Sulat .....
Sa isang sulat ko nilalagay ang lahat. Lahat ng gusto kong sabihin. Lahat ng gusto kong gawin. Lahat ng nararamdaman ko. Basta lahat ng emosyon ko, sa isang sulat ko ibinubuhos lahat. Hindi na kasi ako nagtitiwala sa isang tao. Dahil hindi lahat ng pinapakita ng isang tao sa iyo ay totoo. Kadalasan puro kasinungalingan at bilang na lang ang katotohanan.
Malaking Bote ...
Diyan ko nilalagay lahat. Diyan ko naiipon lahat ng sulat na nagagawa ko. Hanggang sa di ko napansin na nangalahati na. Na dumadami na.
Lakas ng loob ...
Yan ang wala ako. Di ko man lang naibigay sayo yung pinaghirapan ko hanggang sa huling araw. Hindi ko alam kung paano ko pa maibibigay sayo ito. Sino kaya ang makakabasa nito? Mababasa mo kaya ito? Ano na kayang mangyayari sa ...... (Itutuloy)
BINABASA MO ANG
Unread Messages
Randomthis is full of unread messages. Unread messages of her to a special someone. Special someone that she don't know.