Prologue

815 16 12
                                    

Note: Lahat nang nilalaman nang aklat na ito ay pawang laman lamang ng imahinasyon nang may akda.

"Talaga? May crush na si Liam?"

"Oo meron. At nasa section din daw nila"

"Ay"

"Balita ko yung presidente daw ng student council ang bet nya!"

"Ay, bet nya yun?"

"Oo nga eh, para silang beauty and the beast. Syempre si Liam ang beauty tapos si ate gurl ang beast"

Tapos nagtawanan na sila.

Mas mahalaga sa kanila ang pisikal kaysa sa kalooban? Mga tao nga naman.

"Dani!!!!"

Sigaw nya. Napatingin tuloy ang mga bakla samin. Sabay alis.

Di siguro nila napansin na yung pinag uusapan nila nasa likod lang nila.

"Oh, Trina. Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap"

"Nakiusyoso lang saglit. May commotion kasi doon sa baba"

Commotion?

"Anong meron?"

"Yung music club daw magkakaroon nang musical play sa darating na december. First time nilang magpapa audition. Kadalasan kasi, yung mga actors and actresses lang nila yung bida. This time, galing naman sa student body"


Oh I see.

"Aren't you interested?"

Tanong nya sakin.

"Nah. Madami akong gagawin. And besides, di ako fit para sa characters"

"WHAT?! YOU'VE ALREADY KNOW THAT?"

Napatingin sila samin.

"Ako yung secretary ng dance club remember? Collaboration"

"Bakit di mo man lang shinare hay napaka selfish!"

Sabi nila isikreto muna eh.


"Sorry Trina"

Nagpout naman sya

"Anyways, I've heard na may crush na daw yung crush mo"

"Eh ano naman?"

"Ano ba Dani. HAHAHA!"

Is it funny?

"Wala naman akong magagawa kung magkacrush si Liam"


"WHAT? Gaga ka ba?"

"You don't have to-- ha? Ako gaga? Hindi no"

"Sabi mo long time crush mo si Stefano?"

"Oo"

"Eh bakit ganyan ka lang magreact?"

Natatawang tanong nya.

Nagkibit-balikat na lang ako.

"Eh ikaw nga ang kumakalat na gusto nung crush mo eh?"

Ayan na naman tayo sa endless rumor na yan! Aba? Ako? Magugustuhan ni Liam? Kayayabang ng tao na yun magkakagusto sa'kin?

"Hay nako hilig mong magpaniwala sa mga chismis. Ni hindi nga nya ko kilala"

"Kung sa bagay.. Pero baki naman kaya kumalat yung story na yun? Pambihira! Madami tuloy galit sa'yo Dani"

"Lalo na yung mga fan girls nyang si Liam ang kakapal ng mukha. Akala mo kung sinong magaganda. Eh wala ngang balak na pansinin sila ni Liam, hane!"

Nagulat kaming dalawa ni Trina.

"Bastos kang bakla ka!"

"Eh inaano ka ba Trinaloves? Miss mo lang ako eh"

Sabay pulupot ng kamay nya sa braso ni Trina.

"Hay nako Josh! Tumigil ka nga kakaganyan mo sakin. Nakakahiya sa mga students na nakakakita"

If I know kinikilig naman sya?

That's Josh and Trina. Magjowabels sila and bff ko sila. So bale. Third wheel na ko simula nung nagkaaminan yung dalawa.

"Saan ka namang lupalop nanggaling ha Josh?"

Tanong ko.

"Eh nagpatawag ng meeting yung club namin eh. Pasensya na kayo naghintay pa kayo. Tara kain na libre ko since late ako dumating HAHAHA"

At nabuhayan kami ng dugo.

"So. Ikaw pala ang gusto ng prince Liam namin?"



What? Ugh. Trouble it is.

CRUSH AKO NI CRUSH ^___________^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon