.
“Sige na magenroll na kayo. Hintayin ko nalang kayo dito tapos punta tayo sa mall mamaya para maglunch.” Lumabas na sila at ako nagstay lang dito sa loob ng car ko.
Nathan’s POV~
“Maggie gusto ko sana humingi ng pabor sayo.” Sabi ko habang naglalakad kami pabalik sa kotse ni Ate.
“Ano yun?” Napatingin siya sakin.
“Wag mo ng ipapaalala ang Kuya mo sa Ate ko.” Nakita kong nagnod lang si Maggie. “Kahit naman hindi sabihin ni Ate ayaw niya paring may marinig sa Kuya mo. Alam naman natin yung nangyari 3 years ago masyadong masakit yun kay Ate at hanggang maari ayaw ko din naming maapektuhan tayong dalawa.” Nagkatinginan kami at ngumiti siya. Napakaganda talaga ng baboy na toh.
Maggie’s POV~
“Maggie gusto ko sana humingi ng pabor sayo.” Tinignan ko lang siya pero mukhang di niya nakita ang pagtingin ko sa kanya.
“Ano yun?” Tumingin siya sakin. Napansin niya atang nakatingin ako sa kanya.
“Wag mo ng ipapaalala ang Kuya mo sa Ate ko.” Napanod nalang ako dun. “Kahit naman hindi sabihin ni Ate ayaw niya paring may marinig sa Kuya mo. Alam naman natin yung nangyari 3 years ago masyadong masakit yun kay Ate at hanggang maari ayaw ko din naming maapektuhan tayong dalawa.” Pati din naman si Kuya eh. Kahit mukhang okay at wala lang sa kanya ang nangyari 3 years ago alam kong halos mamatay din siya sa sakit. Tumingin lang ako kay Nathan at ngumiti.
“Oy kayo jan magtitinginan at magngingitian nalang ba kayo jan?! Tara na! Nakakainip na.” Natawa naman kami kay Ate Danna na sumigaw pa halatang naiinip na nga siya.
“Hahaha! Oo na Ate! Napakainipin mo talaga.” Natatawang sabi ni Nathan tapos hinila niya na ko at pinasok sa kotse ng Ate niya.
“San tayo kakain?” Masiglang tanong ni Ate Danna.
“Jobileee!” Baby talk na sigaw ni Nathan imbis na tumawa kami tumingin samin si Ate Danna. “Ay Ate sorry!” Tumingin lang si Ate Danna sa kanya tapos nagdrive na.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
No FicciónSometimes we have to let go someone because this is the best thing to do.