Prologue

129 1 0
                                    

Girls...

"I love you"

yan na ata ang pinaka putanginang phrase na ang sakit sa tenga. Yan kasing phrase na yan ang ginagawang hobby ng mga lalaki sa kahit na sinong babae. Kung itetext ka niya ng "I love you" malamang group message yun.

Wala na atang lalaking magbibigay sa'yo ng lollipop kapag nakita ka niyang umiiyak sa park.

Wala na ata'ng lalaki na magpapahiram sa'yo ng libro pag nagtanong ang teacher niyo at wala kang dala.

Wala na ata'ng lalaki na magbibitbit ng bag mo pag pauwi na kayo.

Wala na ata'ng lalaki na magbibigay sa'yo ng upuan pag na late ka sa klase niyo at wala ng available na upuan sa room niyo.

Wala na ata'ng lalaki na gagawin lahat para lang mapatawa ang babaeng mahal niya.

Wala na ata'ng lalaki na magbibigay ng panyo tuwing nakikita ka niyang umiiyak.

Wala na ata'ng lalaki na ipagsisigawan sa isang crowded na lugar kung gano niya kamahal ang girlfrend niya.

Kasi sa panahon ngayon pwede ka ng manligaw ng hindi kayo nagkikita. Mainvolve sa isang relationship na sa screen lang nagkakaharap.

Ganiyan ang mga lalaki kaya ngayon kahit ikaw na ang pinaka pangit na lalaki sa buong mundo pag nasama sama kayo ng barkada mo mas marami ka pang nakukuwentong babae mo kesa sa kanila.

Wala na ata'ng lalaking magsasabi sa babae na "Mas mabuti ng ikaw ang manalo sa away natin. Kesa naman mawala ka ng tuluyan sa buhay ko" Fuck. Yan ata ang maicocomment ng lalaki pag may kapwa siyang lalaki na sinabi yon.

Tangina na kasi ang best term sa lalaki ngayon. Iniisip nila na pag badboy sila ikinagwagwapo nila yon. Utot nila. Kung makakakilala ang isang babae ng ganung lalaki. Ang swerte niya.
Wala na atang mas sasaya pa sa piling ng babae ay ang maging prinsesa ang turing sa kanya ng lalaking mahal niya.

Pag nag break kayo. Sino bang nasasaktan? Palagi yung babae. Kasi yung babae ay palaasa, uto uto, tanga, mabilis mainlove, martyr, desperada at kung ano ano pa'ng katangahang term na itinatambal sa amin.

Yan ang palaging sinasabi ng iba pag may nasasaktan sinasabi nila "tanga mo kasi" "mapagpaniwala ka kasi"

Palagi bang babae ang mali? Palagi bang babae ang dapat masaktan? Wala bang karapatan ang babae na makahanap ng lalaki na kahit na hiwalay na sila ay mararamdaman mo pa din na mahal ka niya yung tipong hindi kayo pero binabantayan ka pa rin niya sa likod mo at di ka hinahayaang masaktan ng iba.

Sana makakita ako ng lalaking ganyan.

Boys..

"I don't make love, I fuck hard" -Christian Grey

Yan ang kataga na tumatak na sa utak ko at pinapalaganap ko na yun sa buong katawan at kaluluwa ko.
Badboy, Siraulo, Basagulero, Cassanova, Womanizer, Player at kung ano ano pa.

Yan naman ang alam ng mga babae eh. Na ganyan kami. Ano bang alam nila? Sila naman ang may mali kung tutuusin eh.

Ang babae. Mahinhin which is hindi naman talaga. Pakitang tao kasi sila. Pinapakita nila na mabait sila na matino silang babae in short mapagpanggap sila.

Hindi ba pwede na yung tunay nilang ugali ang ipakita nila samin? Ano namang pake namin sa ugali nila? Pano namin silang mamahalin kung hindi naman pala nila kami pagkakatiwalaan sa tunay nilang ugali. Pag naman kami ang nagpapakita ng ugali namin naiinis sila. Kung minsan naman sasabihin nila sinungaling daw kami kung kelan na kami nagpapakatotoo.

Tapos pag nakakita sila ng kasama namin sa picture na nakaakbay kami. Magagalit na agad. Kahit na pinsan namin yung kasama namin sa picture magagalit na sila agad. Kulang na lang ata bawalin kaming kausapin ang nanay at kapatid naming babae. Kulang na lang maging nanay namin sila na dapat palaging sinusunod. Ultimo pag lalike namin sa picture ng babae sa social media magagalit na sila. Hawak nila kami sa leeg gusto nila maging under kami sakanila. Gusto nila kung sila, sila lang. In short sarili lang nila iniisip nila

Pero pag nakita namin sila na may kasamang ibang lalaki at nagseselos kami ang ginagawa din naman nilang dahilan ay "Kaibigan ko yun" kuno. Sila pwedeng magkaroon ng kaibigang lalaki pero kaming mga lalaki hindi pwedeng magkaroon ng kaibigang babae? Fuck this life.

Minsan naman sinasabi nila na wala daw kaming ka effort effort sa mga sweet things. Pero pag nagbigay ka ng flowers, chocolates, teddybear. May masasabi pa rin sila. Di man lang nila maappreciate yun.

At lastly ang pinaka masakit sa ego naming mga lalaki eh yung magugustuhan kami ng isang babae dahil kamukha namin yung crush nila, o gwapo kami, o dahil sikat kami. Tangina hindi nila kami iniisip. Iniisip nila yung sarili nila.

San ba ko makakakita ng babae na walang ka arte arte sa katawan. Hindi ka iuunder at hahayaan kung san ka masaya. Iaappreciate niya lahat ng efforts mo. Iintindihin ka niya pag badmood ka. May babae pa bang ganyan? Asan ka?

Parehong bitter sa pag ibig.
Parehong may mga hinaing sa bawat isa.
Parehong may problema sa mga puso.
Parehong nasasaktan.
Parehong may pinaglalaban.
Pano kung magkatagpo sila? May mapagkakasunduan kaya sila? Makikita kaya nila ang mga katangian na gusto nilang maging partner?

..

Huuu! Nakasurvive din ako sa prologue ko. So guyth. This is the first time na gagawa ako ng love story. Hahaha nagpapahinga muna ko sa pagiging fuck writer. Itatry ko lang magpaka banal muna ng slight. mehehehe. So keep updated mga walang boobs (ಥ_ಥ) Tangkilikin niyo to. Maawa kayo. Huhuhu Ang di tatangkilik liliit boobs magiging ganto na lang. º Hihihi malkokayo mga pipi.

-lecy.

Knowing me, Knowing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon