Mr. Panira

102 7 7
                                    

Aliya Kate's POV

Kinakabahan ako na ewan sa bago kong School ngayon.

Tinignan ko si kuya sa tabi ko at parang wala lang sakanya cool na cool lang niyang nginunguya yung bubblegum niya.

Huminto na yung kotse namin kaya napatingin nalang ako sa bintana 'VerFord University' maganda at malaki yung School wala rin namang pinagkaiba sa dati naming School ni kuya.

"Wala ka bang balak bumaba?"

Haysst! Bumaba na ako dahil nagsusungit na naman yung kuya ko. Nakabukas na nga pala yung pinto nung kotse hindi ko namalayan.

Sunod na bumaba si kuya at tinapon yung bubblegum niya Ewww!!

Pumasok na kami sa School.

Malamang pinagtitinginan kami ng ibang studyante dito dahil bagong lipat lang kami.

"Bye kuya."

Paalam ko kay kuya

Hindi lang niya ako kinibo

Yung totoo?

Parehas ba kami ng kuya kong meron ngayon?

-___-

Bahala nga siya

Naglakad nalang ako kahit na hindi ko sigurado kung saan ba ako pupunta

"Ms. Aliya Zafra, right?"

Tanong nung matandang biglang sumulpot sa harap ko.

"Opo"

Magalang kong sagot

"Tara sa classroom mo ."

Wala na akong sinabi at sinundan ko nalang siya sa paglalakad habang nililibot ko yung tingin ko.

"Nandito na tayo."

Sabi niya sabay turo dito sa room na tapat namin. Shocks! Kinakabahan akoo! Mama! T_T

"Halika na? Pasok na tayo."

Sabi niya saka kinatok yung pinto. Buti naka-aircon din dito.

Nagbukas na yung pinto tapos pumasok na kami.

Grabi ang daming matang nakatingin sakin. Ano naman kayang iniisip nila? Huhu T_T

"Good morning class! She is your new classmate. She's going to study here so please be nice to her."

Sabi nung matandang babae. Malamang! Ano ba gagawin ko dito? Magtuturo ako?

"Hi my name is Ali---"

Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil may kakapasok na lalaki sa room at nagsalita.

"Sorry I'm late."

So ganon? Hindi man lang ba siya mag papasorry sa ginawa niyang paninira sa pagpapakilala ko?

Ilang beses ko kayang pinagpraktisan yon!!

"Okay you can take your sit"

Sabi nung Adviser ata namin? Tapos tumingin sakin sumenyas na parang pwede ko na ituloy yung sasabihin ko.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon