[Chapter 1 Finding Mr. Kupido]
^
|
|
|[Play the Tinamaan Ako]
Levy POV
Ako si Levy Sanchez. 17 Years Old. Oo, isa lang akong simple at pangit na babae. Laging binubully, pangit, pero matalino. May good attitudes din ako. 'Di tulad ng iba dyan, maganda nga, bad naman. Ang lalandi pa! Yuck! Mag-kagusto sa isang malandi? Eww! Kahit na aral ang inaatupag ko, at kahit na pangit ako. Syempre may lovelife din ako. Luma-lovelife pa lang actually. My dream boy? Gwapo, mabait, mapag-mahal, may abs. Hehe. Oo ah, para 'pag busog pa ko sa lunch ko, tignan ko lang abs niya gutom na ko. Haha.
Basta, pwede naman kasing mainlove ang isang panget diba? Sino bang nag-sabi na bawal mag-mahal ang pangit? Bakit? Nauso ba ang salitang pag-mamahalan para lamang sa mga magaganda at gwapo? Gwapo't magaganda nga eh luklukan naman ng kalandian at kaangasan. Eww! Ayoko sa masyadong mayabang. Komportable na ko sa kung anong meron ako. Pumasok na ko sa room ko. College na ko, masaya na ko sa life ko. Kahit na pangit ako, may friends din naman ako syempre. Sila Iza, Lani at Olive. Bestfriends ko silang tatlo.
"Huy best! Kanina pa malalim iniisip mo dyan!"
Ningitian ko siya ng peke. Umupo na ko ng maayos dahil andyan na yung prof. Maraming nag-babato sakin ng papel sa likod ko at pencil. Tignan niyo lang! Sabi nga diba, 'wag mong gagawin sa iba kung ayaw mong mang-yari sa'yo. Edi mag-rerevenge ako. Simple right? Paano kaya? Hmm..kahit na mabait ako syempre may gantihan 'yan. Haha. Aha! May idea na ko. 'Di naman ako nakikinig sa klase, I don't care. Ang importante makaganti ako. Haha. Get ready for my revenge.
---
Lunch na. Dumiretso ako sa canteen. Bigla akong nadapa. Sh*t. Natapunan pa ko ng 1 babae ng coke at spaghetti. Sh*t talaga. Ang lagkit ko. Dumiretso ako sa locker ko para mag-hanap ng extra uniform. Pero wala! Malas ko naman! Dumiretso na lang ako sa cr at nag-lock. Nag-simula na ko umiyak.
Ilang minuto din ako nag-stay dito dahil hindi ako pwede mag-klase pag madumi ang uniform ko. Bahala na. Lumabas na ko ng cr. Saktong may supot sa harapan ko. Kinuha ko na yung supot. Binuksan ko at--YEY! Meron na kong uniform! Thanks God. Sinuot ko na yung uniform.
Pumunta na ko sa class ko. Umupo na ko. Ayan na naman tayo, binabato na naman nila ako ng papel. Biglang bumukas ang pinto at ang lakas ng pagka-bagsak. Napatingin kaming lahat at---DID I FOUND MR. KUPIDO??!!
Yay! Thanks God. I found Mr. Kupido! Bakit ang swerte ko ngayon? Ay..hindi pala. Tumingin ako sa tiyan ko at gutom na siya. Hinimas-himas ko iyon at umupo ng maayos. Gosh! Gutom na ko. Pumasok na yung prof. Tumabi yung Mr. Kupido ko sa tabi ko. Waa! Kinikilig ako! Hinampas ko yung upuan ko. Sayang..'di ko kasi kaklase yung mga best friend ko dito sa class ko. Feeling ko namumula pisngi ko. Waa! Oo nga.
"BTW class, I would like to introduce you your new classmate. Sam, introduce yourself please."
Tumayo na si Sam tsaka pumunta sa harap. Gosh! Ang gwapo niya. Tumingin sakin mga iba kong kaklase at tumawa sila. Bakit? May dumi ba ko sa mukha? Bahala na. Si Mr. Kupido? Mabait naman ang mga kupido diba? Ano ngayon kung namamana sila ng puso? Basta kupido ang tawag ko sa first love ko. Actually marami na kong crush pero si Sam kasi yung Mr. Kupido ko. Inintroduce na niya sarili niya habang ako nakatitig lang ako sa kanya. Gosh! Ngumiti siya sakin! Namumula na naman ako.
BINABASA MO ANG
I Found You, Mr. Kupido!
Teen FictionPaano kung nakita mo na si Mr. Kupido? Paano kapag hindi ka niya nagustuhan? Isang gwapo, mabait, 'yan si Mr. Kupido! Eh samantalang ikaw, laging magulo ang pag-kakaipit ng ponytail, mabait at laging binubully. Paano kung magustuhan ka ni Mr. Kupid...