Sa pagdaan ng mga araw ay lalong naging close sila Des at Dilan. Laging sweet si Dilan kay Des pero wala lang kay Des yun lalo pa at alam niyang babaero ito.
"Anak! Bakit nangingiti ngiti ka dyang mag-isa?" sabi ng daddy ni Dilan.
"Kasi dad ang cute niya eh." sagot naman ni Dilan.
"Hahaha! Panibago uli?" tawang tawang sabi ng daddy niya.
"Dad did you ever feel na pag tumingin ka sa babaeng espesyal sa'yo eh napapangiti ka nalang at nawawala yung problema mo? 'Yung tipong maiinspire ka talagang mag-aral pag ninakawan mo siya ng tingin!"
"Yup! To your mom, pero may pamilya na ako at mahal ko din sila kaya hindi ko maipaglaban ang mommy mo, kaya ikaw nalang ang naipaglalaban ko." with feelings na sabi ng daddy ni Dilan.
Kahit papano ay unti unti ng nalinawan si Dilan sa kanyang nararamdaman tunkol kay Des. Kaya may gagawin siyang isang desisyon na lalong lilinaw sa nararamdaman niya.
"Jane, kapag ba gusto ko ng lumaya. Will you let me go?" seryosong tanong ni Dilan sa isa niyang girlfriend na si Jane.
"If I can. Why not diba? Eh kesa namang pinaniniwala ko ang sarili ko na mahal mo ko" mabilis na sagot ni Jane.
"I tried! Alam mo yan! Pero hindi ko talaga kaya. It's all my fault. I courted you kahit na alam kong wala akong feelings para sa'yo and lumalapit lang ako sa'yo if I need you. I'm sorry Jane. I'm so freaking stupid!"
Agad na hinawakan ni Jane ang kamay niya tapos niyakap siya at sinabing "I have lots of good memories with you. I can... let you go Dilan." pinunasan ang luhang tumutulo sa mga mata niya.
Tiningnan muna ni Dilan si Jane sa mga mata nito bago sumagot "Thank you! Thank you! I also have good memories with you. Thank you Jane."
Habang nag-uusap sina Dilan at Jane tungkol sa break-up nila ay nanunuod sina Des, Bea at Carrissa ng biglang may lumapit na babae kay Des "Ikaw ba si Des?"
"Yup. Bakit?"
"I'm Crissy, long time girlfriend ni Dilan. Gusto sana kitang makausap eh."
"Ahhh. About saan naman?"
"I heard kasi na ikaw ang next victim niya. You know he's very playful but I still love him. At ayokong mapaglaruan ka lang niya."
"Crissy, alam mo mali ka. Magkaibigan lang kami ni Dilan at isa pa hindi ko siya sasagutin dahil alam ko na ang mangyayari sakin. Kaya don't worry hindi ko din naman siya gusto." nakuha pang ngumiti ni Des kay Crissy.
Sa classroom:
Des' POV
Pinanggigigilan nila Carrissa at Bea si Dilan habang kausap nila si Des.
"Grabe talaga yang Dilan na yan! Babaero talaga" gigil ni Bea
"Oo nga eh pero hindi naman talaga siya nanliligaw eh." sabi ko. Para mapakalma tong mga kaibigan ko.
"Eh kahit na! Iwasan mo na nga siya Des! Baka mamaya may lumapit nanamang babae sa'yo!" isa pang banat nitong si Carrissa! Grabe naman concern na concern talaga 'tong mga toh.
"Okay. Hahaha! Lalaki lang naman yan. Hindi ko kailangan yan!" Oh ayan! Tama na kayong dalawa ha!
"Oh oh si Dilan papalit oh! Ayyyy! Goodluck Des!" si Bea. Ewan ko kung nang-aasar ba 'toh eh. At aba! Lumayo ang dalawa!
"Hi Des Bebe!" si Dilan. Hmp! Manigas ka dyan! Malandi! Sundan ko na nga lang sila Bea at Carrissa!
"Bebe pahiram ng notebook ah! Salamat!" siya ulit. Ano ba yan! Hindi mo ba ako titigilan malandi ka! Akin na nga yang notebook ko. Hmp! Bwisit toh!
"Carrissa! Tara C.R tayo!" sabi ko para makaiwas dito sa lalaking to. Che! Diyan ka! Manigas ka!
"Grabe ah! Hindi mo naman talaga pinansin yang bebe mo! Hahaha!" loka tong Carrissa ah! Sabi niyo iwasan ko na! Tapos ngayong umiiwas na ako aasarin niyo ako!
"Ay naglolokohan tayo noh? Sabi niyo iwasan ko!"
"Eh kahit na! If I know gustong-gusto mo siyang pansinin kanina! Hahaha!" Isa pa tong si Bea. Oo na! Kaya ko nga kayo niyayang mag C.R para makaiwas!
"Ewan ko sainyong dalawa!" sabi ko at nagkibit-balikat!
Comment comment din! :D Kung sino una magcomment sakanya ko idededicate 'tong chapter 3! :))
BINABASA MO ANG
Mister Playboy Meets Miss Karma
RomanceAlam nating lahat na ang playboy ay malandi, at maraming chiks. Mapaglaro sa pag-ibig at hindi makuntento sa isa. Yan si Dilan Montemayor na may tatlong girlfriends. Pero paanu kaya kung mainlove siya? Anong mga gagawin niya para patunayan sa babaen...