EMPRESS # 1

31 1 0
                                    

Cassie's POV

"Welcome back in the Philippines, Ms. Cassandra and Mr. Alexander." yumuko sila sa amin at iginiya naman nila kami sa kotse

Tumigil ako sa paglalakad at tumigil din sila sa paglalakad.
Iginala ko ang mga mata ko sa paligid.

Matagal tagal na rin pala akong nawala dito. 10 years, I think? Dito, sa bansang ito, dito ako ipinanganak at dito rin nangyari ang pangyayaring iyon na kailanman hindi ko makakalimutan.

"Is everything alright, Ms. Cassandra?" ngumiti ako sa kanila at tumango

Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad at sumakay sa kotse.

Habang nasa kotse, magpapakilala muna ako. I'm Cassandra Steffannie Abueva-Fortalejo, but I prefer Cassie (Ka-si). 16 years old, 4th year high school. Ewan ko ba kung bakit ngayon pa ako pinauwi ni Dad kung kailan naman graduating na ako. Hay, minsan talaga magulo yun si Dad. My parent's name are Charles Fortalejo and Vicky Abueva-Fortalejo who died when I was just 6 years old. After that incident, madalang na lang akong magsalita. Sa isang linggo, siguro mga 15 words or less ang nasasabi ko. Nagkaroon ako ng trauma. Then, my older brother's name is Alexander Stephen Abueva-Fortalejo. He's 23. Our mother gave us birth here and we also grew up here, but beacause of what happened ten years ago, we left. Sa Japan kami nag stay ni Kuya at nagpaiwan dito si Dad because of some business. Hay, ang haba! Enough na nga!

Nabalik na lang ako sa huwisyo ng hawakan ni Kuya ang kamay ko.

"Are you alright, my dear Empress?" ngumiti ako at tumango

"You should speak more, Sis." tumingin ako sa kanya at umiling

"Why?"

"Tungkol pa rin ba dun?" hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at tumingin ng seryoso sakin

"Cass, matagal na yun. Ibaon na lang natin yun sa limot." umiling ako at ngumiti siya

"Halika nga dito." niyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko rin siya ng mahigpit

"Kung hindi ka lang ang Empress, binatukan na kita." napangiti na lang ako

He's really scared of me. I'm always reminding him na I will not harm or hurt him but he will said, "I don't trust your words, Sis." and then I will chuckled.

Huminto na ang sasakyan sa tapat ng Mansion. Sa sobrang daldal ko sa isip ko, di ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng Mansyon.

Pagkababa ko ng kotse ay napatitig ako sa Mansion at napangiti. Oh, how I miss our Mansion. Ang dami kong memories dito.

"Shall we?" inilahad ni Kuya ang kamay niya at tinanggap ko naman iyon

"Welcome back, Masters." sabi ng mga Maid at ng mga Butlers namin

"Well, it's good to be back."

"So, how's in Japan?" napatingin kami ni Kuya sa Matandang lalaking bumababa ng hagdan

Oh, how I missed him.

"Dad!" sabi ni Kuya at nauna ng yumakap kay Dad

Nagyakapan sila na halatang Miss na Miss nila ang isa't isa.

"How about my Princess?" at ako naman ang yumakap kay Dad

"Inaalagaan mo bang mabuti itong kapatid mo, Alexander?"

"Opo naman Dad! And Dad, Alex na lang o kaya Xander. Wag naman buo." napangiti na lang ako sa reaction ni Kuya

"How about you Cassandra? Are you doing well?"

"Yeah." at ngumiti ako

"Good! Gusto niya ba munang kumain?" at nagkatinginan kami ni Kuya at sabay nag grin

Pagdating kasi sa pagkain, magkasundong magkasundo kami ni Kuya.

"Haha!! I knew that look." at iginiya kami ni Dad sa mahabang lamesa

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa kwarto namin.

Pagkapasok ko sa kwarto ay wala pa rin itong pinagbago. Pinasabi ko kasi na wag nilang aalisin ang mga Spongebob toys ko.

Pumasok na lang ako ng banyo at nagbabad sa Bathtub.

Pagkatapos ko ay nahiga na agad ako.

*tok. tok. tok*

Tumingin ako sa may pinto and I saw my dad smiling at me and I smiled back.

Umupo ako sa kama at tumabi naman sakin si Dad.

Hinawakan niya ang buhok ko at hinalikan niya ito. Tinitigan ako ni Dad nang matagal at saka ngumiti ng mapait.

"You really looked like your Mother. Sayang nga lang at hindi ka na niya nakikita ngayon." bigla na lang tumulo ang luha ni Dad

"Don't worry, I will do everything just to protect you and your brother."

"You don't need to do that, I can take care of myself." sabi ko sa kanya at ngumiti

Pinunasan niya ang mga luha niya at ngumiti rin siya sa akin.

"Big girl ka na talaga! But remember, do not let anyone know your real identity, okay?" tumango naman ako at hinalikan niya ang noo ko

"Good night. Tomorrow is your first day. Don't forget that." nahiga na ako at natulog

*Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz*

************
A/N:

Kung may mga wrong grammars po, pagpasensyahan niyo na lang po. Trying hard mag english kasi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mute EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon