Ngayon ang unang araw ng klase. Ito rin ang unang araw ko sa kolehiyo kaya kinakabahan ako lalo na't sa isang kilalang paaralan ako papasok. Halos lahat ng mag-aaral sa Faith Christian University ay pawang may sinasabi sa buhay. Makakapasok lang ang mahirap dito kapag nakapasa sa exam at magiging scholar.
Mahirap lang kami, nakapasa lang talaga ako sa exam kaya naging scholar ako sa Unibersidad na to , kasama ko ang matalik kong kaibigan na si Shyla.
Sabay kaming naglalakad ni Shyla sa Sidewalk . Malapit na kami sa School. Parehas kaming dalawang kinakabahan.
"Uy bes, ayan na yung gate! Eto na talaga, totoo na to! Magiging isang ganap na estudyante na tayo ng faith christian university! Excited nako bes!" Ngiting ngiting wika ni Shyla.
"Kaya nga, tapos Jusme , gate palang pak na pak na bes, tapos yung ID ita-tap lang , yung parang sa LRT ganun, samantalang nung highschool tayo, pwedeng pwede tayong makapasok ng school kahit walang ID basta kaya nating tumakbo pang Marathon para matakasan si manong guard! Haha"
"Pero kinakabahan ako bes, pano kung ma bully tayo kasi mahirap lang tayo? Diba karaniwang ganun ang nangyayari sa mga storya? Yung mahirap ka, papasok sa pang-mayamang paaralan tapos mabubully?"
"Ano kaba shyla? Ngayon kapa natakot eh kasama moko? Ako bahala sayo. Kilala moko, wala akong inuurungan kahit ano pa yan"
"Oo nga pala, wala ka nga palang kinakatakutan. Hahaha tanda ko pa nung inaway ako ng kapitbahay nating si lukring at pinagtanggol mo ako. Mas matanda pa satin yun ng limang-taon pero napaiyak mo. Kakaiba ka talaga." Pagbabalik tanaw ni shyla noong kami'y musmos pa.
"Mapanakit kasi siya. Hindi mo lang pinahiram ng paper doll, hinampas kana agad ng hawak niyang patpat. Edi ginantihan ko, ipahabol ko ba naman sa aso namin edi nadala siya." Natatawa talaga ako pag naalala ko yun *^▁^*
"Grabe yung pagiging brutal mo noon, nakakatakot ka." Tawa-ng tawa na sabi ni shyla.
Pagdaan namin sa gate, nginitian namin si manong guard at binati, nagulat pa siya sa pagbati namin at biglang yumuko para magbigay galang.
"Nako kuya, wag kana yumuko, mahirap lang kami haha" ani shyla. Napatawa naman si manong. Nagtinginan yung ibang kasabay naming mga estudyante sa pagpasok. Tinignan nila kami mula ulo hanggang paa sabay nagtawanan. Naka amba na akong sumugod pero pinigilan ako ni shyla.
"Ano kaba, unang araw palang natin may makakabangga kana. Hayaan mo nalang" napakabait talaga ng kaibigan ko.
"Hay, yang mayayaman na yan, kala mo kung sino, saksakan ng sama ng ugali. Akala siguro nila palagi silang nasa taas. May araw din yang mga yan" nanggigigil na sabi ko habang naglalakad papasok ng paaralan.
"Galit na galit ka talaga sa mayayaman no? Kung ako sayo di ko na papansinin yang mga yan, ma ii-stress kalang kasi claudette. Ikaw rin ang talo." Litanya niya.
"Ayaw ko kasing naaapi." Gigil na sabi ko . Napabuntong-hininga nalang si shyla at tinapik ako. "Basta , relax ka lang. First day natin oh? Tsaka ang pinoproblema dapat natin ngayon eh kung pano natin hahanapin ang classroom natin sa ganito kalaking school." Mahabang litanya ng aking naaaaapakabait na kaibigan.
"Tara na't mag explore!" Excited na sabi ko . Nakaka excite naman kasi talaga lalo't pangarap namin ng bestfriend ko ang skwelahang ito. Talagang sunog kilay ang ginawa namin para makapasang scholar sa school na to. Nagsimula na kaming hanapin ang building kung saan nandoon ang room namin. Ang hirap hanapin ng Education Bldg. Parehas BSE-TLE ang kinuha naming course ni shyla.
"Ahh ate, san po yung education bldg.?"tanong ko sa babaeng nakasalubong namin. "Diretsuhin niyo lang yang garden, sa pinakadulo nandun yun. Mahaba yan,wag kayong titigil hangga't hindi niyo nararating yung dulo" lalo kaming na excite ni shyla at agad nagpasalamat sa babae. Ngumiti naman siya ng napaka tamis.

BINABASA MO ANG
I Loved You
Short StorySa sandaling panahon, minahal ko siya. Sa sandaling Panahon, naging mundo ko siya Sa sandaling Panahon lang din ba mauuwi ang pag iibigan naming dalawa ?