Mica POV
Ngayon lang sya nag goodmorning nakaka panibago saka ngumi-ngiti na sya ngayon saka ang boses nya mahinahon kasi nung unang kilala ko. Ang sungit daig pa ang babaeng meron.
"Mga 30 minutes na lang nasa rest house na naming tayo dun ka na muna habang inaayos ko lang yung business naming.Meron kasi akong resort malapit lang sa rest house. Babalik din ako kaagad."- Kenji
"Okay"-Sabi
Ang ganda ng rest house nya ang laki sa labas makikita mo ang view ng beach. Sobrang puti ng buhangin. Na pag mamay ari daw ng parents nya meron silang beach resort na business nila.
"Kuya hinanahanap ka na ni Mama"- Sabi ng dalagang babae yumakap kay Kenji
Nasa likod lang ako ni Kenji minamasdan ko kasi yung paligid ng bahay nila. White and Brown ang furniture tapos may malaking salamin buong paligid ng bahay yun na yung wall ng bahay kita ang view sa labas.Square ang hugis ng bahay
"Iwan ko muna dito si Amnesia pupunta lang ako sa resort"-Kenji
Turo sakin ni Kenji
Ang ganda ng kapatid nya mukhang manika. Mestisa. Brown ang buhok matangos ang ilong. Girl version ni Kenji.
"Hello Amnesia ang ganda naman ng name mo ang unique ako nga pala si Kristiana younger sister ni Kuya"-Kristianna
Kinamayan nya ako ngitian.
"Kuya girlfriend mo ba sya?"- Kristianna
"hindi mahabang storya maiwan ko muna kayo.Amnesia kung may kaylangan ka sabihin mo lang dyan sa kapatid ko bye"-Kenji
"Kain muna tayo ng lunch im sure gutom ka na haba ng binyahe nyo"-Kristianna
Inalagay ko muna yung gamit ko sa guest room kung san nila ako papatulugin.
Tapos pumunta na kami sa kitchen.
"Ano mo si Kuya?"- Kristianna
"kaibigan"-Sabi ko
"Ka ibi-gan okay gets. Alam mo ngayon lang ulit nag dala si kuya ng babae.Since nung nag break sila ni Ate Karen"- Kristianna
"talaga bat sila naghiwalay?"-sabi ko
"Kasi tini two timer sya hindi nga namin inexpect yun kasi sobrang close namin sa ex nya saka mabait naman sya saka wala akong nakikitang problema sa kanila simula nga nung nag break sila nagloko si Kuya ang tagal kasi ng relationship nila at first girlfriend nya yun plano pa nga nila magpakasal kaso dahil dun sa nangyari hindi natuloy"-Kristianna
"ah kaya pala ganun sya"-Sabi ko
Kaya pala ginagawa nya yun sa ibang mga babae.
"Hindi ba na sabi sayo ni Kuya yun?"-Kristiana
'hindi"-Sabi ko
"Paano pala kayo nagkakilala ni kuya?"-Kristiana
"Mahabang storya"-Sabi ko
"sige na makikinig ako siguro may nangyari sa inyo noh"-Kristiana
"ha? wala noh ganito kasi yun nabanggan kasi nya ako sabi ng doctor nagkaron daw ako ng amnesia nagpatulong ako sa kanya makauwi samin saka para na rin malaman kung anong pangalan ko"- Sabi ko
Ayoko sabihin yung totoong reason ko kasi baka sabihin nya kay kenji.
"Ah grabe parang pala movie ang pagkakakilala nyo may nangyayari palang ganun baka pinagtagpo kayo ng destiny baka ikaw na ang soulmate ng kuya ko aww nakakakilig!"- Kristina
"hindi noh malabong mangyari yun kasi yang kuya mo babaero"-Sabi ko
'' Oo nga eh ang sakit ng ginagawa ni kuya sa mga babae ilang beses ko ng sinasabi sa kanya yun di naman sya nakikinig siguro kaya kayo nagkita para baguhin mo sya para magbago na sya sa mga pinagagawa nya nakakamiss na rin kasi yung dating Kuya sobrang laki ng pinagbago nya simula nung break up nila.Alam mo ba muntikan ng maaksidente si Kuya dahil dun nag lasing sya ng naglasing umuwi sya ng nagdridrive ng kotse muntikan na syang mabangga dahil dun buti na lang walang nangyari sa kanya"- Kristina
"kinausap ko nga sya about dun sana magbago sya"-Sabi ko
''Sana nga ateh tulungan mo din sya ate magbago ha since mas nakakausap mo sya tingin ko magbabago naman yun kapag ikaw ang nagpatino dun"-Kristina
"Sana nga"-Sabi ko
Oo nga noh tulungan ko na lang sya since tutulungan din naman nya ako.
"Since wala pa naman si kuya halika punta tayo ng beach"-Kristina
Kami lang ang tao sa beach banda dulo kasi kami.
Ang ganda ng beach sobrang clear ng tubig . Saka sobrang puti ng buhangin.
Pinahiram ako ng swimsuit ni Kristina. Nahihiya ako mag two piece kaya yung top lang yung sinuot ko yung pang ibaba ko short.
"Pwede Amnesia na lang tawag ko sayo hindi ate hindi naman siguro tayo nagkakalayo ng edad kasing edad mo lang si kuya.Si kuya saka ako 2years lang ang age gap namin kaya pwede amnesia na lang?"-Kristina
"Sige Amnesia na lang"- Sabi ko sa kanya.
"Andito lang pala kayo kanina ko pa kayo hinanahanap"
Paglingon ko si Kenji.
Naka board shirt at naka t-shirt.At naka shades sya
"Pinasyal ko lang sya dito sa beach"-Kristina
"Ah tamang tama maganda ang panahon ngayon hindi masyadong mainit"-Kenji
Biglang nag hubad sya ng t-shirt nya. Nagslow motion na naman.Lalong uminiit ah.
Grabe ang abs
Isa
Dalawa
tatlo
apat
lima
anim.
Ang ganda na nga ng view ng beach ang ganda pa ng view sa harapan ko.Di lang yun pati shades tinanggal nya
"Iwan ko na muna kayo magdadala lang ako ng pagkain"- Kristina
"Paki dala na rin tong t-shirt ko"- Kenji
Sabay bato ng t-shirt nya kay Kristina.
Wag kang ganyan hindi kita matignan ng maayos.
BINABASA MO ANG
Amnesia (JaDine)
Teen FictionGumising ako ng walang maalala Ni hindi ko alam ang pagkatao ko.....