Kabanata 3

6.1K 177 9
                                    


"Wanting you the way that I do"

Kinabukasan...... (sa sasakyan)

"Ona! Bakit hindi mo ako ginising kagabi!" gulat na sabi ni Red kay Ona.

"Bakit?" tanong ni Ona.

"Hindi ko nakausap si mama." giit ni Red.

"Ayoko na kasi kita'ng storbohin." ani ni Ona.

"Anak, pwede mong kausapin ang mama mo kahit anong oras" ani ni Rico.

"Basta po." giit ni Red.

"Sir. Dito na po tayo" ani ni Driver.

"Let's Go." ani ni Rico.

Nagpunta sa isang sikat na parlor sina Rico at doon pina straight nya ang waving buhok ni Red at pinakulayan ito ng bergandi. Si Ona naman ay inayusan rin.
Medyo hindi natuwa si Red dahil mamula-mula ang buhok nya.

"Anak ang ganda! Hehe" giit ni Rico.

"Red nanaman." Nakamangot na sambit ni Red.

"Hahahaah ang ganda ko!" tuwang tuwang sabi ni Ona.

Pagkatapos nila sa parlor ay nagpunta sila sa amusement park at doon sumakay sina Red sa iba't-ibang rides na ikinatuwa ng dalaga. Masayang masaya ang mag Ama ng mga oras na iyon.

"Papa I love you po!" lambing na sabi ni Red sa ama..

"I love you too anak."

Niyakap ni Red ang kanyang ama nang mahigpit gayon rin naman si Rico at hinalikan nya ito sa noo.

Habang papauwi, sa pagod ni Red ay nakatulog na ito sa sasakyan hindi na ito ginising pa ni Rico at binuhat nalamang nya ito at dinala sa kwarto.

"Hindi po ba natin sya gigisingin?" tanong ni Ona.

"Shhh!" bulong ni Rico.

"Ay! Sorry po." ani ni Ona.

Kinumutan ni Rico ang kanyang anak at hinalkan muli sa noo. Paglingon ni Rico ay nakita nya sa bintana ang buwan na sobrang liwanag at bilog.

"Elona."

Kinabukasan..... (10:00am)

"AAAhh! Ona!" sigaw ni Red.

"Anu yun Lady Red?"

"Bakit hindi mo ako ginising!" inis na inis na sabi nito.

"Bakit? Eh, ayaw ka lamang istorbohin ng papa mo." giit ni Ona.

"Pero hindi ko pa nakakausap si mama! Pangalawang ARAW NA TO!" maktol ni Red.

"Eh, Ikaw eh, takaw mo sa tulog...yan ang lake na ng pisngi mo! Hahaha!"  asar ni Ona.

"EH KUNG GINIGISING MO KASI AKO!"(beast mode)

"Eh, sabi ng papa mo eh."

"Anak."

"Papa, bakit di mo ko ginising?" inis na tanong ni Red.

"Ihanda mo na ang sarili mo anak, Ona asikasuin mo na sya mamaya ihahatid ko na kayo." ani ni Rico.

"Nga pala, pa parang ayoko dun." giit ni Red.

"Haay ako din." giit din ni Ona.

"Anak tama ang uncle Fredo mo, kaylangan mong matutong makisalamuha sa iba't-ibang tao, hindi yung puro si Ona lang kasama mo. Nahahawa ka lang sa pagiging isip bata." pang asar ni Rico.

"Grabe naman, huhu." ani ni Ona.

"Ito suotin mo ito bigay ito sayo ng iyong mama." ani ni Rico.

Oh! No! She's A Vampire!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon