8

330 5 0
                                    

Sir, you want coffee, tea or me

Part 8

By : kevein /kharl

Dahil nga sa gustong malaman ni drake kong ano ang kwento ng buhay sa pagitan ni jeff at andrew. Kong paano nabubuo ang kanilang pag-iibigan at paano din ito dumating sa paghihiwalayan ang dalawa, bakit nasabi ni jeff na hinding-hindi na nga niya ito mamahalin pa. Bakit parang malaki ang galit ni jeff sa nagawa ni andrew.

Nakaupo parin sila sa sofa ng ginamot si drake ni jeff ang mga sugat nito.

"Magsalita ka naman dyan jeff." Ani drake.

"Gusto mo talagang malaman ang nangyayari kong bakit kami humantong sa paghihiwalay."

"Kanina pa ako naghihintay sa kwento mo."

"Excited... me ganun." Ani jeff.

"Oo... kwento sa iba yun eh.. hindi sa akin." Ani drake.

"Ganito kasi yun drake." Jeff.

"Bilisan mo tumatakbo ang oras."

"Ano itong kwento ko sabay sa takbo ng orasan."

"Ang dami mong satsat. sige na nga."

"Oh ito na. Wuhhh mmmmm.. huwag mo akong pagtawanan pagkatapos." Kinabahan.

"Hahhahahaha." Ani drake pang-asar na tawa.

"Hindi pa nga ako nagsisimula tumatawa ka na."

"Eh sorry... sinong hindi matatawa sayo. Ano to singing contest sa the voice, pgt o showtime para kabahan ka. Makakwentuhan mo lang ang gwapo sa harap mo. Kabahan ka na, ano na kaya kong mas gwapo pa ako ano mahihimatay ka na siguro. Hahaha." Drake nakangiti.

"Eewwww... ang hambog mo. Hindi ka gwapo nuh."

"Nacucutan ka lang sa akin kaya naiinlove ka."

"Oo." Diretsong sagot ni jeff.

"Ano yun narinig ko ang sagot mo."

"Hah wala iyon nabigla lang ako dun."

"Ehh sos. Inlove ka sa akin."

"Wala nga."

"Inlove."

"Sinabing wala nga ang tigas. Makaalis na nga." Sabay tayo si jeff ng biglang hinawakan ni drake ang braso niya at napatingin siya nito.

"Huwag kang umalis binibiro lang kita. Promise hindi na kita kukulitin pa. Basta ekwento mo na ang tungkol sa inyo ni andrew."

Hindi na nga naka alis si jeff ng maramdaman niya ang palad ni drake sa braso niya. Parang gusto niyang umalis na talaga pero hindi niya magawa dahil parang nilagyan iyon ng majika para hindi siya makaalis sa tabi ni drake.

Tiningnan ni jeff sa mukha si drake nakita niyang para itong maamong cute na tota na gustong makasama siya.

"Ano ba ito love na ba itong nararamdaman ko para sa lalaking to." Ani jeff sa isip.

Pinaupo si jeff ni drake at napasunod naman ito. Kaya pinapatuloy nalang niya ang kwento nila andrew.

"Nangyari ang tungkol sa amin ni andrew sa araw iyon ng 2nd monthsary sana namin ng lalaking una kong minahal noon at unang lalaki din na binigay ko kahit ang katawan ko."

"Sino siya."

"Ang pangalan niya KHARL DAYO."

"Pero saan na siya ngayon. May mahal ba siyang iba. Naghiwalay kayo kaya naging kayo ni andrew." Ani drake.

"Hindi kami naghiwalay, nag-usap, o nagkasama bago siya nawala, nawala lang siya ng bigla kahit text man o tawag niya wala akong natanggap. kong makikipaghiwalay man siya sa akin. Hindi rin siya dumating sa tagpuan namin." Napaluha si jeff sa kwento niya tungkol kay kharl, kaya. "Huwag nalang si kharl ang ating pag-uusapan malulungkot lang ako pag siya ating pagusapan kay andrew nalang. Drake." Dagdag ni jeff.

------

*(FLASHBACK)*

PART 9

ANDREW LIM

Itutuloy....

sir, you want coffee, tea or me season 1 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon