Runaway Bride

26 1 0
                                    

"Are you sure about this?" Nagaalalang tanong sa akin ng bestfriend ko.

"As if i have a choice. Andito na ako, walang atrasan na ito." Nalulumong tugon ko sa kanya.

It's my wedding today, pero daig ko pa ang namatayan sa sobrang lungkot na nararamdaman ko. Ayaw kong lumabas sa kwarto na ito at harapin ang future husband ko.

Just thinking about the mere fact that I'm marrying that jerk makes me want to puke.

And it brings me to tears just thinking that I won't ba able to marry the man that I love.

"Nasaan na kasi yang knight in shinning armor mo? Alam naman niyang kasal mo ngayon, bakit di pa siya gumawa ng paraan para matigil itong mga kalokohan na to? Nasaan na ngayon ang kayabangan niya? Bakit hindi niya gamitin yun ngayon?" Naiinis na sabi niya.

"I-i don't know. Simula nung gabing nagkaharap sila ng parents ko at sinabi yung tungkol sa kasal, di na siya nagpakita sa akin. I thought he's gonna save me from this marriage but I guess he's not my knight in shinning armor after all."

"I'm sorry. Wala akong magawa. I tried to talk to tita and tito pero sadyang matitigas ang ulo. Tanging ang kayabangan lang ni Mark ang tatalab sa mga magulang mo, kaso yung ungas na yun MIA."

"It's okay. I guess our love is not that enough para ipaglaban niya ako. Wala ring silbi yung pakikipaglaban ko para sa kanya kasi siya na rin mismo ang sumuko."

"Oh my, Jazzy please don't cry."

Natigil ang kadramahan naming dalawa ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang taong ayaw kong makita sa ngayon.

"Are you ready hon?" Nakangiting tanong sa akin ng nanay ko.

"I'm not."

"Anak, please let's stop arguing about this."

"If you want to stop this argument, then stop this wedding Dad!"

"We can't. Please anak. It for your own sake."

"For my own sake? Or for YOUR own sake, Mom? Paano ito nakakabuti sa akin kung hindi naman ako masaya?!"

"Happiness is a choice. Just accept it."

"That's why I am choosing him!"

"But is he choosing you? Nasaan na siya ngayon? Nasaan na yang pinagmamalaki mong lalaki ha? I'm giving you a minute to prepare. Maraming nang tao sa labas."

Nasaan ka na nga ba Mark?
----------

Nagumpisa na ang wedding ceremony. They all look happy, and it annoys me dahil parang masaya sila sa kamalasang nangyayarin sa akin. Hindi nila makita yun dahil natatakpan ng belo ang kalungkutan ko.

Napatingin ako sa groom ko ko. Ang saya saya ng loko. Nakuha na niya ang kagustuhan niya. Nakuha na niya ako.

Nagbago na ang tugtog, senyales na papasok na ako. Pero pakielam ko, ang isip at puso ko ay nasa ibang tao.

I am not the kind of boy
Who should be rudely barging in on a white veil occasion
But you are not the kind of girl
Who should be marrying the wrong boy

Teka? Hindi naman pangkasal yung tugtog ahh? Napatingin ako sa paligid at mukha pati sila ay nagtataka. Lahat ng atensyon nila ay nakatuon sa lalaking umaawit.

I sneak in and see your friends
And his snotty little family all dressed in pastel
And he is yelling at a groom's man
Somewhere back inside a room
Wearing a tux shaped like a pastry

Runaway BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon