CANC : Chapter 2

198 7 2
                                    

"At ano sino ka naman?"

Tanong ni Trina.

"Wala akong pake sayo girl, tabi"

Sabay hawi kay Trina.

"Aba bastos--"

"Ano ba yun?" tanong ko. Nako. Kung di ko pipigilan si Trina baka makalbo tong babaeng palakang to.

Inikutan nya ako sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa.

"Anong nagustuhan sayo ni Liam? Mula ulo mukhang paa"

Nagtawanan naman ang mga kumag na estudyante na nakikiusisa sa'min.

Masyado na kasing kumalat yung kwentong barbero sa buong school. Kainis naman kasi. Sino ba kasi nagkalat nitong nonsense na to?

"Excuse me. Kinakausap mo yung presidente ng student council nang ganyan. Wala ka bang galang?"

Tanong ni Josh.

"Josh. Crush kita, oo. Kaya please lang, wag kang makialam sa gulong ito-ARAY!"

Sabay hawak sa paa nya.

"Isa pang hawak mo kay Josh puputulin ko na yang talampakan mo't ipapalit ko yang mukha mo!"

Sakit nun te. Inapakan nya yung paa ni girl may heels pa shoes nya. Jusko ko Trining!!!

"HOW DARE YOU--"

"ANO HA ANO"

"Tama na yan"

Napatingin sila sakin.

"Hindi totoo yun. Hindi nga kami nag uusap ni Liam. Ni hindi nya nga ako kilala. Pwede bang manahimik ka na?"

Nagpagpag sya ng blouse sabay irap.

"Kayong lahat. Narinig niyo na ha. Kaya pwede ba tigilan niyo na ang kakachismis kay Dani?"

"Tara na Trina. Hayaan mo na sila" sabay hila ko sa braso nya.

"Gutom lang yan Trining. Ikain na natin ang masasamang espiritu sa mundo"

Natawa ako sa sinabi ni Josh.

"Sino ba kasing nagpakalat ng balita na yun?" tanong ko kay Josh.

"Ah eh. Hindi ko nga alam Dani. Basta naririnig ko lang din yun. Team mate ko si Liam sa basketball pero wala naman syang nababanggit na ganun samin. Or napag usapan man lang ganon"

"Baka kung sinong may nagtrip lang sayo Dani" tanong ni Trina.

"Ah basta, na clear ko naman na sa lahat na wala akong gusto at walang gusto sakin si Liam at wala akong pakialam sakany--a..."

Si.. Liam shet.

"Pft. Wala palang pakialam ha. Tumutulo na ang laway natin ha"

Sabay tawa nilang dalawa

"Tumigil nga kayo"

Bulong ko.

"Dani. Act normal"
Pang aasar ni Trina

"Dani, okay lang yan. Sikreto lang natin yang tatlo"

Sabay kindat.

"Hay nako bagay talaga kayong dalawa"

Natawa naman sila. Hilig talaga nila akong pagtripan hay nako

"Wala akong time sa ganung bagay"

"Sige na Liam. Sumali ka na. Kailangan namin ng lead role sa darating na play at kung sasali ka malamang bebenta yung play na yun"

So balak nilang isali si Liam sa play?

"I'll think about it"

Napatigil sya. At napatingin sakin..

"Ikaw ba yung president na nili-link sakin?"

Tanong nya.


Yare.

"Hindi ko alam. Wala akong alam"

Sabay iwas

"Dani wait"

Hinila naman ako ni Trina.

"Ano ka ba Liam. Mukha bang magkakacrush sayo si Dani ha"

Napatingin sya sakin ulit

"May chance. Sa gwapo kong to? Di mo ba ko magugustuhan, Dani?"

Sabay kindat sakin.

"Wow. Ang kapal din naman ng ilong mo. Fyi. Wala akong gusto sayo. Tara na nga Trina"

Nakakainis. Ang yabang nya talaga! Pasalamat sya crush ko sya. Hmp.

"Uy kilig pempem nya"

Pang aasar na naman nya.

"Medyo. Slight lang"

Sabay batok sa kanya.

Hay nako crush. Bakit ka ganyan 😭

CRUSH AKO NI CRUSH ^___________^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon