Alpha's POV
Sobrang sakit ! Bakit ? Bakit ? Argggghhhh ! Naihilamos ko na lamang sa aking mukha ang aking kamay . Di ko matanggap na nangyari to sakin kung kelan okay na ang lahat . Napapikit na lamang ako habang inaalala ang nangyari
Naglalakad ako ng payapa papunta sa school . Sobrang saya ko dahil nakita ko yung crush ko at tyaka isa pa binati nya ko sa fb kagabi !! Kyaaaah ! Spell kilig A-L-P-H-A ! Haha di ko mapaliwanag tong kilig na to .
Nang malapit na ako sa school napansin ko na walang bumabati sa akin , kalimitan kasi ay lagi nila akong binabati kaya nakakapag taka lang . Tumakbo ako papunta sa floor kung saan ang room ko . Nagulat ako pagpasok ko ay wala man lang tao sa loob . Nakakapagtaka hindi ba ? Kaya naupo na lamang ako sa upuan ko at maghintay hanggang sa mag time .
Pero time na namin pero what the fuck ?! Wala pa ring taong nadating ! Hustisya mga tyong sa taong nandito sa room . Takot pa naman ako pag mag-isa feeling ko may multo T-T waaaah ayoko na !
At dahil isa akong dakilang duwag ay tumakbo ako palabas ng room at since on going na ang ibang klase ay nagpatuloy na ako sa pagtakbo in a silent mode hahaha okay medyo kalog walang ganung pagtakbo XD
Sa pagtakbo ko napansin kong walang sumisita sa aking guard or kung ano pang taga bantay . Kung kaya nagtutuloy tuloy lang ako hanggang makalabas ako ng buhay sa school haha . Tumakbo ako pauwi at nagulat ako ng walang bumati sa akin , si mama wala sa bahay si papa naman ganun din kung kaya dumaretso ako sa kapit bahay at pagdating ko dun . Nagulat ako dahil lahat ng tao dito ay nagmamadaling umalis at dahil ako ang the maze runner sinundan ko sila haha ! Pero may napansin ako ,
Bakit ganun ? Ang weird nila parang wala silang pake sakin . Baka may surprise sila sakin dahil birthday ko naman hahaha ! Napaka assuming ko naman
Well , dahil mabait ako . Naggala muna ako sa amin nagpunta akong playground at naupo sa swing .
Parang hindi yata ako napapagod ? Eh sa taba kong to ? 70 kilos pero di napapagod pa ? Amazing *-* hahaha . Makabalik na nga lang ng school agang aga nagcutting ako hahaha !
Nagsimula na akong maglakad at paglingon ko ang daming nagkukumpulang tao sa may kanto at nagulat ako .
DAHIL NANDITO LANG NAMAN YUNG MGA KAKLASE KO AT ANG MALALA ...........
Naiyak si mama at papa habang kausap ang mga pulis
Lumapit ako at nakinig sa usapan nila
"SABIHIN NYO NAGSISISNUNGALING KAYO !" sigaw ni mama sa pulis habang hawak hawak sya ni papa
"Pasensya na po . Ito nga po pala yung gamit nya kami na pong bahalang maimbestiga sa aksidente" sabi ng pulis sabay bigay ng gamit kay mama . Napatulala ako at saka tumakbo papunta sa kumpol ng tao .Gusto kong maiyak sa nikikita ko .
NAKITA KO ANG SARILI KONG NALILIGO SA DUGO . Hiwalay ang kanang kamay ko sa aking katawan ganun din ang kanang paa ko . Napakarami kong pasa . Hindi ko na kaya . Kaya pala .
Minulat ko ang aking mata at pinagmasdan ang buong katawan ko . Naka puti akong dress at sa harapan ko naman ay may isang puting kabaong , sinilip ko ang kabaong at nakita ko ang sarili kong nakahiga doon .
Ngayon ko lang narealize ang ganda ko pala ? Hahaha
Muli akong humarap kila mama at nakita ko ang lungkot sa mga mata nila . Oo masakit sobra . Pero wala akong magagawa nangyari na ang nangyari eh . Di na pwedeng balikan ang oras na lumipas na .
Di ko man lang nasabi kila mama na mahal ko sila gayun din sa mga kaibigan ko .
Nakakatawa kung kelan eksaktong 15 y/o na ko tyaka pa nagkaganito ito siguro bday gift ng nasa itaas ang magkaganito ako pero wala akong magagawa ganun talaga .
Umalis na ko sa lugar na iyon at sinalubong ako ng nakakasilaw na liwanag na parang portal . Sa tingin ko kailangan ko ng magpaalam at sa huling pagkakataon , narinig ko boses ni mama
"Kung nasaan ka man ngayon anak , sana masaya ka na . Mahal na mahal ka namin ni papa mo . Kung makapunta ka ng langit bantayan mo kami huh ? Sana magsipag ka ngayon kasi tamad ka pa naman "
Napangiti ako sa sinabi ni mama . Mahal nya talaga ako . Lumapit ako sa kanya at bumulong
"Opo mama . Gagawin ko "
At lumakad na papasok sa liwanag . I guess tapos na talaga oras ko dito sa mundo . Babantayan ko na lang siguro yung mga kilala ko sa itaas . Wala na naman akong espasyo para dito dahil kaluluwa na lamang ako .
------END
AUTHOR'S NOTE !
may reader/s po ba ako ? comment naman kayo para po malaman ko . Sorry kung lame . First time eh . Kung napapangitan po kayo sa gawa ko , okay lang naman po . Sino ba namn ako para magreklamo right ?
-Alphie
YOU ARE READING
kaya pala
Mystery / Thrillerbakit hindi nila ako pinapansin ? may mali ba sa akin ? may nagawa ba ako ? maawa naman kayo pansinin nyo ko !