John Jacob's POV
Napangiti nalang din ako bigla nung makita ko siyang ngumiti. Sa totoo lang para siyang baliw na umiiyak kanina tas pangiti ngiti na ngayon. Ewan ko ba naman kasi bakit kailangan niya pang iyakan yung gagong Liam na yon
Pinanuod ko lang siya habang nakangiting tumayo at naglakad papalayo sa punong yun. Uuwi na siguro siya ng masaya.. dahil sakin
Bigla na naman akong napangiti ayyyssh! ano ba?!
"Kinikilig ka ba?"
Nagulat nalang ako nung bigla nalang may nagsalita mula sa likod ko
Yung gagong Liam
"Nakita ko yung ginawa mo."
Seryoso niyang sabi habang nakalagay yung dalawang kamay niya sa bulsa niya
"Ginawa ko lang naman yung bagay na hindi mo magawa."
Cool kong sabi saka tinignan siya diretso sa mga mata
Ramdam ko naman ang pagkainis niya sa sinabi kong yun dahil halata sa mukha niya
"Sino ka para sabihin sakin yan?!"
Pikon na ampupu
"Interesado ka pala sakin? Haha! Kaya siguro kayo nagkahiwalay dahil lalaki rin ang gusto mo?"
Pabiro kong sabi. Ang sarap niya lang kasing pikunin e
Galit na galit niyang hinawakan ang kwelyo ko. Ngumiti lang ako ng nakakaloko na naging dahilan ng pagkunot ng noo niya
"Wala kang alam! Kaya pwede bang tumahimik ka nalang at layuan mo si Aliya!"
Inis niyang sabi
"Talaga? Ipinapalayo mo ako kay Aliya? Ako na tanging nakakapagpasaya sakanya ngayon? Ganyan ka ba talaga magmahal?! Mas gugustuhin mo pang makitang nahihirapan at nasasaktan siya ng dahil SAYO?!"
Inis kong sabi saka ginawa ang bagay na nararapat lang sakanya
Sinuntok ko lang naman siya sa mukha
"Pwes ako hindi! Hindi ko hahayaang makitang nasasaktan si Aliya. Kaya nga andito ako para pasayahin siya e."
Dagdag ko pang sabi sakanya sabay ayos ng kwelyo ko. Habang siya naman ay nakaupo at pinupunasan yung dumudugo niyang labi
"Minsan pang subukan mong saktan at paiyakin siya. Hindi lang yan ang makukuha mo."
Aliya Kate's POV
*Peep *Peep *Peep
Muntik na akong mapatalon sa gulat nung bigla nalang bumusina tong driver namin
"Oyy Aliya lutang ka na naman!"
Sabi ni Kuya sakin sabay hila sa akin pababa ng kotse
"Tssk! bitaw na!"
Irita kong sabi saka pilit na tinatanggal yung mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko. Binitawan naman niya agad ako at tumakbo papasok ng bahay. Di ko napansing andito na pala kami sa bahay kanina ko pa kasi iniisip yung lukot na papel na yon
Assumming nga akong si Jacob nagbigay nun sakin e siya lang naman talaga kaisa isang taong nagtatapon ng papel sakin pffft style nya.Pero kahit ganun pa man? Nakakakilig kayaaaaaa! Omg hahahak <3
Para akong ewan dito na nagtatatalon sa saya at kilig. Ewan ko ba? Pero iba talaga epekto niyang si Jacob sakin. May kakaiba kasi talaga e?
"Mahal na nga ba talaga kita?"
Bulong ko sa sarili ko
Ang biporal ko lang talaga dahil ang lungkot ko na naman ulit. Bakit ko ba kasi naiisip toh? Magmamahal na naman ba ako? Pagkatapos ano masasaktan lang din ako sa huli?
Tumuloy nalang ulit ako sa pagpasok sa bahay at umakyat sa kwarto. Kinalkal ko sa bag ko yung mga ibinigay-- este itinapon at hinagis saking mga papel ni Lobo at nilagay sa isang box.
Gusto ko lang itago tong mga toh para pagdating ng araw na may pinagdadaanan ako. Maisip kong may tao paring kaya akong mapasaya kahit sa simpleng pagtapon ng lukot na papel sakin HAHAH!
Hays ang babaw ko!
•♥•
A/N
Thanks for reading! If you have any thoughts, leave a comment.
BINABASA MO ANG
Stay With Me
Teen Fiction"I know it is a bad thing to break a promise, but I think now that it is a worse thing to let a promise break you." Written By: IAmCRENZyInLove