Pagmulat ng mga mata ko nakita ko agad ang nakakasilaw na sikat ng araw. Bagong umaga nanaman sana naman pagpasok ko sa paaralan maging maganda na ang araw na ito. Palagi nalang kaseng kaguluhan ang bumubungad sa akin tuwing pagpasok.
Pagbangon ko dumirestso na ako agad sa banyo at nag-ayos na ng aking sarili. Bumuba na ako ng kwarto at hinanap ko agad ang umagahan ko.
"Yaya Mats, nakaready na po ba ang breakfast? "
Yan agad ang una kong binanggit pagpasok ko ng kusina. Gutom na gutom kase ako ehh hindi pa naman ako kumain ng hapunan kagabi sa sobrang inis ko, nakakabadtrip kase school.
"Nakaready na, nandyan sa lamesa kumain ka nalang diyan pumasok na kase ang kuya mo, hindi ka na niya masasabayan"
As usual palagi naman akong iniiwan ni kuya ehh hindi kase kami close parang wala lang sa kanya na makasama akong kumain. Wala naman kaseng pakealam sa kin si kuya ehh dahil na din siguro sa kasungitan ko kaya hindi kami nagkakasundo.
"Cge po yaya Mats, salamat na lang po sa paghahanda"
Pagkatapos kung kumain, nag-ayos pa muna ako nang kaunti bago ako tuluyang pumasok ng paaralan.
Sa School..
Pagkapark ko palang sa parking area sinlubong na agad ako ng mga kaibigan kong palaging nakabuntot sa akin."Briyanna, may naghahanap sa'yo" sabi ni Cheska. Ang pinakamadaldal sa grupo
"At sino naman sana??" tanong ko pabalik.
"As usual sino pa ba edi yung Admirer mo" sagot naman ni Francine. Ang pinakseryoso sa aming lahat.
Tsss...
"Umaasa pa kase, nakakaasar baka abangan nanaman ako sa classroom" sabi ko ng may pagkainis."Duh, ehh palagi niya namang ginagawa yun" sambat ni Cheska.
"Parang hindi ka naman nasanay" sabi ni Krystal. Ang pinakamahilig magbasa sa aming lahat.Hmmmpft.. kasasabi palang ng mga kaibigan ko na nakaabang nanaman ang Admirer ko kunno, nababadtrip na ako. Eto naman kaseng si George nag-eefort pang suyuin ako ehh alam na niya na ngang ako ang Amazona Queen. Ni wala nga akong interes sa mga lovelife ngayon at ayaw ko munang magkaroon . May pagkaboyish kasi ako ehh pero may taste din naman ako sa fashion at sa kung ano ang trend na clothes. Dahil din sa pagkaboyish ko natatakot na sakin ang ibang lalaki, ewan ko ba kung bakit nagtitiyaga at nagtitiis parin itong si George..(he is so corny)
------------------------------------------------------
Author's NoteAlam ko pang medyo boring ang chapter na ito, first time ko po kaseng gumawa ng story dito sa Wattpad.
Sana po ipagpatuloy niyo parin ang pagbabasa dahil mas lalo pong nagi-improve ang story habang ito po ay tumatagal.
Hope you like it even though it is a first story of mine in wattpad.
@detectivekate
BẠN ĐANG ĐỌC
Falling in Love with My Biggest Rival
Ngẫu nhiênPrologue Makakalovelife kaya ang super sungit at Amazona Queen na tinagurian sa Campus?? Karamihan sa mga babae ay napakaemosyonal pagdating sa lovelife nila, pero bakit sadyang ang Amazona queen na tinagurian ay hindi naapektuhan..?? Nakakakilala...