HM - 2

17 0 0
                                    

"Mommy? Malapit na ba tayo?"

"Yes Baby." Maya maya, naramdaman kong nagstop over kami.

"Mommy? San na tayo?"

"We're at *** Baby, 1 and a half hour left."

"Oh okay. MagsiCR muna ako Mommy."

"Okay. 'Wag kang magpalayo huh?" Tumango nalang ako bago pumasok sa convinience store.

Nung papasok na ako sa CR, may nakita akong babaeng mukhang clown sa sobrang kapal ng make-up. Hindi ko sana papansinin pero narining ko ang pangalan na sinambit niya. Ayan tuloy, lumingon ako at tumingin din sa tinitingnan niya. Nakita ko ang tinawag niya. Nakita ko din kung paano kumaway ang taong iyon kay Girl-Na-Galing-Ata-Sa-Circus-Dahil-Sa-Make-Up. Nakita ko kung paano siya tumingin sa gawi ko at unti-unting ngumiti.

"Paul." Pukaw niya sa pansin ko. Yes, he calls me Paul. And yes, he's a he.

"Oh hi. An.." Meet Angelio Xerxes. Ex ko. Even after the break-up, we still call each other with our 'unique' pen names. I guess there are things that stay the same when everything is changing.

"Xerxes? Honey? Who is she?" Oh. Pwede din pala maging tuko 'tong clown na 'to.

"Oh. She's Eversteen, a.. uh.. uhmm."

Dahil wala atang planong magsalita ng maayos 'tong si An, "I'm his friend. And you are?" Aba't tinaasan lang ako ng kilay.

"Ang dami palang epal dito. Xerxes, Honey, let's go."

"tss. bitter." bulong ko sa sarili ko.

"Teka, may itatanong pa ako kay Paul." Nung narining ng babaeng 'yun ang sinabi ni An, lumingon agad siya saakin ako naman, dahil ang bait ko nga, binigyan ko siya ng evil grin. Bait ko ano?

"Yes An?" ginaya ko ang malanding boses niya.

"'Wag mo ngang gawin iyan Paul. Ang pangit sa tenga." Pshhhh what does that mean? Eh, ginaya ko lang naman ang boses ng alalay ni An.

"Anyway," pagpapatuloy niya "Anong ginawa mo dito?"

"Family outing."

"Oh? So kasama pala sila Tita?"

"Yea. Ikaw anong ginawa mo dito?"

"Party nina Steph at Gray."

"Oh? Bakit? Anyare sa kanila?"

"Engaged na sila Paul." 

OMG! ANG LONG TIME MALA TOM AND JERRY COUPLE, ENGAGED NA? AGAD AGAD? Nabasa niya ata ang reaction ko..

"Arranged marriage lang sila Paul."

"Oh. Anyway, nandito sila Mommy, gusto mong kausapin siya sandali?"

"Yeah sure." Nagsimula kaming pumunta kela Mommy ng mamataan ko si Circus Girl. Mukhang natalo sa pustahan 'tong babaeng 'to. Sabagay, sino ba namang hindi mag-eemo kung mukha kang third wheeler diba? Tss.

*****

Pagkatapos mag-usap at magpaalam nina Mommy at Paul, tumuloy na ako sa sasakyan namin at nagsimula na naman ang aming mahabang biyahe. Matutulog na sana ako ng bigla akong kausapin ni Mommy.

"Bakit kayo naghiwalay Baby?"

"Nino? Xerxes?"

"Yeah. Why? What happened?"

"I don't know. I guess we just didn't click that time."

"Pero bagay kayo eh."

"Tss. Mommy, things won't happen because we want them to happen but because it is God's plan. It is what He wants to happen."

"Hmm. Okay. But I still think na bagay kayo."

"Tss." Natulog nalang ako kesa naman kukulitin ako ni Mommy. Nasa gitna na ako ng malalim na pagtulog ng maramdaman ko ang pagyugyog ng balikat ko.

"Baby, we're here."  

And finally, I felt fresh air brush against my cheek. When I looked at my right, I saw him...

Tito Marco.. looking as hot as ever.

He's MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon