WATTPAD GIRL (Oneshot)

13.1K 471 109
  • Dedicated kay sa mga adik sa wattpad!
                                    

Istorya ito ng isang simpleng babae na mahilig magbasa ng mga kwento sa wattpad. Napuyat, naadik at nabaliw sa bawat kwentong mga nababasa niya. 

Bakit hindi din natin basahin ang kwento ng buhay niya kasama ang ilan sa mga kinabaliwan niyang wattpad stories? Paano? Malalaman nyo din..

"Alex.."

"Alex.."

"Alexandra May Lozada!" sigaw sakin ng boyfriend ko na si Jayson.

"Huh?"

"Hindi mo ba ititigil ang pagbabasa sa cellphone mo? Parang wala kang kasama dito ah?"

"Sorry naman daw. Eh kasi malapit ko nang matapos 'tong TBYD eh."

"Kanina ka pa sa klase nakatungo. Hindi ka na nga nakikinig sa mga profs natin dahil dyan sa binabasa mo eh. Tapos hanggang ngayon yan pa din?"

"Osige na nga.. Sa bahay ko na lang itutuloy." Itinago ko yung cellphone ko sa bulsa at humawak sa kamay niya. Lunch break namin ngayon. Kaklase ko si Jayson, mag 3 years na kaming magboyfriend. At tama siya kanina na hindi ako nakikinig sa klase dahil sa pagbabasa ko. Nakakakilig naman kasi si TOP eh. Iba yung dating nung character niya. Hay.. Sana ako si Miracle Samantha Perez..

"Jayson, simula ngayon ang itawag mo na sakin ay Alexandra ha?"

"Huh? Bakit? Sanay akong Alex eh. Ang haba kaya ng pangalan mo."

"Basta yun na lang itawag mo sakin!"

"Bakit nga muna? Noong isang araw gusto mo ang tawag ko sayo MOO, Bah, Baby Girl, Malds at kung ano ano pa.. Tsk."

"Eh kasi ang tawag ni TOP kay Sam ay Miracle.. Diba mas nakakakilig ang ganun? Si TOP lang yung tumatawag kay Sam ng Miracle. Gusto ko ikaw lang din ang tatawag sakin ng Alexandra."

"Aish! Wattpad na naman ba? Hanggang ngayon wattpad pa din? Kumain ka na nga lang." Inayos na niya yung plato ko at inumin. "Kumain ka ng ayos ha? Wag puro wattpad nasa isip. Kaw talaga.. Mag-aral ka din. Teka, kukuha ako ng straw mo." Tumayo na siya para kumuha ng straw sa binilihan niya ng pagkain kanina. Andito kami sa cafeteria. Nakatingin lang ako sa kanya. Mabait naman si Jayson, Gwapo.. Maalalahanin.. At mahal ako. Pero gusto ko yung katulad ng character ni TOP. Iba kasi yung dating nya ehh. Seryoso pero kapag bumanat nakakakilig.

Ano kaya kung ganun si Jayson? O kaya mala Red Dela Cruz siya? Pwede din na Kent Fuentabella diba? Jonathan Smith? Tristan Dela Rosa? Kenji Delos Reyes?

Si Zeke Dela Cruz ng My Casanova Husband..

Lance Mariano ng Sadist Lover..

O kaya si Neo Aguilar diba ng Avah Maldita?

Aish.. Ang sarap siguro magmahal ng mga lalaking yun.

Dumating na si Jayson dala yung straw ko. "Oh kain na po Alex ko.. Wag na mag isip ng wattpad. May quiz bukas sa Math okay?" Nag nod na lang ako at kumain na din ng lunch kasabay niya.

Nang labasan na pinagdala ako ni Jayson ng gamit ko. Katulad lang ng dati.. Bigla ko siyang kinulit katulad ng ginagawa ni Mika kay Nathan at Tristan ng Courting my Future Husband.

"Ikaw talaga.. Anong nangyari sayo at ang hyper mo?"

"Wala lang.. Gusto lang kita kulitin.. hehe!" Hindi naman siya sumagot at tuloy lang kami sa paglalakad.

"Diba pinabasa ko sayo dati yung CFH?" Bigla siyang napatigil kaya napatigil na din ako sa paglalakad.

"Wag mo sabihing may ipapabasa ka na naman sakin?" Napakunot ang noo niya. Waaah! Ang galing! Parang si Nathan Smith!

WATTPAD GIRL (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon