PROLOGUE

41 1 0
                                    


"Cass, kahit anong mangyari, wag na wag kang lalabas dito at wag kang mag iingay. Do you understand?" sabi ni Mama at tumango naman ako

Nandito kami sa likod ng isang puno. Hindi ko alam kung anong ginagawa namin dito pero ang alam ko lang ay may mga nakaitim na lalaki na humahabol sa amin.

"Ma, bakit po nila tayo hinahabol? At sino po sila?"

"Sa ngayon anak, hindi mo maiintindihan pero balang araw, maiintindihan mo rin." sabi ni Mama at ngumiti siya sakin

May inilabas si Mama na isang baril sa kanyang bag at ikinasa ito. Bumaling siya sakin at ngumiti siya. Niyakap niya ako at hinagkan sa aking noo.

"Ma, bakit po kayo may baril?" tanong ko sa kanya

"For protection." sabi niya

"Saan naman po?"

Ngumiti ulit sakin si Mama at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Someday baby, malalaman mo rin. Sa ngayon, I want you to close your eyes and cover your ears." ginawa ko naman ang sinabi ni Mama

Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Bakit may mga humahabol samin? Bakit siya may hawak na baril at anong protection ang sinasabi niya? Ang gulo!

Naramdaman ko na lang ang pagtayo ni Mama at pag alis niya.

After a minute, nakarinig ako ng mga putok ng baril. Sunud sunod at walang tigil. Kahit na nakatakip ang mga kamay ko sa aking tenga, ay rinig na rinig ko pa rin ang putok ng baril at mga pagsabog.

Mga ilang sandali lang ay tumigil ang mga putok ng baril at pagsabog. Idinilat ko ang aking mga mata at tinanggal ko ang pagkakatakip ng dalawa kong kamay sa aking tenga. Tumayo ako at lumabas sa aking pinagtataguan.

"Ma, nasaan na po kayo?" pero walang sumagot kaya inulit ko

Nagsisimula na akong umiyak.

"M-ma! Where are you?!" napasigaw na ako

"I-im h-here b-baby." hinanap ko kung saan nanggaling yun at nakita ko si Mama na nakahandusay na at puro dugo

"Mommy! Bakit ang dami niyo pong dugo? What happened? Mommy?" sabi ko habang umiiyak

Kahit hirap na hirap na si Mommy ay pinilit niya pa ring ngumiti at magsalita. Hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan niya ako.

"K-kamukhang kamukha mo a-ang Ama mo. Sayang nga lang a-at hindi k-ko na masasaksihan ang p-pagdadalaga mo." at umubo siya ng dugo

"Don't die Mommy! We'll call ambulance!" and I hug her tightly

"N-no need. M-malapit na rin naman akong m-mamatay." ngumiti ulit siya at unti unting pumipikit aang kanyang mga mata

"No! Mommy wake up! Please! Don't leave me!" at humagulgol na ako sa iyak habang yakap yakap ko si Mommy

"Cassandra let's go." tumingala ako at nakita ko si Daddy at Kuya

"Daddy, si Mommy." at niyakap ako ni Daddy pati na rin ni Kuya

"Sshh baby. I know pero wala na tayong magagawa." mas lalo akong napaiyak at yumakap kay Daddy

"Dad, we need to go bago pa nila tayo makita." sabi ni Kuya

"Yeah, we need to go. Ikaw bahala sa kapatid mo, akong bahala sa Mommy mo."

Binuhat ako ni Kuya habang umiiyak pa rin. Mga ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng antok at nakatulog.

***************
A/N:

Whoo! First a/n ko to! Hope you like this!! ^_^

The Mute EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon