6

585 5 0
                                    

Sir, you want coffee, tea or me

Part 6

By: kevein/kharl

Bumalik sa alaala ni jeff na may mga pasa pala si drake dahil sa kagagawan ni andrew. Nakita niyang namamaga na nga ito. Dahil hindi na naagapan ng yelo ang mga galos nito.

Naalala nalang niya dahil sa sinabi ng ina ni drake.

"Oo... nga pala drake, patingin sa mukha mo. patay nangangapal na iyang pasa mo. Bakit kasi hindi mo nilalagyan ng yelo iyan. Para hindi mamaga." Hinawakan ni jeff ang sugat ni drake sabay tapik sa sugat na nasa bibig.

"Arrraaayyy ko naman ang sakit na nga at namaga na tinapik mo pa." Pilipit sa sakit si andrew.

"Ang O.A mo talaga para kang hindi astigin ah. Ang liit lang kaya niyan. Hindi pa yan aabot sa bituka nuh." Jeff.

"Grabe ka naman ikaw pa nga itong tinulungan sa lalaking yun."

"Oooopppssss... hindi ko sinabing na tulungan mo ako."

"Ayyy sorry. I forgot."

"Iyan ang napala mo pinaalis na nga kita sana kanina, ikaw hindi pa din umalis."

"So kasalanan ko pa ngayon."

"Kunti lang."

"Sana nga man lang magpasalamat ka nalang sa akin."

"Bakit naman."

"Kasi kung umalis ako baka sinaktan ka pa niya ng husto."

"Kung mahal niya ako talaga hindi niya ako magawang saktan ng subra."

"Paano kong hindi ka niya mahal talaga at saktan ka nga niya."

"Ehhh di tatawagin kita."

"Paano kong hindi ako pupunta para tulungan ka."

"Ibig sabihin nun hindi mo ako MAHAL." Jeff, mahinang pagkasabi niya.

"Ano hindi ko nadinig. Ang hina kasi ng boses mo eh. Pakiulit nga yung sinabi mo."

"Ahhh wala yun, ang sabi ko lang."

"Bingi mo. Gwapo ka pa naman."

"Gwapo ako. Jeff."

"Oo."

"Gwapo talaga ako."

"Paulit-ulit.. paulit-ulit.. hindi ikaw, siya.. siya.. siya iyang pintuan na iyan." Sabay turo sa pinto.

"Parang hindi iyon ang pandinig ko eh."

"Mahal man ata iyong nadinig ko. So mahal mo pa nga siya."

"Hindi ko na nga mahal iyong lalaking yun."

"Mahal mo pa siya."

"Hindi na nga."

"Ehhhh sos... aminin mo na mahal mo pa nga siya."

"Ang kulit." Jeff.

"At bakit naman." Ani drake.

"Hindi na kasi kapag ako ang masaktan sa minahal ko. Kung ayaw ko na, Ayaw ko na talaga. Bakit pa naman ako magpakatangang mahalin siya na hindi naman talaga ako ang minahal niya."

"Alam mo jeff ikaw ang O.A.."

"Bakit naman naging O.A ako eber."

"Nakahain na, tinapon mo pa."

"Anong ibig sabihin nun."

"Tinulungan na kita dahil sinasaktan ka na nga pinaalis mo pa ako so ibig sabihin mahal mo pa nga siya."

"Hindi ko na nga siya mahal kasi may mahal na akong iba nuh. Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo ko." Jeff.

"Ahhh may bago baka mo. sino naman iyon."

"Secret..."

"Sino nga.." drake, sabay umalis kinuha ang softdrink at binuksan ito. "AKO." dagdag pa nito sa mahinang pagkasabi.

"May sinabi ka." Jeff.

"Ahhh..wala sabi ko lang inumin mo na to mainit pa." Ani drake.

"Tangi... may mainit ba na softdrinks."

"I mean yung tinapay ang ibig kong sabihing mainit."

"How come softdrinks pa nga ang binigay mo sa akin. May iniisip ka ba."

"Wala naman bakit." Kinabahan si drake.

"Namumutla ka." Jeff.

"Namumutla ka dyan." Sabay hawak sa mukha.

"Hahaha." Jeff. "Hindi nga meron eh ano yun." Dagdag pa niya.

"Wala nga."

"Sabihin mo na."

"Gamutin mo lang ang sugat ko. Di ba iyan naman ang pinunta natin dito sa bahay. kasi humahapdi na talaga ang sugat sa bibig ko." pagsisinungaling ni drake.

Itutuloy.....

sir, you want coffee, tea or me season 1 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon