YM 2. Mop Day
--
"Bye Dad. Love you." I yawned in front of my Dad and he just chuckled when I did that. Lumabas din siya sa kotse namin at lumapit sa akin.
Inayos niya yung bag ko. "Still sleepy honey?", malambing niyang sabi habang inaayos din ang buhok ko. Eto ang gusto ko kay Dad e. He always treat me like a princess kasi nga ako lang ang girl sa mga anak niya and I am very lucky for that!
I pouted at mabilis na tumango. He laughed again at pinitik nang marahan ang noo ko. "Get back to your senses honey at baka mamura ka na naman ng Prof mo."
My eyes immediately grew bigger sa sinabi ni Dad. "H-How did you know that?"
"Of course! Your Prof always report to me and your Mom ang lahat ng ginagawa mo sa school. And let me remind you young lady na college ka na. Please behave. Mabuti at napapakiusapan namin ang Prof mo.", pangaral sakin ni Dad kaya agad akong tumango.
Niyakap ko siya nang mahigpit at nagpalambing, "Okay Dad. Promise!" He smiled at me and kissed me in my forehead. Umalis na din si Dad pagkatapos.
Wait. Ugh! Napasimangot ako nang maalala na maglilinis pa nga ulit ako ng corridor ngayon. What a boring and unlucky day!
"ID Miss."
Binigay ko naman ang ID ko dun sa guard ng Walton University na naparami ang pahid ng shampoo sa buhok kaya ayan, nagkalagas lagas na. Tinignan ni Sir ang ID ko at ang mukha ko.
Tignan ulit sa ID, tas sa mukha.
Sa ID, sa mukha.
So, hindi naman sya naduduling? Hindi naman ako nagkanunal dun sa ID? Hindi naman ako bingot ngayon? May kulangot ba sa mukha mo?
"Ah eh, tapos na po ba? E mali-late na po ako e. Papagalitan pa ako ni Prof Pet—este ni Prof.", I said wearing a smile. Mag tatry na akong magpakabait! Nagkamot naman ng ulo si Sir at maya maya ay tinanong ako.
"E Miss, bakit iba ata mukha mo dito? Aso ka ba dati? Transformation ba yan? ", sabi nya sabay bigat sakin nung ID.
Nanlaki ang mata ko nang narealize na hindi pala yun ang ID ko. Iyon pala ang picture ni Bruno. He was my pet before. Namatay siya pero di ko padin siya makalimutan kaya palagi akong may baong picture nya. Tumawa naman ako kay Manong Guard at sinabing iba pala ang kinuha ko. Ibinigay nya sakin yung ID at nagpaalam na ako.
"O, musta ang pagiging janitress kahapon?", bungad sakin ni Eris. Nilagay ko ang bag ko sa upuan.
"Ayun, napagod ako.". Tumawa sila at nag si apiran pa. "Sabi sayo e! Gumising ka kasi kapag nagka-klase si Mam Petra. Tss. Ikaw din."
"E anong magagawa ko? Naboboringan ako e. Kapag naman tumitingin ako sa mukha, natatawa na agad ako.", Sabi ko naman. Umiling iling lang sila at nag sitawanan sa sinabi ko.
Dumating na si PP dala ang class record nya . Lahat nagsitahimakan at nagsibalik sa kanya kanyang pwesto. Okay, let's behave for today Jewel!
"For today, we will elect some officers from your class.", sabi ni PP habang tinitignan kami isa isa. Salamat naman at hindi ako inaantok ngayon.
Nagsimula nang mag elect ng officers ang iba hanggang sa narinig ko na ang pangalan ko . "I respectfully nominate Jewel Mine Smith for Vice President."
Napatingin agad ako dun sa nag nominate sakin. Sya yung kaklase kong ubod ng kulit sa panliligaw. Oo, ligaw. Nakailang tanggi na ako pero husto pa din sa pagpapadala ng kung ano ano dati. Mabuti at nababawasan ngayon. Dyusko kababago ko pa lang ay gusto na agad akong diskartehan. Alam ko na mga ganyang modus. Harapin muna nila si Dad bago ako mapapayag.
BINABASA MO ANG
You're Mine
Teen Fiction"Yes, I got jealous. Yes I got possessive. Why? Because what's mine is mine and sometimes I think someone might steal you forever. You are only mine. " -Prince Black Walton -- Highest Hashtag Ran...