CHAPTER 7:

7 1 0
                                    

Memory 3:

"Mimi magpalit ka ng damit mo. Sobrang Ikli kasi ng suot mo."

"Eh ginagaya ko lang naman momo yung suot ng ate mo. Ang ganda niya kasi eh"

"She's a lady now Mimi, and were young remember.? Mature ang style nila."

"Sorry Momo .....sige magpapalit muna ko. Wait ka lang dyan ah"

~xoxo~

Napakaingay pala sa loob ng bar. Katulad ng mga napapanuod ko sa TV. May mga taong nagsasayawan ng sobrang wild sa gitna kasabay ng masiglang kanta. Tapos may mga lights pa na ibat ibang kulay.

Napatingin ako sa mga parteng madidilim at di inaasahang makita ng mga mata ko na may dalawang tao na naghahalikan kaya umiwas ako

Sakto namang paglingon ko ay mukha ni Jiro ang nakita ko. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya dama ko ang hininga niya na amoy alak.

Halos magiisang oras na rin kaming nandito kaya malamang ay lasing na si Jiro sa dami ng alak na nainom niya

"Drink!" Sabay abot niya sa akin ng isang basong alak.

Kanina pa niya ko kinukulit na uminom pero tinatanggihan ko ito dahil never pa akong uminom

" Hindi ako umiinom Jiro." Pang limang ulit ko na ata itong nasabi sa kanya pero mayat maya inaalok niya parin ako. Halata na din sa tono ng boses niya ang pagkalasing

"Common..Isa lang naman hindi na mauulit pag ininom mo to"

Gusto ko itong tanggihan pero pagininom ko daw yon ay hindi na niya ko kukulitin.

"Fine" kinuha ko sa kanya ang baso ng alak. Sobrang pait nito at humahagod ang bawat parte ng katawan ko na madadaanan nito. Tinuloy tuloy ko na lang ang paginom para hindi ko na mailuwa pa.

Sabay sabay na naghiyawan ang mga kaibigan niya dahil sa ginawa ko. Tila tuwang tuwa sila na sa wakas ay nakainom na din ako.

Isang baso pa lang ang nainom ko pero hilong hilo na ako. Grabe pala ang epekto ng alak pag first time mong uminom.

Pagkatapos kong inumin yon ay sumandal na lang ako sa may couch dahil na rin sa naboboring ako at hilo.

Jiro POV

Naramdaman kong may biglang sumandal sa likod ko habang nagkakasayahan kami ng friends ko

Nakita ko si channel na tulog. Tss so stubborn ..

"Pre, I gotta go nakatulog na si channel eh"paalam ko sa kanila.

Binuhat ko na lang si channel para mailabas ng bar at isakay sa motor  ko, shit bakit ba kasi motor pa ang naisipan kong dalhin?? kaya ipinulupot ko na lang ang kamay niya sa katawan ko. Nahihilo na rin ako dahil sa tama ng alak. Pero pinilit kong magdrive ng ayos para lang makauwi.

When our in the middle of the highway muntikan ng malaglag si channel buti na lang napigilan ko. Muntikan pa nga kaming maaksidente dahil sa kulit niya. Kilitiin ba naman ako?


Doon kami dumiretso sa bahay namin. Pero hanggang ngayon ay tulog parin si channel kaya binuhat ko na lang siya papunta sa kwarto ko at hiniga sa kama.

Pumunta ko sa CR upang magpalit ng damit at makapaghilamos. Pagkalabas ko ay nakita ko agad si channel na nakahiga. Pilit kong pinipigilan ang sarili kong huwag tignan ang mga legs ni channel. Pero sobrang kinis ng mga ito. Lumapit ako at kinuha ang comforter para takpan ito,

nahiga na din ako sa tabi niya habang nakatalikod sa kanya.

"Goodnight"

Channel POV

Naramdaman kong may gumagalaw sa cheeks ko habang sarap na sarap akong matulog. Pilit ko itong inaalis pero ayaw tumigil

"ANO BA!" Sabay hampas ko sa kamay na gumagalaw ng pisngi ko.

"Ah.. Shit!" Narinig kong may nagsalita kaya napamulat na lang ako bigla

Mukha agad ni Jiro ang bumungad sa akin. Nakita kong Nakadantay pa ang mga paa ko sa mga paa niya kaya agad akong napatayo dahil sa awkward na position.

"Anong ginagawa ko dito??? 0.0" gulat na gulat kong sabi?

"Can't you remember? Pft" natatawa niyang tanong sa akin

Pilit kong inaalala ang mga nangyari" Nagiinuman kayo...... tapos uminom din ako?....... tapos nakatulog ata ako ??  Ahhhh.. oo nga pala" sabay kamot ko sa ulo

"And?"

"Meron pa ba?" Takang tanong ko


Nakita ko ang mga ngiti niyang nakakaloko "Of course!!! Can't you remember?! We kissed and were almost did that"












Authors Note

Sorry sa late update. Ang hirap kasing umisip ng bagong idadagdag sa story.  Gusto ko na ngang madaliin eh..

Comment kayo kung papahabain ko pa or hindi.. Thanks :)

Never I ever had a BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon