Dahil sa ayaw kong lumayo ang loob niya sa akin ay ako na lang ang tumahimik.
Pauwi na kami.buti na lang at mabait si Incheon at siya na lang ang naginsist na ihatid kami. Ayaw pa ngang sumama ni Jiro dahil daw pupunta pa siya ng Bar. Pero dahil mapilit si Incheon pumayag na lang siya dahil sasamahan naman siya pagkahatid samin..
Unang hinatid si Jen sa kanila.. at dahil gentleman si Incheon nagawa pa nitong pagbuksan ng pinto..nakita ko sa labas na naguusap sila.hindi ko naman marinig iyon dahil nakasarado ang mga bintana.
Isang katahimikan ang nabalot sa kotse na kung saan kami na lang ni Jiro ang naroon
" J..jiro?"
"Hmmm?"
"Pwede ba kitang makausap?"
"Go Ahead"
"Ahmmmm....g..gusto ko lang sana maibalik natin yung dati nating pagsasama. Hindi mo man naaalala ang dati. Sana pumayag ka na maging mas malapit tayo. Ok lang ba yun sayo??"
Hinahantay ko yung magiging sagot niya pero kahit anong letra wala kong narinig na nanggaling sakanya..halata naman na ayaw niya. Masakit sa pakiramdam pero kailangang tanggapin..siguro pagkababa ko sa sasakyang to dun na mageend ang lahat.
Pumasok na si Incheon sa loob at ako na ang next na ihahatid. Ang Awkward ng feeling medyo malayo pa naman ang bahay ni Jen mula samin kaya buong byahe akong nakatulala sa labas..
Ng makarating na kami sa bahay. Nagpasalamat ako kay Incheon. Ayokong tumingin sa kanya baka maiyak pa ko. Nasayang lang ang 5 years na paghihintay sa kanya.
Ng makalabas na ko ng sasakyan nagwave na lang ako. At dahil nasa harap ko si Jiro di maiiwasang mapatingin ako sa kanya. It is the last time na makikita ko siya .
"I'll think of it ,after 3 days you will know the answer"
0.0 Gulat akong napatingin sa kanya. Kala ko ba ito na yung last?? Pero thanks God may 3 days pang palugid. At may chance pang di masayang ang 5 years ko.
Masaya akong pumasok ng bahay at diretso na ko sa room ko. Alam kong dapat hindi ako maging masaya dahil hindi pa naman OO ang sagot niya.pero di ko talaga mapigilan ang tuwa. Buong gabi Goodvibes ako ..nagawa ko pa ngang tulungan magluto ang yaya namin eh.
Matutulog na sana ko ng may isang unknown number na tumatawag.
"0927******"
Accept"He.."
"I got your number from Jen. Tomorrow 10am meet me on Atlantis Park. Don't be late!"
End
Kilala ko yung boses niya kahit sa phone.. napangiti na lang ako ng maisip na nageffort pa talaga siyang hingin yung number ko kay Jen..waaahhh!!! (^//^) I'm so kilig!
Bago ako matulog hinanda ko na ang mga susuutin ko bukas. Siyempre Date ata yung pupuntahan ko. Wiiie
Dahil sa sobrang confused ko kung anong pipiliin mga 12 na ko nakatulog.
Isang Simple White Dress lang naman ang suot ko na may raffles sa waist na Blue ,partner nun yung fav. Dollshoes ko na Blue din. Gusto ko kasi na malinis akong tingnan pag nag meet kami tomorrow .
Sa sobra kong excited 6:00 ay gising na ko. Usually naman 7:30 ako nagigising.
Ilang oras din akong walang magawa ..bakit ba kasi ang aga kong magising eh..inaantok tuloy ako ~,~
Nang makita ko na Yung malaking kamay ay nasa 8:30 na ay nagumpisa na kong magayos..dapat kahit 15minutes before ay nandoon na ako.