Prologue

449 1 0
                                    

This dress really sucks! Kung bakit ba naman kasi tube ang top nito? Wala tuloy akong ginawa kundi ang itaas ito. Paano kung makatingin yung mga lalaki dito sa bar ay parang huhubaran na ako.

Kung hindi lang talaga dahil sa bestfriend ko, I'll never wear this. Look, she got a viner idol slash crush. Ang viner na walang ibang ginawa kundi ang mag-mura at magpost ng mga kagaguhan nya sa facebook. Like what the f? Pati mom nya minumura nya. Let me rephrase it nagmumurahan silang mag-ina. Okay, I admit. I found his mother cool but not him.

Umuwi na kasi sa Pinas yung epal na yon from London. Today naka-set yung meet up para sa mga fans niya DAW. Like duh? Stupid nalang ang magkakaroon ng ganung idol. Well, maybe my bestfriend is a little stupid for liking a man like that.

Habang nakatayo ako dito sa isang tabi ay inaayos ko itong tube na suot ko para hindi na bumaba. Bwisit kasi yung feeling na lalaking yun ang tagal tagal. I really pity his fans kasi kanina pa sila naghihintay and for sure yung iba maaga pang dumating. My gad! He's almost 2hrs late! That guy's really getting into my nerve.

"Pen pen de sarapen dede mo flat paren." Napalingon ako sa lalaking kumakanta sa likod ko.

"Excuse me?" And to my surprise, dumating na pala ang epal. At ano daw? Ako ba kausap niya? Is he referring to my boobs? Did he just say right infront my face that my boobs are flat? Aaaah! Manyak talaga!

Napatitig ako sa nilalang na kaharap ko ngayon. Oo na! Gwapo na siya, gwapong gwapo to the point na mapapasabj ka ng may ganito pala kagwapong nilalang sa mundo. Pero wala parin akong pake kasi I hate him so damn much!

Hindi ako makapaniwala na kaharap ko na ngayon ang pinaka-kinakainisan kong tao sa balat ng earth. Hindi naman ako mahilig mainis or something. Meron lang talagang katangian ang lalaking ito kung bakit kumukulo ang dugo ko sakanya, pabida kasi sa facebook. Ngayong kaharap ko na siya, mas dumoble pa ang irita ko.

"I know I'm handsome." And reality hit me. Ang tagal ko na palang nakatitig sakanya. Gaah! Ayan tuloy nakaranas ako ng kayabangan ng epal na to. "By the way, I'm Jonas Ejercito but you can call me Jon. You are?" Sabay abot niya ng kamay niya sakin. Pangiti-ngiti pa! Akala niya siguro kabilang ako sa mga fans niya, na dahil sa ginawa niya ay bigla nalang akong lalapit at yayakapin siya sabay hihingi ng autograph at picture. Sorry nalang siya kasi hindi!

"The hell I care!" Mataray kong sabi sabay taas pa ng isang kilay ko at tumalikod na. Humakbang muna ako ng dalawa bago siya muling nilingon. "JERK!" Doon na ako tuloy tuloy na naglakad palayo.

For sure naiwan siyang nakatanga dun! Serves him right. Hindi lahat ng babae ay gusto siya dahil habang nabubuhay ang isang Claudia Bismonte, may hater pa rin siya!

I really hate you so much Jonas Ejercito!

- -
"His Hater"
Copyright © 2015 by @Daaarkside

This story contains sexually explicit scenes. Hindi ko babawalan ang mga bagets dahil alam kong hindi din naman papabawal ang iba. Basta sana lang alam niyo na kung ano ang tama at mali. Okkkk? :) Read at your own risk. Thankyou!

His HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon