Kabanata 2

33 1 0
                                    

Dahil sa lakas ng katok sa pinto ko, napabalikwas ako ng kama, bigla tuloy sumakit ang ulo ko.

Shit monday na ngayon, ngayon din ang unang pasok ko sa school simula ng ikinasal kami. Tiningnan ko ang orasan at 7:25 na ng umaga, for pete sake 7:30 ang pasok ko. Alam kong hindi na ako makakabot pa sa first subject namin lalo na't kagigising ko lang.

Lalong lumakas ang katok sa pinto, nalimutan ko na ito kakaisip. Dali dali akong naglakad papunta sa pinto at binuksan ito.

"Are you deaf? Kanina pa ako katok ng katok dito." Hindi lang nabuksan bingi na agad? Iba rin tong lalaking to e.

"Ano ba kasing kailangan mo?" Doon ko lang napansin na naka uniform na sya. Aba't ang bilis naman nya, para hindi talaga ako makasabay papuntang school ay gagawin nya ang lahat.

"Mauuna na ako sa school, I  just wanted to remind you about our  plan."

"Yeah I know, hinding hindi ko makakalimutan ang tungkol sa pinagusapan natin."

"Okay." Tingnan mo to, aalis na nga lang, tapos okay lang sinagot. Puwede namang magbabye na din dahil iiwan nya lang din naman ako. Napaka antipatiko talaga.

Sabi na nga ba, mali talaga na pumayag ako kayla mommy at daddy na paiwanan sa bahay ang kotse ko. Magkocommute tuloy ako.

Nagmadali na akong maligo at magbihis. Naglagay ng kaunting pulbos at lip gloss, nagsusuklay na ako  habang pababa sa hagdaan. Dahil late na late na talaga ako ay takbo lakad na ang ginawa ko papunta sa sakayan ng jeep. Mabilis lang naman ang biyahe dahil malapit lang naman ang school namin sa bahay.

Tumatawag nanaman sakin si Mia siguro akala nanaman niya ay hindi ako papasok.

"Hello Max, nasaan ka nanaman? Akala ko ba ay papasok ka na ngayong monday?"

"Oo, papasok naman talaga ako. Nalate lang ako ng gising kaya hindi na ko makakapasok sa first subject natin, nasa jeep na ko ngayon papunta sa school."

"Ha? Ba't sumakay ka ng jeep? Diba dapat sabay kayong papasok ng ASAWA mo sa school?" Pinagdiinan nya pa talaga yung word na asawa.

"Hindi, hindi puwede. Walang dapat na makaalam na kinasal kami, napagusapan na naming itago ang tungkol don para iwas issue, hindi rin naman kasi talaga kami close at labag din naman sa loob namin ang ginawang kasal na yun."  Mahabang paliwanag ko.

"Kaya ikaw Mia, Bff kita kaya sinabi ko sayo. Huwag na huwag mong sasabihin ang sikretong yan sa iba kundi ibabaon kita sa lupa."

"Ahh so ayun pala ang napagusapan niyong gagawin, okay hindi na ko makikigulo sa inyo. At saka mapagkakatiwalaan kaya ako ng mga secret no, wala kang magiging problema sakin."

"Buti naman, Osige ibababa ko na to tutal pababa narin ako ng jeep dahil nasa tapat nanaman ako ng school. Magusap nalang tayo mamaya."

"Okidowki byeee!" Masigla niyang sagot, napaka energetic talaga ng babaeng yan.

Nang makita ko na ang malaking gate ng school ay pumara na ako at mabilis na tumakbo para makaabot sa padating ng second subject teacher ko.

Habang tumatakbo ako sa corridor ay nakasalubong ko si Jet, ang secret husband kuno ko. Kasama nya si Lizza, nakaakbay siya rito habang masayang nagkukwento sa kanya. 

Tumatakbo lang ako hanggang sa malampasan ko sila na kunyari'y hindi kami magkakilala, hindi rin namin tiningnan ang isa't isa, strangers kumbaga.

Yan ang isa pang dahilan kung bakit kailangan naming itago na kasal kami, dahil may girlfriend siya na mahal na mahal niya, na hindi nya kayang hiwalayan dahil lamang sa walang kuwentang kasal na nangyari saming dalawa.

Kung ako rin sa kaniya ay hindi ko rin naman makakayang hiwalayan ang mahal ko dahil lamang pinakasal ka ng biglaan, masyadong masakit yun sa parte niya.

Kalat na kalat sa buong campus ang love team nila, pareho kasi silang sikat sa school namin. Isang lalaking mayaman, varsity player at guwapo, isang babaeng mahinhin, model, mayaman at matalino. Masyado silang perfect couple para paghiwalayin, sayang naman.

Kaya ako, mas ayoko talagang malaman ng iba ang kasal namin. Sure na sure na dudumugin ako ng mga fans niyang dalawang yan. Sayang ang ganda ko pagnagkataon, wala naman akong ginagawang masama. 

Pagpasok na pagpasok ko sa room nakita kong nakaabang na agad sakin si Mia, titig na titig siya sakin na parang ako ay isang kriminal at nakapatay ng tao.

"Bakit ganiyan ka nanaman makatingin? Anyare?"

"Dapat sayo ko itanong yan? Bat hingal na hingal ka tapos nakabusangot pa yang muka mo?"

Binulong ko sa kanya ang ginawang pangiiwan sakin ni jet, ang pagtakbo ko hanggang gate at ang tungkol sa iba pang naging usapan namin ni secret husband (sarcastic yan).

"Ah kaya naman pala, tss pero kahit anong gawin niyong pagtatago niyan malalaman at malalaman parin ng lahat yan, mamalaman parin ni Lizza yan, tandaan mo lahat ng sikreto nabubunyag Max."

"Hindi, Hindi Mia. Hanggang sa makakaya namin, gagawin naming dalawa na itago ang tungkol sa kasal. At kung malaman man niya, kung malaman man ng lahat. Sisiguraduhin kong wala na kami, wala ng nauugnay samin, sa madaling salita divorce na kami."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My  Unexpected HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon