Mica POV
Pinahiram nya ako ng damit nya ulit. Pang itaas lang yung pants ay yung pants na sinout ko.
Unang pinuntahan namin bangko.Papasok sana si Kenji sa atm booth katabi lang ng bangko kasi inawat sya ng guard
"Sir sira ho yung pintuan nyan dito ka na sa loob dumaan"-sabi ng guard
Napa kapit ako kay Kenji sa malaking baril na dala dala ng lalaki.
Nakakatakot. Sobrang kapit ko lang kay Kenji baka mamaya pumutok yan eh.
"Ano ba?!"- Iritang sabi sakin ni Kenji
"kasi yung ba-baril eh nakakatakot"- Sabi ko
"hindi ka naman kakainin nyan saka kaylangan talaga nila yan"-sabi nya
"eh nakakatakot pa rin eh"-sabi ko
Kinikilabutan ako kapag nakikita yung baril
"Ano ka ba baril lang yan, Gyan ka lang hinatayin mo ako"- Sabi nya tapos pumasok na sya sa loob
"oo nga mam para sa safety nyo po to"- sabi ng guard
Pinakita pa sakin.
Wag kang ganyan kuya. Pumasok na rin ako sa loob sa takot. Parang ako nakakita ng multo sa takot.
Na papanic ako sa baril.
"Di ba sabi ko sayo sa labas ka lang"- Sabi nya
"Eh kasi natatakot ako eh"-sabi ko
Pagkatapos nya mag withdraw lumabas na kami sumakay agad ako sa kotse.
"ano ba nangyayari sayo?"-sabi nya
"kasi yung baril eh pwede alis na tayo nakakatakot kasi eh"- Sabi ko
Siguro dahil to sa past ko kung ano man ang dahilan ayoko ng maalala
"Bakit na holdap ka ba dati o tinutukan ng baril nun kaya natatakot ka?"- Sabi nya
"ewan ko siguro pwede wag na natin pag usapan kinikilautan ako"- Sabi ko
Kahit ano wag lang yun.
Dumaan kami sa mall para bumili ng damit ko.Hindi pwede kasama to sa shopping kasi nang iiwan pano na andun sa mga babae.
"Hoy! Halika na!"- Sabi ko
Hila sya sa mga babaeng nasa hara nya.
"Bye girls"-sabi nya
Kaloka to hindi na nga ako tinulungan nakikipag landian pa sa mga babae.
"Oh tapos ka na?"-Sabi nya
"oo at ayan buhatin mo naman dami dami kong bitbit"-sabi ko
Binigay yung iba ko yung iba kong binili.
"Daan tayo ng barber shop magpapagupit lang ako"- Sabi nya
Bagay naman sa kanya yung buhok nya. May bangs medyo mahaba sa wavy.
(Author: yung hairstyle ni james ngayon sa OTWOL.Para may idea kayo)
Pero okay na rin na baguhin nya di kasi bagay sa personality nya na babaero , palainom saka naninigarilyo.Wala kaming nahanap na barber shop kaya salon na lang kami pumunta.
"Yung girlfriend nyo po hindi po ba magpapayos ng buhok?"-sabi ng hairstylist kay kenji
''hindi ko girlfriend yan"-Sabi nya
Hindi ko rin sya boyfriend
"sayang bagay pa naman kayo,Ano gusto mo ba iha bagay sayo full bangs"- Sabi sakin
"Wag na ako lang"-sabi ni Kenji
Parang di bagay sakin ang full bangs okay nako sa long brown hair ko.
Hinintay ko lang sya sa waiting area. Nagbasa na lang ako ng magazine
Nakakapanibago lang kasi usually babae ang nagpapasalon/ nag papa ayos ng buhok at lalaki ang naghihintay kapag boyfriend mo ganun.
"Ahm miss excuse me"
Pagbaba ko ng magazine na binabasa ko
"bakit po yun?"- tanong ko sa bading
"ikaw ba yung friend ni Kenji?"-sabi nya
"opo bakit po?"-tanong ko
"halika kulayan kita saka gupitan kita"-sabi nya
"wag na po wala po akong pambayad"- sabi ko
"okay lang yan kasi may ari naman nito mom ni kenji kasi tong mom nya ang bilin kapag nagdala ng babae si Kenji dito libre kasi yung mom nya kasi tinitignan kung may jowa ba si kenji kung siniseryoso nya kasi babaero yan si Kenji at ikaw lang ang bukod tanging dinala nya dito kasi kahit dito hindi yan nagdadala ng babae nun dahil alam nya sasabihin namin sa mom nya.Wag mong sabihin ang tungkol dito secret lang natin to"-Sabi ng bading
Pumayag na lang ako. Wala naman magawa dito. Kahit kaylan to si Kenji o di makuntento sa isa.
Siguro kinukulit din sya ng mama nya.Kaya hindi nya sinasabi.
"Oh bakit sya kasama? ....Amnesia dun ka na lang"- sabi ni Kenji
"Okay lang yan sir.Ako na ang bahala sa kanya"- Sabi ng bading
"Bahala ka"-sabi ni Kenji
Kenji POV
Ang tagal naman nun ayusan. Mahaba pa ang biyahe namin.
"Hindi pa ba tapos yan?"- Sabi ko sa kanila
"Tapos na po sir"- Sabi nung bakla
Hinarap sakin si Amnesia.
"Anong masasabi nyo sir ano gumanda ba sya lalo?"- Sabi nung bakla
"Halika na ano oras na oh haba pa biyahe natin"-sabi ko sa kanya hinila ko na sya palabas.
Yung totoo? oo na gumanda sya lalo mas bagay sa kanya yan kaysa dati.
Nagpalit lang sa ng damit at umalis na kami
Mica POV
Infairness bagay sakin ang new look ko. Biglang napaisip ako ibig sabihin ba nito.Kalimutan ko na yung dating ako at mag start ulit ng panibago na hayaan ko ng kalimutan ang lahat.
Eh paano kung mas maganda pala yung dati kaysa yung ngayon.
Yung dati pa rin ako.
Hindi ko man maalala yung dati pa rin ang pipiliin ko.
Hindi naman habang buhay tong amnesia ko
Balang araw malalaman ko din kung sino ako.
"Anong iniisip mo?"-Sabi nya
"Yung dating ako kung ano kaya ako"-Sabi ko
"wala ka ba talagang naalala? Kahit nung bata ka pa?"-Sabi nya
"Wala masyado"-Sabi ko
Yung nasa school ako nung bata ako.Yun lang...

BINABASA MO ANG
Amnesia (JaDine)
Teen FictionGumising ako ng walang maalala Ni hindi ko alam ang pagkatao ko.....