YM 1. Beginning

199K 2.1K 130
                                    

YM 1. Beginning.

--

"Miss Smith."

"Miss Jewel."

"Miss Jewel Mine Smith."

..

..

"MISS JEWEL MINE SMITH!"

Napabalikwas ang katawan ko nang marinig ang pangalan ko at agad tumayo at sumaludo. Teka?

"AY ! PETRANG KABAYONG MANGKUKULAM NA NAKADROGA!", I suddenly shouted when I heard the familiar and irritating voice . Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko habang nakatayo ako. Huh? Why are they laug--  Sheeet! Nahihibang ka na talaga, Jewel! 

Nanlaki ang mga mata ko nang narealize na nasa harap pala ako ng bakulaw este ng Prof na ubod ng sungit na witch! Did I fell asleep again? Pinunasan ko ang gilid ng labi ko kung mayroong namumuo-muo pero laking pasasalamat ko ng wala. 

I unconsciously bit my lower lip and scratched my head. "S-Sorry, Prof. Puyat po kasi ako kaaaral ng mga lessons nyo." 

Hindi ko alam kung maniniwala sya o hindi pero nginitian ko sya ng pang malakasan kong ngiti. Anak ng tokwa naman kasi sila Manang kagabi at pinanood pa ako ng horror. Yan tuloy. 

Isa pa, paano ba naman kasi ako di makakatulog ay sobrang boring ng klase nya. Hindi naman related sa topic ang mga lessons na dinidiscuss nya e. Palagi na lang  isisingit ang kanyang love life noong bata pa siya. Like what the heck? Anong connect 'nun? Mabibilang ata sa daliri ko kung ilang beses lang nag straight sa topic namin ang kinaklase nya simula ng mag transfer ako dito. 

Sumimangot at umasim ang mukha ni Prof na para bang mangangain. I already know this one. 

Agad kong kinuha mula sa baba ang bag ko. 

"Nako eto na naman po tayo." rinig kong sabi ng isa kong kaklase kaya agad kong dinampot ang ballpen ko at ilang gamit sa ibabaw ng table ko. Here comes the eruption of the volcano! A very smelly volcano called Petra's mouth! Evacuate! Evacuate! Napatawa na lang ako sa mga naiisip ko. 

"Bilisan mo, Jewel!", bulong ni Eris, ang matagal ko ng kaibigang nananakit na ang ulo sakin.

Nang makuha ko ang gamit ko, nag peace ako kay Prof and gave my sweetest yet fake smile. 

"Uunahan ko na kayo, Prof."- at tumakbo ako papaalis kasi nakita kong sasabog na talaga sya. Woo! Ang hot talaga palagi ni Prof Petra! 

"Jewel Mine Smith!", rinig kong sigaw ni Prof sa pangalan ko pero nakalabas na ako sa room namin. 

Hoo! Para akong nag-marathon sa sobrang bilis ng takbo ko. 

Nakakasura kasi! Pahamak talaga palagi etong antuking pagkatao ko. Bahala na mamaya. Napatawa na lang ako sa sarili ko sa lahat ng kaguluhang nangyayari sakin. I bet mamaya papatawagin na naman ako ni Prof nyan. 

Naglakad lakad na ako at mamaya na ako babalik sa next class ko kapag di na si Mam ang magtuturo.  I'm a transferee mula pa nung Lunes at mag iisang linggo na ako, at isang linggo ko na din nasisilayan ang ngala-ngala ng Prof namin na sinisigawan ako. O diba, suki na ako ng ngala-ngala niya. 

I waited for one hour bago bumalik sa classroom ko ng nakangiti. 

"Huy, Jewel! Pinapatawag ka sa office ni Mam. Patay ka! Kung hindi mo naman kasi tinulugan at tawaging petrang kabayong mangkukulam na nakadroga!", bulyaw sakin ni Eris habang binatukan ako. Napanguso ako. Dyusko, matindihang pangangaral na naman ang matatanggap ko huhu. 

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon