Pagkauwi ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto at nagpahinga. Nang maisipan kong iopen ang FB account ko. Bumungad agad sa akin ang picture ng lalaking kinaiinisan ko sa buong mundo kasama niya pa ang malanding babae.
Nakakabanas sa dinamirami ba naman ng taong gumagamit ng FB ang picture pa ng ex ko ang una kong nakita sa newsfeed.
Hindi ba nakakaasar lang yung makikita mo yung larawan ng lalaking minahal mo kasama yung ipinalit sa iyo. Nakakabad trip ehh pinapaalala lang yun ang nakaraan.
Flashback...
Mag-iisang linggo na noong huling nagparamdam yung hinayupak kong boyfriend, simpleng LQ lang kase nagtatampo na siya mas malala pa kaysa babae.
Hindi ko naman kase inasahan na mainlababo sa hinayupak at cute kong boyfriend na si Ian, pero biglang nagbago ang ihip ng hangin nang may nalaman ako.
Tumawag si Ian sa akin matapos siyang magpalamig mula sa pagkakaLQ namin.
"Pwede ba tayong magkita?" tanong niya mula sa kabilang linya
"Oo naman" sagot ko pabalik
"Cge, bukas ng umaga sa dating tagpuan" usisa niya bago niya ako babaan ng telepono.
Dahil nga inalababo ako noon sa kanya okay lang lahat sa akin kahit binabaan niya ako ng telepono dahil alam kong may mali naman ako siguro masakit parin sa kanya yung LQ.
Kinabukasan...
Nakarating na ako sa dati naming tagpuan (sa park) na malapit sa bahay namin. Malayo pa lamang ako tanaw ko na siya sa may bench na dati din naming inuupuan.
"Hello" bati ko sa kanya at umupo na sa tabi niya. Wala pa rin siyang kibo at sa tingin ko'y may mabigat na problema siyang daladala.
"Anong problema mo? " tanong ko sa kanya.
Huminga muna siya ng malalim bago niya sagutin ang tanong ko, " Tama na Briyanna, tigilan na natin ito dahil masasaktan ka lang pagtumagal pa ang relasyon natin""Anong problema dun? Mas lalo lang akong masasaktan Ian. Nagbibiro ka lang naman di ba? " pagkumbinsi ko sa kanya upang itigil niya ang kabaliwan niya.
"Hindi ako nagbibiro, didiretsuhin na kita Briyanna,. Nakabuntis ako at kailangan kong panindigan ang pagiging ama ko sa bata. In fact ikakasal na kami next week. Kaya kailangan na nating itigil ito Briyanna. " pagpapaliwanag niya sa akin.
" Ganun na lang ba kadali ang lahat ahh Ian. Bakit kase hindi mo ginamit yang utak mo, hindi ka man lang nag-isip na masasaktan ako. " usisa ko sa kanya.
"Tama na huli na ang lahat. Ang mahalaga minahal natin ang isa't isa. Paalam Briyanna. " pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang iyan unti unti na siyang naglakad palayo sa akin.
At sadyang shunga shunga ako at inalababo sa kanya noon naiwan akong kawawa, ummiyak at labis na nalulumbay sa kanyang paglisan. Akala ko kase noon siya lang ang lalaki sa buhay ko, siya na si Ideal Man ko ehh. Pero sadyang malupit ang tadhana pinaglayo kami kase hindi kami nakatakda.
End of Flashback...
Yan nanaman ehh naaalala ko nanaman si past ehh... Sobra na ako nagmumukha nanaman akong baliw nang dahil sa kanya.
Ikaw ba naman maalala mo ang lalaking minahal mo na iniwanan ka dahil siya ay magpapakasal sa iba at ang masaklap ay nabuntus niya pa yung girl.Hayyy nako tama na nga ang drama past na si Ian dapat na siyang kalimutan at time na para itapon ko lahat ng feelings ko para sa kanya.
Matapos kong magdrama sa kwarto bumaba na ako upang kumain ng dinner.
"There you go sweetie come on let's eat" bungad sa akin ng aking mommy pagkababa ko palang ng hagdanan.
"Good thing para magkasabay sabay naman tayong kumain" usisa naman ni Daddy.
"Okay po" sagot ko naman sa kanila.Pero ang akward lang kase dahil ang vacant sit pa yung nasa harapan ni kuya, which is yun ang palagi kong iniiwasan kapag ganitong magkakasabay sabay kaming magdi-dinner. Nagdesisyon akong umupo na lamang sa vacant na upuan kaysa naman madisapoint pa sila mommy sa akin.
Nakakatawa lang good girl ako pag sa harap ng mga magulang ko pero kapag nakatakikod sila ako ay isang maldita. Plastic na kung plastic pero mahirap lang talaga kaseng maging Amazona at Maldita sa mga magulang ko at sa aking pinakamamahal na yaya-- si yaya Mats.Pagkaupo ko pa lang agad namang tumayo si kuya sa tingin ko talagang galit pa rin siya sa akin kaya palagi niya akong iniiwasan kahit nasa iisang bahay lang naman kami.
"Anak tapos ka na ba? " tanong ni mommy sa kanya.
"Yes mom, busog na po ako" sagot naman ni kuya
"It seems you're too fast to eat son" sabat ni Daddy sa usapan
"I have many things to do dad, excuse me, I will go to my room now" sabi ni kuya. Pagkatapos dumiretso na siya sa kanyang kwarto sa taas.
"Well let's continue to eat then" usisa ni Daddy
Pagkatapos magsalita ni Dad wala nang umiimik sa amin, marahan lang kaming kumakain.
Behind all hindi parin alam ng parents namin na may makaki kaming tampuhan ni kuya dahil ayaw naming pareho na kami pa ang alalahanin nila, dapat mas priority nila ang trabaho than our fight. Bitter pa rin kase sa akin kuya feel ko yun kaut hindi niya ito sabihin. Even though nagsorry na ako sa kanya before hindi pa rin siguro siya naka move on dahil sa nangyari at isa pa ang malaki kong kagagahan.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Falling in Love with My Biggest Rival
RastgelePrologue Makakalovelife kaya ang super sungit at Amazona Queen na tinagurian sa Campus?? Karamihan sa mga babae ay napakaemosyonal pagdating sa lovelife nila, pero bakit sadyang ang Amazona queen na tinagurian ay hindi naapektuhan..?? Nakakakilala...