Dilan’s POV
"Ako si Dilan Montemayor! Babaero ako kasi gwapo at mayaman ako pero ang kaso anak ako sa labas ng daddy ko na may pagkababaero din! First day ng zoology lab namin yun ng maigroups kami into six. Sila Des, Jessica, Carrissa, Mikael at Bea. Second year college na ako at first semester pa lang iyon. Hindi pa ako masyadong komportable sa groupmates ko noon kaya nagpunta ako sa isa kong girlfriend. Yup isa ko pang girlfriend! Si Jane ang number 1 sa dean’s list. Maganda na matalino pa siya pero dahil lagi siyang busy sa pag-aaral ay mayroon pa akong number 2 si Crissy iyon, maganda at matalino din siya plus matangkad pa at mayaman! Sa katunayan ay girlfriend ko na siya noong 4th year high school palang kami pero on and off ang relasyon namin kasi mahilig siyang sumali sa context ng quiz bee, dance contest pati singing contest! May pang number 3 pa ako, siya si Lyra. Sexy, hot at pageant expert dahil lagi siyang sumasali sa mga pageants pero spoiled siya at gusto niya dapat nasa kanya ang lahat ng oras at atensyon ko."
Masaya na si Dilan kay Crissy noon ngunit parang mayroong kulang. Kaya noong magfirstyear college si Dilan ay nakilala niya si Jane na lagi siyang tinutulungan sa lahat ng subjects niya pero nung naging sila na ay naboboring na si Dilan sakanya at lumalapit nalang pag may kailangan. Nung summer naman ay nakilala ni Dilan si Lyra sa pageant dahil isa ang kanyang mommy sa mga judge kaya nakilala niya agad si Lyra at niligawan pero hindi pa sila nagtatagal ay nairita naagad si Dilan kay Lyra dahil spoiled ito at matampuhin.
Nagkaroon ng group assignment sa zoology lab noon na idrawing ang microscope at tukuyin kung sinu sino ang mga nakaimbento dito. Kinuha ng leader na si Des ang number nila kaya naman naisipan ni Dilan na kunin na rin ang number ni Des.
Naglalaro ng dota si Dilan ng biglang maboring at naisipan niyang itext si Des para maitanong kung may maitutulong ba siya sa group assignment nila. "Hi Des! Si Dilan 'to. Gusto ko kasing tumulong sa pagreresearch. Ano bang pwede kong maitulong?"
Nagreply naman agad si Des. "Magresearch ka ng 3 inventors ng microscope. Yun lang naman. Hehe. Thank you!"
May naitulong naman si Dilan sa research at naboring siya uli kaya tinanong niya kung taga saang lugar galing si Des, ngunit hindi nagreply si Des kaya naisipan niyang itanong kung saan ito naggraduate ng high school, hindi nanaman nagreply ang dalaga. Hindi pa rin siya sumusuko kaya tinext niya uli kung anong trabaho ng parents ni Des. Kung anu ano pang itinext niya pero hindi siya nireplayan ni Des. Kaya naman kinabukasan ay hindi niya pinansin si Des at hindi rin naman siya pinansin nito. Naisip tuloy ni Dilan na snob si Des, si Des naman napgkamalang usisero si Dilan.
LIKE, COMMENT, SHARE and VOTE!
Guys Comment! Comment! Comment din pag may time. Open ako sa mga comments (Kahit negative comments). Baka kasi naboboringan kayo. Para lalo ko pang mapaganda ang story. :)) Thank you! :**
BINABASA MO ANG
Mister Playboy Meets Miss Karma
RomanceAlam nating lahat na ang playboy ay malandi, at maraming chiks. Mapaglaro sa pag-ibig at hindi makuntento sa isa. Yan si Dilan Montemayor na may tatlong girlfriends. Pero paanu kaya kung mainlove siya? Anong mga gagawin niya para patunayan sa babaen...