"JM! Wait! Naninigas na yung paa ko sa kakaikot natin oh" pag rereklamo ni Marg.
"Oo wait lang. Alam ko kase dito ko nahulog yung flash drive na may report natin eh." Paikot ikot na ako sa may Freedom Park. Dito kase kami huling tumambay kasama nila Ringo. Sa lahat naman kase nang pwedeng mawala. Yun pang para sa report namin! Lagot ako nito sa prof naming kamukha ni Elmer. Cinco na naman ako!
Dumiretsyo kami ni Marg sa tamabayan, medyo tago siya pero kadugtong din ng park. Pababa na kase ito at bangin na rin ang dulo. Syempre gusto namin ng fun, kaya kahit bawal dun parin kami.
Malawak ang Freedom Park namin. Tambayan talaga siya ng mga magtotropa o kaya kung gusto mo lang magchill. Sa bandang left side may makikita kang ruin dun. Historical Place yun sa school. aside dun maraming nakapaligid na rose bushes dun kaya medyo delikado. Yun yung lugar namin sa freedom Park na 'Take at your own risk' ikanila. Tinatawag din nila tong Fallen Babylon. Pag dating niyo dun, may makikita kayong dry wood na naka patong sa lupang tinatapakn namin at sanga ng patay na puno. malaki siyang pagka dry wood yung tipong parang isang buong puno natumba. parang bridge siya pero yung kabilang dulo nito sanga na ng puno. Pag tumingin ka sa baba makikita mo yung Bushes ng rose na nakapaligid dito. Hindi siya ganun kataas, siguro mga 7 feet below the ground sya. Makipot yung pwesto ng mga rose kase maliit na tipak din ng bato ang tinatayuan nito tapos bangin na siya. Parang nawasak yung itsura pero pwede pang babaan kaso delikado sya at puro tinik na.
"Marg! ayun! yung drive nakita ko na!" pagmamadali kong tawag.
"Ha! Asan?" lumapit si Marg sa kinatatayuan ko na malapit sa inuupuan namin.
"Ayun! nasa baba!" Masayang pagsabi ko. Pero may isa na naman kaming problema. Pano ko makukuha yun sa baba. Nako, lagot na neto. No choice.
"Patay ka neto JM. Pano mo kukunin yan? Alam mo, Pagkinuha mo yan. Una, masasaktan ka lang pangalawa, masasaktan ka lang at pangatlo, masasaktan ka lang!!" pag tatarantang sabi sakin ni marg.
"Kelan ka ba titigil sa masasaktan kalang? tumigil ka nga! tulungan mo na lang akong mag isip dito ng paraan kesa magdadrama ka dyan!" pagka inis na sabi ko.
Naalala ko, may pababa na daan pala dito, hindi siya ganun ka safe pero pwede na. dito kase dumaan sila vince (ex ni marg, at oo siya ang dahilan kung bakit todo kung humugot siya) nung kumuha sila ng rose para sa nililigawan nila. Ewan ko ba kung bakit tong mga tropa ko sobrang kuripot. Hayyss
"Marg, wait ka lang dito." pagmamadali kong sabi sa kanya.
Pumunta ako sa gilid at dahan dahang tinantsya yung pag hakbang ko.
Hindi ko na alam mararamdaman ko, magkahalong takot yung at determination. Ibat ibang stage of fear na yung bumabalot sa katawan ko. Pero I need to be determined, para to sa halimaw naming prof, ayoko naman kaseng madisappoint yung mga kagrupo ko at lalo na sila mama.
"JM! are you out of your mind? umakyat ka na dito! baka mahulog ka pa dyan! Jaimie!!" she run after me and tried to reach for my hand but its too late. Nakababa na ko.
Bakit ganito? bat lalong lumamig?
Pinulupot ko yung jacket ko sa katawan ko at dumiretsyo ako sa tapat ng puno malapit. Dahan dahan akong naglakad, pero bakit ganun ang bigat ng pakiramdam ko.
Feeling ko may nakatingin sakin. Oh Great! wala naman sigurong multo dito.
Nagmadali akong pumunta dun, Nakita ko na yung Drive pero out of reach ko sya. Nasa ilalaim siya ng dead bush pero ang talas pa ng thorns. When I tried to reach it biglang may malamig na hangin na umihip sa leeg ko. Napalingon ako.
WOW!
Napahinto ako at titig.
Kitang kita yung buong greenfields from down here. Para siyang isang malaking Painting. Trees came from different colors. lakes are visible from different direction. May nakikita pa nga akong water fall. God is really a Great artist. Sa tinagal ko dito, di pa ko nakakita ng ganitong view. So much perfection. Nakakawala ng Stress pero I wonder, Bakit hindi namin makita to from above? diba dapat mas maganda nga ang view pag sa taas. Siguro dahil sa malaking punong nakaharang pero hindi eh, Hindi naman siya natatakpan.
Bigla akong kinabahan. Hindi ko maintindihan pero na hiwagaan ako sa lugar na to.
Napahawak na lang ako sa dibdib ko.
"JM! hey! ano ng nangyayare sayo dyan. are you okay?" Pagsigaw na tawag sakin ni Marg na nag aalala from above.
Nagulat ako sa kanya kaya naalala ko yung Flash Drive.
"Yes Im fine! kukunin kona lang to." I shouted back.
I turned around and tried to reach it. Dahan dahan kong inabot yung drive para di ako masugatan nang biglang naramdaman ko ang pagpulupot sakin ng sanga. Wala naman akong nakikitang pumupulupot sa kamay ko pero nararamdaman ko ang pag higpit nito. Bigla akong nataranta, winagwag ko ang aking kamay pero mas lalong humigpit ito. Gusto ko sana humingi ng tulong kaso ayokong mapahamak pa si Marg dito. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kaya kahit ganun, pinilit kong abutin yung drive. Nang nakuha ko na siya, pinipilit kong ilabas ang kamay ko pero bigla akong may naramdaman ng pag kirot malapit sa pulso ko. Yung pakiramdam na tinutusukan ka ng malaking karayom ngunit wala ka namang nakikitang nangyayari.
"JM! Ano ng nangyayari sayo diyan? Bat ang tagal mo!?" Pag aalalang sigaw ni Marg.
Pagkarinig ko kay Marg. Hinatak ko na ang kamay ko ng todo. Naalis siya dun at agad naman akong umakyat ng hindi lumilingon. Nagpapanik na ko deep inside pero ayokong mahalata to ni Marg. Paranoid pa naman siya.
Nang naka akyat na ko, dun na ako nakahinga ng maluwag. napa upo na lang ako sa sobrang takot ko at pumikit.
"Okay ka lang ba? Bat namumutla ka yata? Anong nangyayari sayo?" Pagpapanik na tanong niya sakin.
"Wala, napagod lang akong umakyat. Yun lang yun" Pagtanggi ko.
"Kung ganun, tumayo ka na diyan at si Mr. Valdez na next prof natin. Nakuha mo na ba yung Drive?" inalalayan niya akong tumayo.
"Ah, ito oh." inabot ko sa kanya yung drive.
"Anong nangyari diyan sa Long sleeve mo?" Hinawakan niya ang braso ko habang tinititigan yung mga sira at butas neto.
Hinatak ko sa kanya ang kamay ko at tinago.
"Ah... Sumabit lang siya siguro kanina" sagot ko.
Hinatak ko na lang siya palayo at bumalik na kami sa klase.

BINABASA MO ANG
EQUINOX
Teen FictionJaimie thought that the only thing that make her heart skip a beat is through ballet. She thought that life will never be complicated until Simon came and made her life a living roller coaster. Gregg will do everything to protect her for its his des...