Excited na ako pumasooook!!!!
Siyempre makikita ko nanaman si Ely, ang aking uber sa poging boyfriend.
Maaga akong nag-asikaso kasi nga diba ? Excited much. Pagbigyan niyo na mga teh!!
"Mama pasok na po ako!"
"Sige, ingat ka nak, uwi ka agad"- motherbells
"OPO!"
Dali dali akong naglakad papunta sa school, tutal malapit lang naman..
Sakto naman na papunta na rin ng school ang bestfriend kong si Shyla.
"Shy besssy!!!!"
"Ohh baklaaaaaaaa!! , goodmorning (^_^)" nakangiti niyang bati sakin.
"aga mo ngayon ah? " ako.
"ahh oo, may tatapusin akong assignment eh, hindi ko nagawa kahapon. Anong oras na kasi kami nakauwi nila mama galing palengke. " aniya.
"Wow!! Bago yan ahh, gumagawa ka na ng assignment??? Napaka angas! Hahaha" ako.
"Loko! Gumagawa naman ako palagi ah?? Ngayon lang talaga ako hindi nakagawa sa bahay, ginabi na kasi kami, tambak ang customer beks, eh walang katulong si mujang kaya sinamahan ko muna. Tsaka kailangan kong ihabol to ngayon. Alam mo namang terror yung sir lucian na yun no? Kainis na PANDS yun" mahaba niyang litanya.
"PANDS?? " ako
"PANDS, PANDAK! anu ba bessy, kashunga ha! "
"ay grabe siya oh? Ang laki mo ha?! " ako.
"HAHAHAHAHA ehh totoo naman, ganun na nga likas na kalagayan niya, um-over pa sa kasamaan ang ugali niya. Tsk, kaya walang may gusto sa kanya na maging prof. " shyla.
Si shyla ay aking kababata. Simple lang din ang kanilang pamumuhay, mayroon silang maliit na pwesto sa palengke. At yun din ang nakakatulong sa kanila sa pang araw-araw na gastusin. Ulila na sa ama si shyla, at nag iisa siyang anak kaya hindi sila gaanong nahihirapan ng mama niya.
Parehas kaming scholar ni shyla sa aming pinapasukang unibersidad ngayon. Ang Faith Christian University. Ang pagiging scholar ang susi kung bakit kami nakapasok sa ganitong mamahaling paaralan.
"hahaha grabe ka! Tara na nga, hahanapin ko pa si ely myloves! " kinikilig kong sabi.
"ah, bessy, payong maganda lang ha? Uhm, wag ibigay ang lahat kay ely ha? Yung tipong wala nang matitira sayo. Baka sa huli, masaktan ka ng sobra. Payo lang naman" nag aalangan niyang sabi.
"anu ba bes? Napapraning ka nanaman. Mahal ako ni ely. Ramdam ko yun. At alam kong hindi niya ako sasaktan '(*∩_∩*)′
"uhm basta. "
"dalian na natin bes, para magawa mo pa yung assignment mo, ikaw din! "
"ay oo nga pala! Bakla ka ng taon! nakalimutan ko!! Jusme, mauuna nako sa room, sumunod ka nalang ha? "
"oo, sige na, hahanapin ko pa si ely ^_^"
Tumakbo na papunta sa room si shyla, habang ako ay nag ikot ikot pa para mahanap si ely.
Inikot ko na ang engineering building pero wala siya. Asan kaya ang isang yon? Isa nalang ang pwedeng puntahan ni ely, ang recreation building. Dun ay pwede kang mag basketball, bowling, lawn tennis, at kung anu-ano pang klase ng sports na gusto mo.
Lakad takbo ang ginawa ko para marating ko agad ang building na iyon. Pagkarating ko, ay pumasok agad ako ngunit walang bahid ng estudyante sa loob. Medyo maaga pa kasi. Sinubukan ko paring maglibot, baka sakaling nandito si ely. Napadpad ako sa locker room. Tuloy tuloy ako sa paglalakad nang may narinig ako..
"ugh sige pa babe." tinig nang isang babae.
Kinilabutan ako sa narinig ko ⊙_⊙ ang mga damuhong ito, dito pa sa locker room ang napiling spot para mag lapchukan.
"fuck babe ang galing mo"
Paalis na sana ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
No.
Hindi maaari
Imbis na umalis ay tumuloy ako sa paglalakad papunta sa pinanggalingan ng mga boses na iyon.
Hindi.
Tuloy tuloy ang pagdaloy sa aking pisngi ng mainit na likido na galing sa mga mata ko.
Ang ely ko T_T
Nakababa ang pants, bukas ang polo, nakapatong sa babaeng itinaas lang ang palda. Kitang kita ko rin ang malulusog niyang dibdib. At Shit ang mahal ko, May kalapchukang ibang babae, at kitang kita mismo ng dalawang mata ko.
Ang puso ko.
Durog na durog ang puso ng inyong lingkod.
Bakit mo nagawa sa akin ito.
Dahil ba FLAT CHESTED AKO?
Dahil sa sakit ay nagpasya akong lumabas na lamang. Tila baga walang nangyari.
Pero siyempre JOKE LANG YON!
"KINGINA KANG HITAD KA!!!! INUNAHAN MO PAKO SA ELY KO!!!!! "
Paglapit ko ay agad kong sinipa ang mukha ng babaeng ka lapchukan ni ely, oo mga bes! Sinipa ko siya! Tsaka ko lang napagtanto kung sino ang babaeng yon!
Ang anak ni mayor!!
Pero wala akong pakialam! Sinaktan nila ako, nakailang lapchukan na kaya sila?
Natulala si ely, hindi niya alam ang gagawin. Habang ang babae ay nag uumiyak sa sakit. Hindi pa dun natapos, sinampal ko siya, sinabunutan, at binigti! Choz! Di ako mamamatay tao!
Nang natauhan si ely ay agad niya akong dinakma at binalibag sa gilid.
"Hayop na to! Sinaktan mo na nga ang puso ko, sinaktan mo pa ako ng Pisikal?! "
"Napaka Bayolente mo! Kababae mong tao, ganyan ka manakit! " si ely.
"bakit ely? Ikaw kalalaki mong tao, nananakit ka ng babae, hindi lang pisikal pati emosiyonal! Bakla ka ba?! Matagal mo na pala akong niloloko! Akala ko mahal moko, binigay ko lahat ng pagmamahal ko sayo, oras ko lahat lahat!"
"May hindi ka binigay kaya nagsawa nako sayo! "
"Ehh gago ka pala eh! Kyeps ko lang pala ang mahal mo eh! Magsama kayo niyang HITAD na yan! "
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa mukha ko!" aba't kumuda ang hitad! .
"Pasalamat ka yan lang inabot mo! Magsama kayong mga animal kayo! "
Tsaka ako tumakbo palabas. Hindi nako nakapasok sa aming klase..
Napaka mo ely, napaka mo.
May araw ka rin..
![](https://img.wattpad.com/cover/54243173-288-k796569.jpg)
BINABASA MO ANG
I Loved You
Short StorySa sandaling panahon, minahal ko siya. Sa sandaling Panahon, naging mundo ko siya Sa sandaling Panahon lang din ba mauuwi ang pag iibigan naming dalawa ?